Careless 8
Pagtapak ni Precious sa kanilang hardin, sinalubong siya ng kanyang Tiyahin at sinapo ni Precious ang kanyang mukha dahil sa lakas ng sampal nito.
"Saan ka na naman galing?! Alam mo bang halos atakihin sa puso si Mommy!" Sigaw nito.
Namilog ang mga mata ni Precious nang sinabi ito ng kanyang tiyahin. Kumaripas siya sa pagtakbo at nakasalubong ang isang Doctor.
"Si Lola po?" pagtatanong niya rito.
"She's inside her room Precious, I'll go ahead, hija. Bawal sumama ang loob ng lola mo okay?" sambit ng Doctor at tinapik ang balikat niya.
Muling nagmadali si Precious papunta sa kuwarto ni Donya Fanny.
"Kapal din ng mukha mo! Dahil sa'yo inatake si lola?!" Pagharang ng pinsan niya sa kanya.
"Umalis ka nga sa harapan ko! Hindi kita kailangan kausapin! I don't need your fucking opinion Vanessa!" sigaw niya rito.
"Kung umasta akala mong ikaw lang ang apo ni Lola! Hoy pakatandaan mo, ikaw ang walang tinatrabaho rito!" sigaw niya at hinawakan ang braso ni Precious.
"Bumalik ka na lang sa ibang bansa! Hindi ko kailangan ng opinyon mo!" Tugon ni Precious.
Akmang sasampalin siya ni Vanessa nang naunahan ito ni Precious.
"Precious!" Sigaw ng isa niyang pinsan na si Vero.
Hinablot nito ang buhok ni Precious at pinagtulungan siya ng dalawang pinsan.
"Let me go!" Nakakuha ng lakas si Precious at sinipa si Vanessa at tinulak si Vero.
"Precious! Napaka warfreak mo!" sigaw ni Valdo ang Tito niya.
"Sila ang na una Tito! Kahit kailan wala akong ginawang masama sa dalawa mong anak! Ako na naman ang bruha rito?!" Sigaw ni Precious at pulang-pula ang mukha niya sa sobrang galit.
"Bastos ka!" Sinampal siya nito.
"Kayo ang bastos! Lumayas kayo rito! Bahay ko ito! Sa akin nakapangalan ang mansyon! Palamunin kayo at walang naitutulong sa bahay!" Sigaw niya.
"Sumusobra ka na ha!" Sinugod siya ni Vanessa ngunit hindi nagpapigil si Precious at mabilis na tinulak si Vanessa.
"Get out of my house!" sigaw niya at natigilan si Valdo at dalawa niyang anak.
"Well, wala pang pirma si Lola!" malditang sinigawan siya ni Vero.
"Let's go girls, kapag may masamamng nangyari kay Mommy Fanny, papalayasin kita rito Precious! Lumalaki kang hambog!" Giit ni Valdo.
"Umaakto lamang ang pag-uugali ko, depende sa taong kausap!" sagot niya at pumasok sa loob ng kuwarto ng kanyang Lola.
Nakita niya ang Lola na nakatingin sa kanya.
"I heard everything Precious," nakita niya ang malungkot na mga mata nito.
"Sorry Lola," hinagkan niya ito at naiyak ang dalaga.
"Akala ko iniwan mo na ako apo," aniya ng matanda.
"Hindi po, sorry po dahil tumakas ako. Gusto ko lang talagang lumaya, kasalanan ko po kung bakit kayo nakahiga ngayon dito," muli niyang pag-iyak habang nakahawak sa kamay niya.
"May kailangan akong sabihin sa'yo, at ikaw lang ang alam kong mapagkakatiwalaan dito," sambit ni Donya Fanny.
"Ano po iyon lola?"
"Our sales are getting low," aniya ng matanda at hinawakan ang mukha niya.
"Ano pong kailangan ko gawin? Lola sabihin niyo lang po, tutulong ako," sambit niya.
BINABASA MO ANG
Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)
RomanceAt the age of sixteen, Precious experienced a bittersweet life. Sweet life because of fame as a pianist, money and her beauty. She falls in love with her part time music Professor, who is also a Painter. Austine Lavigne doesn't care if he is seven...