Whisper 56

886 84 12
                                    

Whisper 56

Maingay at nagkagulo ang bahay ni Austine dahil kay Archer at Jobert na naglalaro sa sala, habang sila Babe at Phoebe na nagbabasketball sa labas ng bahay. Naiwan sa kusina si nanay Luz at Austine.

"Ilang buwan pa at magiging apat na ang anak niyo ni Precious. Masaya ako na makita kong ayos na ang buhay ni Precious," wika ni nanay Luz.

"Salamat po sa ilang taon na kinupkop niyo po siya at tinuring na pamilya. Hindi ko po alam kung paano po ako makakabawi sa ginawa niyong pagsalba sa kanya."

"Nako hijo, mahalin mo lang ng tapat at sobra-sobra si Precious masaya na ako. Ikaw pala ang lalaking mahal niya, ni minsan hindi ka niya pinakita sa'kin. Ewan ko lang kay Jobert, ang kuwento niya sa'kin noong bagong salta pa lang si Precious. Palagi itong umiiyak sa gabi, at may tinitignan palagi sa cellphone nito," sambit ni nanay Luz.

Patuloy lang nakikinig si Austine sa sinasabi ni nanay Luz. Nagagalak din siyang kahit na napaka tagal nilang nagkahiwalay, mahal pa rin siya ni Precious.

"Kailan mo ba siya balak pakasalan?" diretsong tanong ni nanay Luz.

"This week, on friday. But please, huwag niyo pong sabihin. I want this marriage to be a surprise. Kayo lang po ang gusto kong makasama sa kasal namin. Alam ko na mas sasaya si Precious kung nandoon kayo Nanay Luz. Masyado akong gago dahil iniwan ko siya sa ere, hindi ko hinayaan na pakinggan siya. Hinayaan ko ang pride at galit ko ang manaig. Hindi ko inisip ang nararamdaman niya."

"Hijo, sa bawat relasyon, kailangan ng komuniskasyon at pakikinig na may kasamang pag-intindi. Hindi naman palagi na ang punto mo ang tama, dapat inaalam mo rin ang pintig ng iyong kapareha. Paano kayo magiging bukas sa isa't isa, kung pareho niyong binibigyan ng harang ang bawat isa? Mas mabuting makinig na muna bago ka magsalita. Dahil kapag sinabayan mo ito ng pananalita, magkakabingiian kayo at ito ang magiging mitya ng galit," pangangaral ni nanay Luz.

"T-thank you po Nanay Luz. Aminado naman po ako, I'm a selfish guy. Gusto ko, ako lang ang pinakikinggan. Ngayon na nagkakaintindihan na kami, hindi ko na hahayaan na kumawala pa si Precious sa piling ko. Salamat po ulit sa pag-aruga sa kanya at mga payo na binitiwan niyo para sa aming dalawa."

Sa kabilang dako...

Buong akala nilang nagpapahinga si Precious sa loob ng kwarto nila ni Austine. Nakuha niyang magkulong sa banyo dahil sa ilang suka at pagkakahilo. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Akio.

"Are you okay?" wika ni Akio mula sa kabilang linya.

"A-a-ki. Gusto ko nang gumaling. Kailan ba tayo aalis?" bulong niya habang pilit na pinipigilan ang uha na gustong kumawala sa kanyang bibig.

"I scheduled everything. Babalitaan kita, this is an urgent. Anytime dapat lagi kang handa sa pag-alis."

"I love Austine. Gusto kong sabihin sa kanya, pero alam kong masasaktan ko na naman siya."

"You will live longer. Trust me."

Sa pagbaba ng linya sinubukan niyang pakalmahin ang sarili, hawak niya ang sinapupunan at hinagkan ang sarili. Gustong-gusto niyang masalba ang kambal, pero sa ganitong lagay. Imposible na mabuhay pa ito ng normal o mabuhay pa sa mundong ibabaw. Sa kanyang paglabas ng banyo, minabuti niyang takpan ng kolorete ang malamlam na mga mata.

"Hold on Precious, gagaling ka," napatingin muli si Precious sa kanyang cellphone dahil sa ilang pag tunog nito. Pumukaw sa kanyang atensyon ang isang mensahe mula sa isang numero lamang. Hinihintay niyang lumabas ang litrato na ipinadala sa kanya.

"N-no."

Bumagsak ng tuluyan ang kanyang luha kasama ang pusong nagpira-piraso. Hindi niya alam kung sino ang nagpadala ng litratong ito sa kanya.

Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon