Whisper 67
Kinabukasan.
Atat na atat na si Precious na makita si Austine pero pinipigilan siya nila Regine at Efinia, hindi rin niya maintindihan ang dalawa. Noon na gusto nilang kasama niya si Austine sa loob ng ospital pero ngayon na pinalalayo siya ng mga ito.
Sa kabilang dako, bagong tabas at ahit si Austine. Walang kasing tikas at ang tindig niya na nagpahulog kay Precious. Nasa loob ng isang hotel si Austine at isa rin siya sa sumisira sa plano nilang magkakapatid. Si Arthur ang ulo sa lahat ng ito, noon nagising si Austine si Arthur ang una niyang nasilayan. Tila sumagi kay Arthur ang isang plano para isorpresa si Precious. Habang si Austine na naisip na magkakaron siya ng amnesia, sa una at ayaw ni Aiden na mangyari ito dahil masama ang pagsisinungaling. But in the end, sumama na rin siya sa kalokohan ng dalawnag kapatid.
"Kuya nagbabasa ka pa ba ng playboy?" giit ni Austine kay Aiden habang nagsasalamin.
"No," masungit na sagot ni Aiden.
"Wow? Seryoso? Bago maging kalendaryo ng mga santo ang kuwarto mo, puro ka muna sexy pictures at porn models sa kuwarto mo!" bulalas ni Arthur.
Nagtawanan ang dalawa at walang reaksyon si Aiden. Seryoso ang mukha nito at mukhang malalim ang iniisip.
"I want to see Precious!" hiyaw ni Austine at napanguso habang nakasandal sa pader.
"No! Sinisira mo ang plano bukas e! Gagawa tayo ng plano, tapos lalabagin mo! Tukmol ka talaga!" Galit na sinabi ni Aiden sa kapatid.
"Woah! Tumutukmol ka na ngayon? Who taught you that word tukmol kuya?" natatawang sinabi ni Arthur.
"Tumigil ka! Tigilan mo nga ang pagtingin sa playboy magazine! May asawa ka na!"
"Hindi naman ibig sabihin na nagtingin ako ng ganitong images magpapatukso na ako. Oh Kuya tingnan mo dali!" Pangungulit ni Arthur at tinutok sa Kuya niya ang sexy model.
"Tigilan mo si Kuya Aiden, Arthur. Papatakan ka ng holy water sa mata niyan!" pagbibiro ni Asutine.
Walang humpay kakatawa si Austine at Arthur dahil wala sa timpla ng kanilang kuya.
"Be ready tomorrow, Austine! Pangangaralan kita ng husto!" galit na sinabi ni Aiden kay Austine.
"Okay copy! By the way, thank kuya. Masaya ako na ikaw pa ang magkakasal sa amin ni Precious. And to you Arthur, kahit puro kalokohan ang suggestions mo ito at mangyayari na!"
"Ang bakla mo naman. Drama mo talaga Kuya! Anyway, I like your painting! Dapat pamagat no'n The Lavigne Eggs! Isama mo si Dad, dahil kung hindi sa eggs niya, walang mga gwapo sa mundo,'' pagmamalaki ni Arthur.
Napayuko si Austine at biglang sumagi sa isip niya si Akio.
"Where's he? Hindi pa kami nag-uusap tungkol sa lahat ng nalaman ko. I bet, walang alam ang dalawa kong kapatid tungkol sa'yo. Hindi nagkakalayo ang edad niyo ni Kuya Aiden, hindi ko magawang magalit kay Dad. He helped Precious, bumawi ng husto para mabuo kami ulit. But at the back of my mind, paano si Mama kapag nagkita sila ni Akio. Alam kong hindi ito malabong mangyari," bulong niya.
Lumipas ang ilang oras. Na iwan na lamang si Austine sa hotel. Nilubayan din siya ng dalawang kapatid kakabantay sa kanya dahil gustong-gusto na niyang halikan ang labi ni Preicous. Dinampot ni Austine ang cellphone at ginamit ang bagong numero para tawagan si Precious.
Hating gabi na at nakatulala pa rin si Precious sa harapan ng buntana, hawak lang niya ang white shirt ni Austine dahil nangungulila na siyang mahagkan ang nobyo. Sa sobrang inip niya, pumunta siya ng working area at tinuloy ang pananahi ng pangarap niyang wedding gown sa kasal nila ni Austine. Binurda niya ang ilang bids para sa finishing touch nito.
BINABASA MO ANG
Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)
RomanceAt the age of sixteen, Precious experienced a bittersweet life. Sweet life because of fame as a pianist, money and her beauty. She falls in love with her part time music Professor, who is also a Painter. Austine Lavigne doesn't care if he is seven...