Whisper 36

1K 88 42
                                    

Whisper 36

Ilang araw nang hindi nakakapasok sa trabaho si Precious dahil sa walang sawang pagbabantay kay Nanay Luz at Phoebe. Si Jobert lamang ang kumakayod para sa pambayad nila ng ospital. Mas lalong na baon sa utang si Precious sa nangyari.

"Jobert, pwede bang ikaw na muna ang magbantay ngayon gabi? Susubukan kong mag-advance kay boss."

"Nako, sana payagan ka niya. Ilang araw ka nang hindi pumapasok," malungkot na sinagot nito sa kanya.

"Sana nga, wala na tayong pangkain."

"Pasensya ka na Precious, hindi na rin kasya ang sahod ko. Magbabayad pa tayo ng renta," aniya ni Jobert. Nahihiya siya kay Precious dahil kung hindi siya naaksidente noon, hindi mababaon sa utang si Precious. Nakuha nga niyang bayaran ang utang kay Luke. Ngunit sa loan sharks naman siya kumapit sa patalim bilang cover up. Ihinanda niya ang sarili para sa pagpasok sa bar. Ilang pagbuntong-hininga ang kinailangan niyang ilabas bago tuluyang pumasok sa employees entrance.

"Precious! Bakit ngayon ka lang?! Alam mo bang pinalitan ka na ng halimaw nating boss?" giit ni Dudot. Napasapo ng noo si Precious at diniretso ang opisina ng boss nila.

"Dumating ka pa?! Hindi na kita kailangan dito! 'Yung utang mo, kailangan mong bayaran! Pirmahan mo itong promissory note!" sigaw nito kay Precious.

"Boss, maawa na po kayo. Naaksidente po ang anak ko at si Nanay Luz. Walang-wala po ako, kailangan ko po ng trabaho."

"Ang dami mong rason! Kesyo may sakit si ganito ganyan! Puro ka advance at utang! Wala ka ngang tinatrabahong tama!"

"Boss, nagmamakaawa po ako, wala po akong ipambabayad sa hospital bills kay Phoebe, kahit ano po gagawin ko. Please, ibalik niyo po ako sa trabaho. Hindi ko po mababayaran ang mga utang ko kung aalisin niyo po ako," labag man sa loob niya at nakuha niyang lumuhod sa harapan ng boss. "Please, I'm begging you. Huwag niyo po akong alisin sa trabaho."

"Sige, may papagawa ako sa'yo, pero pagkatapos no'n. Maaalis ka na rin dito."

"Ha? Bakit po? Paano ko po babayaran kung papaalisin niyo po ako?"

Tinalikuran siya ng boss at kinuha ang damit na makintab pagkatapos ay initsa sa kanya.

"Be a stripper tonight. Alam mong every sunday ang Bachelor's night. Hindi ko naman makakaila na mas maganda ka sa mga strippers ko at ikaw ang gusto ng mga kalalakihan dito," giit ng boss niya.

Niladlad ni Precious ang bra at manipis na isang underwear. "H-hindi po ako sumasayaw. Hindi ko po kaya 'yan."

"Gawin mo, o ipapabayad ko itong utang mo ngayon na?!" Sigaw niya.

"Boss, nakikiusap ako hindi ko po kayang gawin 'yan."

"Lumabas ka at gawin mo 'yan! Akala ko bang gagawin mo ang lahat para sa anak mo? Bakit tumatanggi ka na ngayon? Gusto mo bang hindi gumaling ang anak mo dahil sa kaartehan mo?!"

Umiling si Precious at tumakbo palabas. Tinungo niya ang banyo upang magpalit ng damit. Mabigat man sa loob niya, pero kailangan niya itong gawin. Nanlalamig ang buong katawan niya na lumabas ng banyo. Nakita siya ni Dudot na kanyang katrabaho at iba pang waitress. Hindi sila natuwa dahil alam nilang labag sa kalooban ni Precious ang bagay na ito.

"Hindi pa natatapos ang gabi niyo! Alam namin na siya ang pinakahinihintay niyo. Presenting our star stripper, Precious!"

Para bang mga hayok sa laman ang mga kalalakihan na humiyaw nang makita si Precious na nakatayo sa gitna ng entablado.

"Damn! Austine!" Tawag ni Craig nang makita niya ang spotlight na nakatutok kay Precious. Umawang ang ngiti sa labi ni Austine habang pinagmamasdan ang babae sa entablado.

Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon