Whisper 41

893 78 18
                                    

Whisper 41

Pagmulat ng kanyang mga mata, isang pamilyar na amoy ang kanyang nalalanghap. Sa kanyang pagtingin leeg ni Austine ang kanyang nakita.Tumambad din ang naglalakihang braso nito at dibdib. Hindi niya magawang makapalag dahil mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Naramdaman niya ang pagpintig ng ulo  at nakuha niyang mapapikit.

"S-sir?" bulong niya at minulat naman nito ang mga mata. Nahiyang tumingin si Precious at binitiwan siya ni Austine. Nakatihaya lang ito at mukhang inaantok pa ang lalaki. Pinilit niyang bumangon at lumabas ng kwarto.

Agad niyang sinilip ang alagang si Archer na natutulog pa rin. Napatingin siya sa orasan at alas sais pa lang ng umaga. Paubo-ubo siya habang inaabot ang pagkain sa frigde. Hindi niya alam kung anong pagkain ang paborito ni Austine at Archer, kung kaya't kumuha na lang siya mailuluto. Patingin-tingin siya sa relos dahil alas dies ay kailangan na niyang bumalik sa ospital para madalaw ang kanyang anak na si Phoebe.

"Good morning!" Bati ni Precious kay Archer na nakapikit at naglakad papunta sa kanya. Hinatak nito ang upuan at tinapat sa fridge. Napangiti siya dahil napaka independent ng bata at hindi man lang nanghingi ng tulong sa kanya.

"I'll help you Archer baka malaglag ka."

"I used to do this alone. Thank you for helping. Ano po bang niluto mo for breakfast?" tanong ng bata.

"Beef tapa with vegetable fried rice."

"Really? I like that! Pwede na bang kumain para maglaro tayo ng basketball mamaya?" giit ni Archer.

"Sure, tatawagin ko lang ang Daddy mo okay?"

"Okay copy!"

Kumatok si Precious sa pintuan ni Austine at pumasok na siya rito. Bilang parte ng kanyang trabaho, nakita niyang gusot ang bed sheet nito at hindi nakaayos ang gamit. Habang naririnig niya ang tubig na pumapatak mula sa banyo nito, inayos na niya ang kama at ilang mga gamit sa lamesa. Napangiti rin siya nang makita ang painting nilang mag-ama.

"Galing mo talaga, kahit sarili mo kahit mong i-pinta. Buhay pa kaya ang pininta mo sa'kin?"

Sa kanyang paglingon, nakita niya si Austine na naka brief lamang at hinablot sa kanya ang hawak na canvass frame.

"Don't touch this."

"S-sorry sir," giit niya.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo? Bukas ka na mag-start sa trabaho. Dito ka na muna," utos ni Austine.

"Kailangan kong puntahan ang anak ko ngayon Sir."

"Okay after that bumalik ka rito, walang kasama si Archer dahil aalis ako."

"Saan ka pupunta?" wala sa wisyo niyang pagtatanong kay Austine.

"Bakit miss mo na ako agad?"

Napailing si Precious at tinalikuran si Austine.

"Kinakausap pa kita, tatalikuran mo ako?" mariin nitong sinabi at biglang napaharap si Precious.

"Sorry boss, si Archer po naghihintay na sa hapag kainan. Kumain na po kayo," aniya niya at tumango lang si Austine. Nakuhang makalabas ni Austine at nakita si Archer na naghihintay sa lamesa.

"Asan ang Nanny mo anak?" paghalik niya rito.

"Nasa labas po, maglalaba raw po siya."

"What? Kumain na ba 'yon?"

"She said, hindi siya kumakain ng almusal, kaya po hindi ko na pinilit."

"Wait me here, tatawagin ko lang."

Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon