Whisper 35
Sa pagmulat ng kanyang mata, mukha ni Archer ang kanyang nasilayan. Payapang naglalaro ng PSP ang kanyang anak.
"Son, kumain ka ba bago maglaro?"
"Opo Dad! Kailan po pala ako papasok?" aniya ng bata at tumabi pa lalo sa kanya.
"Tomorrow, pang gabi ang klase mo dahil siya lang magaling na teacher na alam ko."
"Really? I like it daddy!" Masayang sinabi ni Archer.
"Baka antokin ka anak, dapat afternoon class," aniya ni Austine.
"No, I want evening! Kasi po para makasama pa rin ako kay Tito Arthur at kay girlfriend Regine," inosenteng sinabi nito.
"What? Masyado kang chicboy!" ginulo niya ang buhok ng anak.
"No, I like her to be my Mother. Bakit hindi niyo po siya ligawan?"
"Son, she's not my type. Gusto mo ba ng Nanny?" he asked.
"A big no. Kung hindi po si Regine, huwag na lang po," aniya ng bata at muling naglaro.
"Okay, but I can't promise okay? Kapag matigas ang ulo mo, kukuha ako ulit ng Nanny."
"I promise! Magpapakabait po ako, ayoko lang ng Nanny."
Hinalikan ni Austine ang noo ng kanyang anak at napangiti.
"I just met your Mom last night. Hindi ko nga siya dapat ipakilala sa'yo. Siguradong, ikakahiya mo lang ang ginagawa niya," bulong ni Austine.
******
Ala una na ng tanghali nang magising si Precious. Mag-isa na lamang siya sa bahay dahil siguradong na hatid na ni nanay Luz is Phoebe sa paaralan. Ngayon ang kanyang day-off, pero parang daig niya pa ang nagtrabaho ng dalawang buwan na straight duty. Bumangon siya at tinungo ang banyo. Ramdam niya ang sakit ng katawan pati na ang maselan na parte. Napatingin siya sa salamin at nakita ang ilang bakas ng halik ni Austine.
Napapikit siya at tila'y nararamdaman pa niya ang mainit na halik na tinapon nito sa katawan niya. Halik na hindi lamang sa katawan dumapo, kung hindi pati sa kaluluwa niya na muling nabuhay.
"He's different now, noon na halos luhuran na niya ako dahil sa sobrang respeto. Pero ngayon pa parang nabili na niya ang buong pagkatao ko. O baka ito lang talaga ang ugali niya na hindi ko agad nakita noon?" bulong niya habang pinupunasan ang buong katawan.
Halos mahilam sa sabon si Precious nang makarinig ng ilang padabog na katok sa pintuan nila.
"Nako, kapag ikaw 'to Jobert tatabuin ko ang ulo mo!" Bulalas niya at inilagay ang tuwalya upang matakpan ang kanyang katawan.
Sa kanyang pagbukas ng pintuan, namilog ang kanyang mga mata. Buong lakas siyang nakipagtulakan upang maisara lamang ang pintuan. But she failed, halos magiba ang beam ng bahay dahil sa malaks na kalabog sa pagsasara ni Austine.
"Austine, umuwi ka na. Marumi, mabaho at hindi ka bagay sa lugar na ito," mahinahon niyang sinabi habang nakayuko. Napansin ni Austine ang dibdib niyang may bakas ng halik mula sa kagabing nangyari. Mas lalong nag-init ang nararamdaman ni Austine dahil sa kanyang nakita.
"Nahihiya ka ba dahil mas mahirap ka pa sa daga?"
"Kung iinsultuhin mo lang ako, wala akong panahon d'yan. Payapa ang buhay ko, pakiusap lang at umalis ka na."
"No, sinisigurado ko lang na tatawagan mo ako mamayang gabi."
"Ano bang kailangan mo!" Asik ni Precious. Lumapit si Austine at unti-unting nabunggo ni Precious ang lamesa.
BINABASA MO ANG
Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)
RomanceAt the age of sixteen, Precious experienced a bittersweet life. Sweet life because of fame as a pianist, money and her beauty. She falls in love with her part time music Professor, who is also a Painter. Austine Lavigne doesn't care if he is seven...