Careless 20

916 66 22
                                    

Careless 20

FLASHBACK

Puno ng katanungan ang nasa isip ni Austine habang hawak niya ang isang litrong alak na Jack Daniels, wala siyang pakailam kung wala siyang chaser o basta na lang siyang malasing sa kahit saan parte ng bar.

"Come on! Sinabi na at wala rin kwenta ang relasyon niyo ni Precious! Makati ka kasi Austine!" pang-uuyam ni Craig sa kanya.

"Hindi ako ang makati! Buong buhay ko, ngayon lang ko pumasok sa isang relasyon at naging faithful sa isang babae!" bulalas ni Austine at tinungga ang alak.

"Oh, so si Precious ang gumawa ng mali sa'yo ha?"

Tumango si Austine at bakas sa mga mata niya ang pagkakadismaya kay Precious. Tunay niyang nirerespeto ang dalaga ngunit hindi niya akalain na totoo nga ang sinasabi ng lahat tungkol sa kanya.

"Oh wow! Look at that chic!"

Napalingon si Austine sa babaeng tinuro ni Craig.

"Iuwi mo 'yan pare, I'm sure hindi niyo na 'yan pag aawayan ni Luke!"

"I'll make this woman scream tonight!" giit ni Austine at tumayo upang lapitan ang babae.

Napailing na lang si Craig at pinanood kung paano sumama ang dalaga kay Austine.

******

Nagkalat ang maleta at kahon sa labas ng mansyon, dali-daling pinulot ni Precious ang kanyang shorts at isinuot.

"Anong ginagawa niyo? Bakit nandito ang mga gamit ko!" Sigaw niya at pinusan ang luha dahil nakita niya ang litrato nila ng kanyang Lola na nabasag sa damuhan.

"Lumayas ka rito at hindi namin kailangan ng tulad mo!" Asik ni Vanessa.

"Bahay ko ito! Sa akin ito nakapangalan!" Pilit siyang pumasok sa bahay at hinablot ni Vanessa ang buhok niya. Nanlaban si Precious at tinulak si Vanessa. "Anong ginagawa niyo sa piano ko?" Dagdag niya at nakita niyang binubuhat ito pababa.

"Malamang isasama sa pag-alis mo! Hampas lupa at wala kang utang na loob Precious! Pagkatapos kang  pakainin, nakuha mo pang patayin ang Mommy?!" Aniya ni Valdo at sinapal siya nito.

"Hindi ko ginusto na mamatay si Lola! Ito ang gusto mo diba? Para ma solo niyo ang pera ni Lola! Kung ituring mo ako parang hindi ako anak ng kapatid mo!" Sigaw ni Precious.

"Dahil hindi ka naman talaga namin kadugo!" Sigaw ni Vanessa.

"Ampon ka lang, hindi kailanman nagka-anak ang magulang mo! Pareho silang may problema! Sa pag-ampon nila sa'yo, na aksidente sila, pagkatapos ikaw pa na sampid sa pamilya ang na buhay at aagaw sa lahat ng pinaghirapan ni Dad at Mommy? Over my dead body Precious!" Dagdag ni Valdo at sinipa ang maleta niya.

Hindi naka responde ang dalaga at hindi makapaniwala sa kanyang nalaman.

"Lumabas ka na!" Pagtulak ni Vanessa sa kanya.

"Piano ko 'yan! Huwag niyong itapon! Regalo 'yan ni Lola!" Patuloy ang pagpigil niya, pero hindi niya magawang makaawat dahil hinahatak siya ng mga guwardya ng bahay.

"Mabuti pa ang piano mo may bilang sa mundo, may kamahalan din," mapang-asar na sinabi ni Vero.

"Anong ibig sabihin mo?! Bitiwan niyo ang piano ko! Manong Cruz! Maawa po kayo!" Pakikiusap niya sa guwardya na sumusunod lamang sa utos ng kanyang tiyo.

"May pamilya po akong pinapakain Ma'am, ayoko pong mawalan ng trabaho," mahinang sinabi nito.

"Say goodbye to your piano! It actually cost, one hundred fifty thousand dollars, salamat sa one of a kind transparent piano mo. Lumayas ka rito mangaagaw!" Bulalas ni Vanessa at pinagtulakan siya.

Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon