Whisper 62
Another year has passed. Wala pa rin balita si Austine kay Precious. Matapos ang gabi na kanyang paglalaslas, he changed for the better. Laking pagsisisi niyang nagpabaya dahil sa pagkawala ni Preicous. Nagsisi siyang nagkaroon ng trauma ang dalawang anak. Magmula ang gabing iyon, hindi na siya bumibisita sa kanyang Ama. He became aloof at hindi na niya pinapadalaw ang dalawang bata sa mansyon. He's still mad with his father, siya ang puno't dulo ng lahat ng ito. From his deep dark secrets, sila ang nagdala at patuloy na nagbabayad sa karma na dapat kay Smith.
Sa dalawang taon na nakalipas, walang ni isang hibla ni Precious ang kanyang nababalitaan. Maraming pera upang mahanap ang kanyang mahal, pero hindi ito umuubra. Galit siya kay Akio dahil sa pag-agaw nito sa kanyang nobya.
"Daddy!" Bulalas ni Phoebe at tumakbo papalapit sa kanya ang bata.
Tumangkad ang dalawa niyang anak, hindi na siya kailanman nagpabaya sa dalawang bata. He rebuild himself for his children. He started his new business. Kasosyo niya si Craig sa resto-bar na kanilang ipinatayo.
"Me and Phoebe have a five stars!" Sigaw ni Archer.
"Ang talino naman ng mga anak ko! What do you want? A date, toys or anything you want?"
"We want Mama back," ngumuso si Phoebe at pasimpleng tumingin sa kanya.
Natuwa siya sa dalawang magkapatid dahil nagkalbitan pa ito ng patago.
"Mama will comeback, kung ano man ang natunghayan niyo noon. Tapos na 'yon mga anak, she will comeback okay?" pagpapaliwanag niya sa dalawa.
Palagi niyang sinasabi sa dalawang anak na babalik ito, lalo na kay Archer. Si Phoebe na mas nakakaintindi kay Archer dahil mas nakasama nito si Precious. Pero ang anak na si Archer ang patuloy na nagtatanong. Walang araw na hindi ito nagtatanong tungkol kay Precious. Hindi na alam ni Austine kung tama pa ba ang kanyang sinasagot sa dalawang anak.
"Mahal po ba kami ni Mama?" wika ni Archer.
"Oo naman, darating siya. Trust me son," tumango ang dalawang bata at diniretso ang tig isang kuwarto. Napabuntong hininga si Austine at yumuko. Pilit niyang tinatayo ang sarili, pilit niyang hinahanap si Precious kahit mukha na siyang tanga sa pangungulit kay Harry.
Wala rin magawa ang detective dahil masyadong malinis ang pagkawala ni Precious. Napatingin si Austine sa cellphone niyang biglang umilaw at ilang pag-ring nito.
"Hello?"
"Son?"
"Fuck it Smith!" binabaan niya ng linya ang Ama at pinatay ang cellphone.
Hindi niya kayang patawarin ang Ama dahil sa ginawa nitong panloloko sa kanyang Ana na si Efinia. Hindi niya sinabi kay Arthur at Aiden ang natuklasan tungkol sa pagkatao ni Akio Nakamura. Hindi niya rin masabihan si Arthur dahil masyadong lumayo ang kapatid.
Tahimik ang pamumuhay nito kasama si Regine. Habang ang Kuya niyang si Aiden na hindi na niya kailanman inistorbo. He wants to make his own life better. Ayaw na niyang mang istorbo at manghingi ng tulong sa iba. Lalong nagmula rin sa masalimuot ang kani-kanilang buhay magkakapatid.
"Austine!" sigaw ni Babe. Kasama nito si Jobert at nanay Luz.
"Oh Babe, Jobs and Nanay Luz! Napadalaw ho kayo?" tugon niya at kinuha ang inabot na pasalubong mula sa tatlo.
"Aba'y na miss namin ang dalawang bata. Kakauwi lang namin sa Manila," wika ni nanay Luz.
"Oo nga Austine! Na miss namin sila! Masyado kasing busy sa Cagayan," pagg-singit ni Phoebe.
"Teka, pare, anak niyo na ba 'yan?" sambit ni Austine at nakatingin sa bitbit na bata ni Jobert.
"Oo, parang kailan lang at lumaki na rin!" Sagot ni Jobert.
Natutuwa si Austine sa mga taong tumulong kay Precious. He returned the favor to these people. Binigyan niya ng sarili negosyo package sila Babe at Jobert para sa pagsisimula nito ng pamilya kasama si Nanay Luz. Binigay niya rin ang isang sasakyan para mas convenient ito sa mag-asawa. He missed out the marriage of Jobert and Babe dahil noong mga panahon na 'yon, nagluluksa ang kanyang puso.
Makalipas ang ilang oras, patuloy pa rin nakikipaglaro si Babe at Jobert kasama ang anak nila pati na ang dalawang chikiting ni Austine.
"Kumusta ang iyong puso hijo?" biglang tanong ni nanay Luz.
"Pilit ko pong pinipintahan para maging makulay."
Natawa si Nanay Luz at tinapik ang braso ni Austine. Napatigil si Austine sa paghihiwa ng mga rekado at tumingin kay nanay Luz.
"Mahal niya po ba ako?"
"Sa ilang taon na kasama ko si Precious, masasabi kong oo. Walang ni isang lalaki na nagustohan 'yan bukod sa'yo. Kung na saan man si Precious, may rason kung bakit siya lumayo. Hindi kita binibigyan ng false hope hijo, ang gusto ko lang sabihin. Bago tayo kainin ng emosyon, matuto tayong manimbang ng bawat sulok ng pangyayari. Kung ano ba ang dahilan ng lahat. Kasi kung uunahin ang emosyon, magiging padalos-dalos ang bawat desisyon. Lahat no'n ay magkakaroon ng epekto. Pwedeng masama, o pwedeng makakabuti sa bawat isa," napayuko si Austine at nahiya dahil pumatak ang luha sa kaliwa niyang mata.
"Sige, umiyak ka. Wala namang nakakahiya na umiyak hijo. Kung pipigilan mo, mas lalo kang masasaktan."
"But it's two years. Ni isang detalye kung na saan siya, I have no single idea about her, Nanay Luz. Araw-araw akong nababaliw kakaisap. I drink myself to sleep. Dahil hindi talaga ako makatulog, pilit po akong nagpapalakas para sa anak namin. Mababaliw na po ako."
Mas lalong na awa si Nanay Luz dahil sa itsura ni Austine. Mabigat ang bawat hikbi nito. Hinagkan niya si Austine at hinimas ang likuran.
"Trust me hijo, she will comeback. Mabubuo ulit ang inyong pamilya."
10 PM at MANILA INTERNATIONAL AIRPORT
Tulak-tulak ni Smith ang maleta at ibang bagahe ni Precious. Hindi niya binitiwan si Precious na tinuring niyang anak. Naging mailap si Austine sa kanya dahil sa mga natuklasan nito na baho sa kanyang nakaraan. Pero bumawi siya sa pamamagitan ng pag-aaruga kay Precious.
"Sir Smith, thank you po," wika ni Preicous at ngumiti ito.
"Habang buhay akong magmamalasakit sa'yo," hinaplos niya ang maikling buhok ni Precious at mukha nitong wala paring kupas ang ganda.
"I'm excited to see my family now," mangiyak-ngiyak niyang sinabi.
She survived the stage one cancer, awa ng Diyos at hindi siya hinayaan na lumala. Sa pamamagitan ni Smith at Akio, sila ang naging instrumento upang siya'y gumaling. Mailap si Akio at hindi na kailanman sila pinagtagpong tatlo na kumpleto. Darating lang si Akio kapag wala si Smith.
"Pero kailangan ko pa rin ipa-monitor ang health mo, Precious. Traydor ang cancer," wika ni Smith.
"Yes Sir!"
"Call me Dad," biglang hinagkan ni Precious si Smith at lumuha ulit ang maganda niyang mga mata.
"Thank you po! Sinalba niyo po ang buhay ko," giit ni Precious habang umiiyak.
"You saved my family too. You saved my son from hell. You completed his life that I wrecked. Ako ang dapat magpasalamat sa'yo. And now, I value more my family than money and power."
Smith didn't run in politics anymore. Nanatili siyang kontento sa kanyang negosyo at hindi nag hangad ng kahit ano. Tanging nasa puso at isipan lamang niya ang bumawi sa kanyang anak.
BINABASA MO ANG
Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)
RomanceAt the age of sixteen, Precious experienced a bittersweet life. Sweet life because of fame as a pianist, money and her beauty. She falls in love with her part time music Professor, who is also a Painter. Austine Lavigne doesn't care if he is seven...