Whisper 40

957 87 28
                                    

Whisper 40

Nakatayo lang si Austine sa labas ng ospital at ayaw niyang makita kung gaano ka-ingat si Precious sa anak nitong si Phoebe.

"Samantalang si Archer hindi mo nakuhang alagaan? Tignan ko kung gaano kasakit sa'yo na maging yaya ka ng mismong anak mo."

"Sir, halika na po," nahihiya niyang sinabi. Hindi niya kinibuan si Austine at sumunod na siya rito. Nakuha nilang makarating sa bahay ng mga Lavigne. Hindi niya pinababa sa sasakyan si Precious at kinuha lamang niya si Archer. Ilang saglit at nandito na ang mag-ama. Pinagmasdan siya ni Archer at bumalik ang tingin nito sa kanyang ama.

"What's the meaning of this? Hindi po ba siya ang babae na kasabay natin sa mamihan?" aniya ni Archer.

"I'll explain later okay?" humalik si Austine sa kanya at inilapag niya ang anak sa backseat. Pasulyap-sulyap na tumitingin si Austine sa itsura ng kanyang anak sa backseat. Nakahalukipkip ang dalawang kamay nito at magkadikit ang kilay. Napansin din ni Austine ang walang tigil na paggalaw ni Precious sa mga kamay nito. Halatang kabado si Precious at gustong-gusto na niyang ilabas ang ulo sa bintana upang makahinga.

"Where are we going Dad?" aniya ni Archer.

"Tagaytay."

"With this woman?"

"Son, let me explain later okay?" Ngumuso ang bata at ipinikit ang kanyang mga mata.

"Mukhang mahihirapan akong pastolin ang batang 'to, pakiramdam ko talaga xerox copy niya ang Tatay niya!" bulong ni Precious.

Nakuha nilang marating ang Tagaytay, para bang ginawa siyang kargador ni Austine at pinabuhat ang dalawang bag.

"Demonyito," mahina niyang sinabi.

"Dad, who is she? Bakita siya po ang Nanny ko? Hindi naman po ibig sabihin na pinatabi niya tayo sa mamihan, eh siya na ang Nanny ko," saad ni Archer.

"She's kind, hindi na mamalo 'yan. Gusto kong makasundo mo siya, may tiwala si Daddy sa kanya, kapag pinalo ka man niya ng patago. Sumbong mo sa'kin okay?"

"Okay, are you sure about her?" Napalingon ang mag-ama nang makita si Precious na nakaupo sa harapan ng Grand Piano.

Hindi siya makapaniwala na nandito sa bahay ni Austine ang transparent grand piano niya.

Gusto niyang magalit, gusto niyang itanong kung ano ang balak nito. Bakit paunti-unti siya nitong pinalalapit at iniipit."

"Precious!" tawag ni Austine at napatayo naman siya.

"Y-yes sir?"

"Magpakilala ka sa anak ko," utos niya.

"I'm Precious Vega, I'll be your Nanny," inilahad niya ang kamay kay Archer pero hindi inabot ng bata.

"Archer Lavigne. Rule number one, do not mess with me while I'm playing PSP. Second do not go inside my room without my permission."

Napakunot ng noo si Austine at kinalbit ang anak.

"Son, anong sinasabi mo?" giit ni Austine at lumebel sa anak.

"Lahat po kasi ng naging Nanny ko, pinakikialaman ang gamit ko," sagot nito.

Napatingin ang mag-ama kay Precious dahil tumawa lang siya, agad naman niyang binawi ang pagtawa at pinilit na magseryoso.

"Copy Sir Archer, anong gusto mong pagkain? Hobbies? Talents or anything na matutulungan kita," aniya ni Precious.

"Math! Yes, mathematics is my weakness."

"Sure! Halika na at magpalit ka ng damit?" aniya ni Precious. Humawak naman sa kamay ni Precious si Archer at hinatak siya papasok ng kuwarto. Wala sa wisyong napangiti si Austine nang makita niyang magkahawak kamay ang mag-ina.

Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon