Careless 30

913 65 26
                                    

Careless 30

FLAHSBACK

Nagkalat ang maleta  at gamit ni Austine sa sala ng kanilang bahay. Lalo ang alak na kanyang ininom, nawala ang magandang bangon ni Smith nang makita ang kanyang anak.

Kumuha ito ng malamig na tubig at binuhos sa mukha ni Austine.

"Wake up, dickhead!" sigaw ni Smith.

"What?!" asik niya at pinunasan ang mukha.

"Tarantado ka! Bakit ganyan ang itsura mo?!" Sigaw ng kanyang ama.

"Ito naman ang gusto mo diba?! Bumalik ako rito ng mukhang desperado! Ito na nandito na ako!" Sigaw niya sa kanyang ama.

"Oh? Broken-hearted? Or dahil sa trabaho mo sa Los Angeles?" mapang-asar na tanong ni Smith.

"Fuck i--"

Napatigil si Austine nang makita niya ang bata na inilabas ng kanilang katulong.

"Sir, paarawan ko lang po si baby Archer," aniya ng yaya na lumapit kay Smith.

Kunot ang noo ni Austine at tiningnan ang ama. "Anak ni Arthur o ni Kuya Aiden?" walang lutay na pagtatanong nito.

Hindi siya sinagot ni Smith kung kaya't tumalikod si Austine upang tangkapin ang kanyang gamit.

"Your son."

Nabitiwan ni Austine ang bitbit at napatingin sa kanyang Ama.

"What? Anong sinasabi mo?"

"Your biological son with Precious."

Halos atakihin sa puso si Austine nang malaman niya ang balita. Gusto niyang matuwa, pero hindi niya alam kung paano ito nagbunga.

"Really?! So, I'm a father now? Bakit hindi mo sinabi sa'kin 'to? Let me hold my son!" Masaya niyang sinabi at binuhat ang sanggol.

Pinagmasdan lang niya ito at kapareha niyang may nunal sa ilong ang sanggol.

"Huwag kang magpakasaya anak," giit ni Smith.

"I should be happy Dad! Are you ins--" Tila natauhan si Austine at bigla sumagi sa isip niya si Precious. "Tell me what happened?"  seryoso niyang sinabi.

"Kapalit ng pera, ipinasundan ko si Precious, gusto niyang iabanduna ang bata! Sa ayaw at sa manilawa ka, parang iniligaw na lang niya na isang aso ang anak mo. She wants to live like a sigle lady. Nanay ba siya at upang ipaampon ang bata? Pero dahil concern ako sa anak mo, inutusan ko ang guwardya na kunin ito sa ampunan. Walang awa ang babaeng mahal mo," paglalahad ni Smith.

Hindi nakasagot si Austine at namuo ang luha sa kanyang mga mata. Tiningnan niya ang bata na nakatitig lamang sa kanya.

"'Yan ba ang ipinagmamalaki mong babae sa'kin? Pagkatapos iniri ang bata, itatapon na lang? Tell me son, 'yan ba ang babaeng gusto mong iharap sa'kin?"

"She's nothing but a whore!" galit na sinabi ni Austine.

Nabigla ang kanyang Ama habang nakatitig siya sa anak. Lumuluha ang mga mata nito at halata ang sobrang pagkakagalit.

"Hindi ko hahayaan na mahawakan niya ang anak ko! I invested my feelings to her! I love her, bumalik ako ng Pilipinas dahil pakiramdam ko'y kulang. Hindi ako masaya na mag-isa sa Los Angeles! Pagkatapos ito ang sasalubong sa'kin?! Bakit hindi mo sinabi agad sa'kin Dad, ahead of time?! Wala akong ka alam-alam na may anak kami! Pagkatapos itatapon lang niya na parang tuta?! She said she loves me, pero ito ang sukli niya sa bunga ng pagmamahalan na sinabi niya?!"

Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon