Whisper 32

911 78 41
                                    

Whisper 32

"Jobert!" Sigaw ni Precious.

"Ano?!"

"Bakit mo binigyan ng lipstick ang anak ko!" Sigaw ni Precious at dinagukan sa ulo si Jobert.

"Ano ka ba? Ang ganda ganda ng anak mo! Tapos ginagawa mong tomboy," giit ni Jobert at pinunggol ang buhok ni Phoebe.

"Tigilan mo iyan Jobert, kesa lapitan ng mga kalalakihan ang anak ni Precious. Mas maganda na ganyan na muna siya," pag singit ni nanay Luz.

"Ano ka ba nanay Luz? Lipstick lang! Hindi naman pokers itong bata! Ang ganda-ganda naman ng baby Phoebe namin!" Paglalandi ni Jobert sa bata habang ito'y walang kamalay-malay na nakangiti lang kay Jobert.

"Halika na Phoebe, baka ma-late ka sa school!" Saad ni Precious.

Sinuot niya ang rubber shoes ng bata at binuhat. Nakuha niyang igapang sa isang pribadong paaralan ang kanyang anak. Gustohin man niyang ipasok ito sa scholarship ngunit wala pa sa tamang edad ang bata upang maipasok sa requirement.

"Mama, kailan niyo po ako bibilhan ng blackshoes? Inaasar po kasi ako sa school," nakangusong sinabi nito habang nakayuko.

"Bibilhan na kita, huwag kang mag-alala anak. Mamaya pag-uwi mo susunduin kita, tapos pupunta tayo ng UDT Mall okay ba?"

"Yehey! Mama gusto ko rin po ng chocolates!"

"Anak, bawal iyon sa lalamunan mo. Hindi ba't sinabi ni Doctor Aki na hindi ka pwede sa sobrang matatamis?"

"Kahit isang beses lang po Mama, naiinggit po kasi ako sa chocolite na iniinom ng classmate ko. Palagi na lang po kasing tubig ang iniinom ko. Sila po, makukulay lagi."

Napakagat labi si Precious at pilit na ngumiti. Nalulungkot siya dahil hindi niya makuhang bilhin lahat ng gusto ni Phoebe dahil sa pagkukulang sa pera.

"Anak, alam mo ba na mas healthy ang tubig! Healthy 'yon sa katawan,"

"E kung healthy po, bakit po ako laging nasa Doctor kapag napapagod?"

Napabuntong-hininga si Precious dahil sa kadaldalan ng kanyang anak. "Kasi, kulang pa raw sa tubig!"

Pinaghahalikan niya ang anak sa leeg bago sila makasakay sa tricycle. Habang sila ay nasa biyahe, nakita niyang malapit na rin magsalita ang rubber shoes ng kanyang anak.

Ilang beses na siyang kinausap ng Principal tungkol sa hindi niya pagsunod sa dress code sa paaralan. Si Phoebe lamang ang bukod tangi na babaeng estudyante na naka rubber shoes.

"Sorry anak, hindi ko maibigay lahat sa'yo. Walang kahit ano man materyal sa mundo ang tutumbas sa buong puso kong pagmamahal sa'yo."

******

Hindi nakuhang makauwi ni Austine sa kanilang bahay dahil siguradong bubungangaan siya ng kanyang Ama. Ilang araw na siyang lasing at wala sa sarili. Patuloy ang salitang "Mama" sa kanyang teynga. Lalo na ang lalaking kasama ni Precious.

"She's married now? Live in? With boyfriend? Bakit hinahayaan siya nitong magpahipo sa ibang lalaki? Tangina, anong klaseng lalaki ka! Anong klaseng babae ka Precious? Babae pa man din ang anak mo!"

Mapait pa sa alak ang pakiramdam ni Austine. Aminado siyang may kumikirot pa rin sa kanyang puso.

"I hate you, hinayaan mo lang ang anak natin. Pagkatapos masaya ka sa piling ng ibang lalaki? Masaya kayong pamilya, pagkatapos kami ni Archer hindi kumpleto? I hate myself, bakit apektado pa ako ng sobra-sobra sa'yo, Precious. Harap-harapan na akong sinampal ng katotohanan, katotohanan na kahit kailanman ay hindi ka na mapapasakin. Galit ako sa sarili ko dahil ikaw pa rin hanggang ngayon."

Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon