Careless 26

875 73 14
                                    

Careless 26

FLASHBACK

"Ito ang bunga sa pagmamahalan namin ni Austine. Ang bunga na binawi agad, katulad ng pagmamahalan namin. Hindi nga siguro ako karapat dapat na makaramdam ng tunay na pagmamahal. Dahil mismong tunay kong magulang, ang siyang umabanduna sa akin. Gusto ko lang naman sumaya? Bakit kailangan ipagdamot ang bagay na ito? Wala akong hinihiniling na kahit anong materyal. Tanging buhay pagiging ina lamang ang hinihintay kong matamasa, pero binawi mo agad?"

Nakatingin si Precious sa krus habang siya'y payapang nagdarasal sa simbahan. Magmula namatay ang kanyang anak, hindi siya pumapalya na bumisita sa bahay ng Panginoon. Kahit walang misa, dito siya madalas matagpuan. Kinuha niya ang kanyang papel at pluma upang magsulat.

Ngayon na walang tao, nakapuwesto siya kung saan tumutugtog ang mga choir.

"There's a man in my mind, that keeps on slamming my door, and yes it's you," isinulat niya ito pagkatapos pumindot ng piyesa.

Napapikit siya at  dinarama ang bawat himig mula sa keyboards. She's composing a song, the song in her heart, that she could never say to this person. Idinaan niya sa musika ang mga lengwaheng gustong iparating ng kanyang puso. Unti-unting bumibigat ang mga mata niya at nagbagsakan na ito, na parang ulap na hindi na kayang bitbitin ang bigat ng ulan.

"Bakit ganito ang sinapit ko? Ampon, itinapon, inabanduna. Ngayon, isang ina na namatayan ng anak. Mas tatanggapin ko pa ang kahit anong dagok ng buhay, huwag lang mawala si Agustus. Bakit hindi mo 'ko hinayaan na maging ina sa anak ko?" kinakausap niya ang poon  Nazareno.

"Ang sakit! Hindi ko alam kung paano ako magsisimula, ilang buwan na ang nakalipas. Mag-iisang taon na mula noong huling pagkikita namin ni Austine. And now, I'm eighteen years old. Ang hirap buksan ang bagong kabanata ng buhay ko, patuloy pa rin akong hinahatak nito sa nakaraan. 'Yun na lang ang meron sa'kin. Bakit mo pa kinuha? Ano bang kasalanan ang ginawa ko?"

Huminga ng napakalalim ni Precious at tumayo. Inayos niya ang sarili at pinunggol ang mahabang buhok. Pagkatapos niyang manganak kay Agustus, nag iba ang hubog ng katawan niya. Nagkalaman siya at muling mukhang dalaga. Sa tuwing iiyak siya, pinapakain siya palagi ng ice cream ni Jobert.

Balik ang buhay niya sa pagkakatulong, kahit alam niya pa rin na imposible. Iniipon niya ang pera na sinasahod para sa grand piano. Hindi rin niya alam kung saan niya ito matatagpuan.

"Sabi na at nandito ka! May nakita na akong supplier ng tela para sa basahan!" bulalas ni Jobert.

"Talaga? Saan?"

"Umiyak ka, kumain ka ng ice cream! Para matanggal ang stress!" inabutan siya ng bente pesos ni Jobert at natawa na lang si Precious.

Nasanay na ang kanyang kaibigan na si Jobert, hindi rin naman nila mapipigilan ang pagluluksa nito, lalo na't ito lang ang natirang regalo kay Precious at nakuha pang mawala.

"Jobert, Precious!"

Napatingin ang dalawa at nakita nila si Doctor Aki, may bitbit itong basket ng mga prutas.

"Precious, for you!" inabot niya ito  sa dalaga.

"Wow! Ano ito offering sa misa?" aniya ni Jobert.

"Hindi, para sa kanya. Para healthy," pagngiti nito.

"Salamat Doc Aki," malamya niyang sagot.

Napansin din ng Doctor na maga ang mga mata niya, dagdag pa ang ilong na namumula.

"Anyway, may nahanap na akong apartment," pagbubukas ng pag uusapan.

"Huwag na po, hindi na rin kailangan ng magandang lugar. Masaya naman kami sa bahay na tinirahan," pagtanggi ni Precious.

Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon