Careless 5
FLASHABCKNarating nila ang isang eskenita na may estero at halos masuka na si Precious sa baho ng mga basurang nakatambak.
"Saan mo ba ako dinala?!" Sigaw ni Precious kay Austine.
Padabog na binitiwan ni Austine ang kamay ni Precious. "Alam mo, wala kang utang na loob. Niligtas na nga kita, ganyan pa sasabihin mo? Sinigawan mo pa ako? Kulang ka talaga sa GMRC," aniya ni Austine.
"Wow ha! E'di wow thank you! Hindi ko naman sinabi na iligtas mo ako! Kayang-kaya ko ang sarili ko Austine!" Pagdadabog ni Precious at nagpameywang pa ito.
"If I know, patay na patay ka sa'kin," bulong ni Asutine.
"Ha ano?!"
"Wala! Umuwi ka na! Ang bata bata mo pa puro ka party! Pati 'yang lemon bitbit mo pa?!"
"E ano?! Buwisit, ngayon na nga lang ako nakatakas!" Pagmamaktol ni Precious at naglakad upang makalayo kay Austine.
Sumunod lamang si Austine sa kanya, tahimik na naglalakad ang dalawa nang makarinig si Austine ng mga boses. Hinablot niya ulit si Precious at muli silang nagtago.
"Ssh!" suway ni Austine. Akmang magsasalita pa ang dalaga ngunit tinakpan na ni Austine ang bibig ni Precious.
"Putang ina, may palaka!" Mga salitang nasa isip ni Precious.Gustong-gusto na niyang tumili pero takip-takip ni Austine ang bibig niya. Panay ang pagpupumiglas niya ngunit gamit ang bisig nito, para bang nakandado siya sa katawan ng binata. Dumagdag pa ang ipis na dumapo sa rubber shoes niya.
"Mmmh!"
Mas hinigpitan ni Austine ang pagkakatakip sa bibig niya at halos maiyak na sa sobrang takot at pandidiri si Precious.
"Huwag kang maingay!" Galit na bulong ni Austine.
Ilang sandali at nakuhang tumahimik ng lugar. Hindi na napigilan ni Precious na kagatin ang kamay ni Austine.
"Fuck! Kinagat mo na naman ako!" sigaw ni Austine
"Anong na naman? Ngayon lang kita kinagat! May ipis at palaka, baliw ka ba? Nasa rubber shoes ko 'yung ipis! Pahinging alcohol!" Sigaw nito at parang bulate na naasinan si Precious dahil sa sobrang pandidiri."Ang arte mo! Hilig mong mangagat! Kahit ipis lalayuan ka!" Asik ni Austine sa kanya.
Napansin ni Austine na hindi mapakali ang babae at pinagmamasdan ang sarili, mula sa magkabilang braso, tagiliran at binti ay patuloy niyang sinisigurado na walang ipis ang dumukit sa katawan niya.
"Precious ipis!" biglang sigaw ni Austine sa kanya at tinuro ng binti niya.
"No!!" Tili ng dalaga.
Parang palaka na tumalon si Precious upang kumapit kay Austine. Hinagkan niya ito at ang dalawa niyang binti ay nakayapos sa katawan ng binata.
"Gusto ko nang umuwi!"
Nagpipigil ng tawa si Austine dahil sa reaksyon ni Precious. Natuklasan niyang masayang mang-asar ng ganitong klaseng babae.
"Bumitaw ka na, hinihipuan mo na naman ako," aniya ni Austine.
"Hoy ang kapal," bumitaw si Precious at kinagat ang ibabang labi. Muli siyang lumingon sa paligid.
"Wala ka bang na aalala?" tanong ni Austine habang nagpipigil ng tawa.
BINABASA MO ANG
Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)
RomanceAt the age of sixteen, Precious experienced a bittersweet life. Sweet life because of fame as a pianist, money and her beauty. She falls in love with her part time music Professor, who is also a Painter. Austine Lavigne doesn't care if he is seven...