Careless 28

793 55 15
                                    

Careless 28

FLASHBACK

It's been two weeks mula nang umalis si Doctor Aki, sa sandaling panahon na naging kaibigan ko siya. Na-miss ko rin siya, he's like a brother at papabble rin ayon kay Jobert. Pero ang huling mga sinabi niya sa'kin ay nanatiling nakamarka sa puso't isipan ko. Suwerte ng babaeng makakatuluyan ni Doctor Aki.

Hanggang ngayon na hindi ko pa kayang tawagan si Luke. I'm still scared, hindi ko alam kung susubok ba ako. Nalilito ako, sa tuwing sumasagi sa isip ko ang araw na nag-away sila ni Austine. Kitang-kita ko kung gaano katindi ang galit niya kay Luke.

Umupo ang dalaga sa labas ng simbahan dahil kakatapos lang din niyang sumingit sa paggamit ng keyboards. Malayo ang tingin niya at iniisip kung ano ang puwedeng gawin, mahalaga ang pinao na iyon sa kanya. Ngunit napaka imposible na mabayaran niya ito.  Napatingin siya sa kanyang cellphone dahil sa biglang pagtawag ni Jobert.

"Hello?" sagot niya mula sa kabilang linya.

"Hello po?  Naaksidente po ang may-ari ng cellphone na ito. Nasa Del Carmen Hospital po siya ngayon sa Emergency room."

Tila nanlamig ang buong katawan ni Precious sa kanyang nabalitaan. Dali-dali siyang tumakbo at naghanap ng masasakyan. Nangingig ang katawan niya dahil sa nangyari, mahalaga si Jobert at Nanay Luz sa kanya. Lalo na at ito na lamang ang mga taong kaagapay niya sa buhay.

"Jobert! Gumising ka hijo!" paghagulgol ni nanay Luz.

Pinipigilan siya ng mga nurse dahil kailangan magamot ang sugat na kanyang natamo. Isang hit and run accident ang nangyari sa binata. Sa kalagitnaan ng kalsada habang siya'y nagtitinda ng basahan sa mga truck. Nabundol siya ng isang Lancer at tinakbuhan siya nito. Mabuti at meroon na mga taong tumulong sa kanya, upang madala sa pinaka malapit na ospital. Hingal na hingal siyang tumatakbo habang tinatahak ang kahabaan ng ospital.

"Jobert, nandito na ako, huwag kang bibigay."

Narating niya ang emergency room at nakita si Nanay Luz na nakayuko.

"Nanay! Si Jobert? Ano po ang balita?"

"Ginagamot pa siya, Precious, anong gagawin natin? Wala na akong ipambabayad sa bill ng ospital. Tinakbuhan siya ng nakabundol sa kanya. Wala siyang awa na takbuhan si Jobert na parang aso lamang."

"Gagawan ko po ng paraan, basta tiwala lang po at hindi ko hahayaan na mawalay si Jobert sa'tin."

Pilit niyang nilalakasan ang loob dahil ayaw niyang magmukhang mahina sa harapan ng matanda. Sigurado at mas lalong malulungkot si Nanay Luz, kung pati siya'y makikisabay sa pag-iyak nito.

Ilang sandali at nakuha na nilang malapitan si Jobert. Lalong nanlambot ang tuhod ni Precious nang makita niya ang ulo nitong nakabalot ng puting gasa at puno ito ng sugat. Nakataas ang isang paa nito at halatang nakasemento.

"Gagawa ako ng paraan para makaraos tayo sa pagsubok na ito Nanay Luz. Malakas si Jobert, hindi niya tayo iiwan. Hinding-hindi ko siya pababayaan."

Walang pagdadalawang isip at hinugot niya ang calling card ni Luke. Lumabas siya ng kuwarto at tinawagan ang numero nito. Nabigla rin siya dahil mabilis pa sa alas kuwatro at nasagot ito ng binata.

"Let's meet now," aniya ni Precious.

"Where are you? I'll pick you up," giit ni Luke.

"Del Carmen Hospital, hihintayin kita sa kanto."

Kinakabahan si Precious sa kanyang desisyon, pero kung hahayaan niyang balutin siya nito. Wala siyang maitutulong sa kaibigan na tinuturing na niyang pamilya.

Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon