Careless 25
FLASHBACK
Walang reklamo si Precious at ginamit niya ang pera na binigay ni Smith Lavigne. Kailangan niyang lunokin ang pride upang mabuhay ang anak nila ni Austine. Alam niyang ang kapalit ng perang binigay ni Smith ang kanyang katahimikan patungkol sa anak nila.
"Bakit ang dami mong pera ha? Lumapit ka na ba kay Doctor Aki?"
"Si Smith, nagkataon nagkita kami," sinabi niya kay Jobert habang sila'y nakapila sa banko.
"Wow! Talaga, recognize ka na?"
"Hindi, okay na ito. Ang importante may pera panggatas ni baby boy," aniya niya at hinahawakan ang sinapupunan.
"Gaga! Tapos ang anak niya sarap buhay? No way!"
"Hayaan mo na, ayoko naman sirain ang career ng anak niya. Mahal ko si Austine, ayokong dahil sa'kin masira ang matagal na niyang panagarap sa buhay. Hindi naman ako tulad ng tatay niyang hukluban," galit na sinagot ni Precious.
"Hay, ewan ko sa'yo! Teka, ano pala ang ipapangalan mo sa kanya?"
"Agustus!" masayang sinabi ni Precious.
"Wow! Ang lakas! Hihintayin ko ang anak mo at magiging kami," malanding sinabi ni Jobert.
"Hoy gaga, magtigil ka! Ililibing kita ng buhay!"
"Ito naman at hindi mabiro! Pero sana, kung lumaki na ang anak mo. Makuha mo pa rin ipakilala ang Daddy niya."
"Ayaw ko na munang isipin 'yon. Ayoko rin kasing itaboy ang anak ko, tulad ng ginawa sa'kin. At alam kong, alam mo ang pakiramdam na parang aso ka lang iniwan ng magulang, pagkatapos mararamdaman ng anak ko 'yon? No way! Ako ang makakalaban ni Smith," giit niya.
"Wow! Tapang! Lakas ng fighting pilit ha! Pilit na pilit!"
"Hoy, hindi pilit 'yon! Siyempre kapag naging ina ka na, ayaw mong may manakit sa anak mo. Ayaw na ayaw mong may tumampal or kahit bata pa ang mang-asar sa anak ko, papatulan ko!"
"Hay! Oo na sige! Ikaw na ang wonder Mom!"
"Baby, sana kasing gwapo ka rin like Daddy. Sorry for being selfish, ito lang ang naisip kong paraan, ilayo ka sa ama mo. Ayokong itaboy ka ni Smith, lalong ipakilala bilang ilehitimong anak. Ayokong matulad ka kay mommy na basta na lang pala pinulot sa bahay ampunan. You will never experience the same thing, okay? I love you my Agustus," bulong niya sa sarili.
Lumipas ang dalawang buwan at nakuha nang mag-labor ni Precious. Handang-handa na siya mula sa gagamitin ng kanyang anak. Ang pera na ibinigay ni Smith, ay siyang pinagkasya niya. Mula sa damit ni Agustus hanggang sa gatas na kanyang ihinanda. Walang kasing saya si Precious dahil sa pagiging ganap na ina. Pakiramdam niya'y, ito na ang pinaka mahalagang misyon niya sa mundo. Alam niyang mahirap magpalaki ng anak na mag-isa, pero sa tulong nila Jobert at nanay Luz, nagkakaroon siya ng lakas upang mapanindigan at maging mabuting ina kay Agustus
******
Naabutan siya ng panganganak sa labas ng covenience store, dinala siya sa isang lying -in clinic na malapit dito. Ngayon na siya na ang nakasalang dito, hinihingal at pawis na pawis siya.
"Misis! Iri!" aniya ng midwife.
"Umh!"
Ilang iri at paghihirap, ayaw pa rin lumabas ng kanyang anak. Muli siyang pina-iri ng midwife at doon nakuhang lumabas ng baby boy. Agad itinabi kay Precious ang bata upang kanyang mahagkan.
"Agustus, anak ko," maluha-luha niyang sinabi.
"Misis!"
Kamuntik niyang mabitiwan ang sanggol nang biglang nahimatay si Precious. Inilayo ng isang midwife ang sanggol sa kanyang Ina. Inilapag na muna ang bata at tinulungan ang kasamahan upang matingnan ang kalagayan ni Precious.
"Kailangan niyang madala sa ospital!" pagpa-panic ng midwife.
Nakuhang tawagan ng midwife ang guardian ni Precious na si Nanay Luz at Jobert. Diniretso nila ang ospital upang madalaw ang babae.
"Bakit ba suki ng ospital itong si Precious, araw-araw akong kinakabahan para sa kanya," giit ni Jobert.
"Mahina ang katawan niya, lalong sanay pa ang batang ito sa yaman," sagot ni nanay Luz.
"Teka? Asan na ba ang bata? Hindi ba't nanganak na siya?" pagtatanong ni Jobert at napatayo.
"Ay oo nga! Itanong mo sa midwife! Dalian mo at gusto kong makita si baby boy!" masayang sinabi ni Nanay Luz.
Lumabas si Jobert ng kwarto upang mapuntahan ang lying-in kung saan nanganak si Precious.
"Nanay, asan po si Agustus?" bigla siyang bumangon ngunit pinigilan siya ni nanay Luz.
"Hay! Magpahinga ka nga! Tingnan mo at nakuha mong manganak ng mag-isa!" suway ng matanda.
"Gusto ko pong makita ang baby ko, mabilis ko lang po siyang nahawakan kanina, pagkatapos nagdilim na ang paningin ko," aniya nito.
"Huwag kang mag-alala! Pinuntahan na ni Jobert, dito na lang ba ipapacheck up ang sanggol para may Doctor na siya agad?"
"Hindi ko po alam, wala naman po akong idea."
"Hay, sige at magpahinga ka na! Ako na ang kakausap sa midwife at Doctor dito. Kung sa kabilang ospital ka dinala, e'di sana si poging Doctor ang nandito," kinikilig pa ang matanda at natawa naman si Precious.
Mababa ang dugo ni Precious kung kaya't palaging siyang nahihimatay. Mahina rin ang resistensya niya, mabuti at nakuhang makapanganak ni Precious.
Ilang oras ang hinintay nila at nakuha na niyang makatulog muli. Tila pinagsakluban ng langit at lupa na lumapit si Jobert kay nanay Luz.
"Asan na ang sanggol?!" bulalas nito kung kaya't biglang nalingat si Precious.
Hindi kumibo si Jobert at bigla itong tumakbo papalapit kay Precious upang hagkan.
"Wala na si baby!" pag-iyak ni Jobert.
Hindi alam ni Nanay Luz kung ano ang ibig sabihin ni Jobert.
"What do you mean?!"
"Ilang segundo lang siyang nabuhay, pagkatpos hindi na raw nagising si baby," nanginginig ang boses ni Jobert habang ikinukwento ito kay Precious.
"No, it can't be! That's not true!" sigaw ni Precious. Wala siyang pakialam kung dinudugo pa siya at masakit ang tahi. Tumayo siya kahit na hinahatak siya pabalik ni Jobert.
"No! Hindi pwedeng mamatay ang anak ko! No! Agustus! Please, hindi siya patay! Hinihintay lang niya ako!" sigaw niya.
Patuloy ang pag-alingaw-ngaw ng kanyang paghagulgol habang nakayakap kay Jobert. Hindi nakakibo si Nanay Luz dahil sa sinapit ni Precious.
Mula pa nagdadalang tao si Precious, hindi niya nakita na sumuko ito sa pagtatrabaho. Kahit bigat na bigat siya sa kanyang dinadala. Patuloy na pagsasakripisyo bilang Ina ang kanyang ginawa. Ngunit sa ganitong pamamaraan pa nawala ang kanyang anak.
"Ibalik niyo ang anak ko!" Sigaw niya at basta na lang niya binunot dextrose sa kamay.
Bumukas ang pintuan at nakita niya ang Doctor pati na ang midwife na bitbit ang sanggol.
"No, hindi patay ang anak ko! Anong ginawa niyo?! Umiiyak siya kanina! Kayakap ko siya! Bakit niyo pinabayaan ang anak ko!"
"Ginawa po namin ang lahat para maisalba siya," nakayukong sinabi ng isang midwife.
"No, bakit mo ako iniwan agad? Ni hindi ka man lang nakausap ni Mama? Hindi ko man lang narinig na sabihan mo ako ng Mama? Anak gumising ka, nakikiusap ako. Bakit iniwan na naman ako?"
Hindi maiwasan nila Jobert at Nanay Luz na naiiyak habang pinagmamasdan ang mag-ina. Yakap-yakap lang niya ang sanggol habang ito'y tahimik na natutulog.
Ang pagtulog na hindi na kailanman magigising.
BINABASA MO ANG
Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)
RomanceAt the age of sixteen, Precious experienced a bittersweet life. Sweet life because of fame as a pianist, money and her beauty. She falls in love with her part time music Professor, who is also a Painter. Austine Lavigne doesn't care if he is seven...