Whisper 55

898 79 20
                                    

Whisper 55

Inalalayan ni Akio si Precious na makababa sa sasakyan nito. Habang si Austine na nagmadaling pumunta sa kinaroroon nila at hinablot ang nobya papalapit sa kanya.

"Binabalaan kita pare. Huwag ka nang lumapit sa asawa ko kung ayaw mong ikaw ang maging pasyente sa ospital na pinagtatrabahuhan mo!" sigaw ni Austine kay Akio.

"Austine, ano ka ba naman?" pagpigil niya.

Ngumisi si Akio at umiling.
"Handa akong maging pasyente para kay Precious," pang-aasar ni Akio.

Mas lalong namula ang teynga ni Austine at akmang tatapunan niya ito ng suntok.

"Damn, masyado kang mainit bro! Precious, I'll go ahead. Bigyan mo nang cold compress ang asawa mo para hindi ma-higblood. Iwas ka sa balot pare," pang-uuyam ni Akio at sumakay sa kotse.

Naiwan ang dalawa sa labas ng bahay habang si Austine na sinipa ang bato na nakita.

"Bakit ba sumama ka sa kanya? Hindi mo man lang ako hinintay na dumating," pagmamaktol ni Austine habang hawak ang kamay ni Precious.

"Ano ka ba? Safe naman ako kay Akio. Pagkatiwalaan mo ako at pagkatiwalaan mo siya. He's a good man, he will not hurt me. Magmamaktol ka ba o gusto mong marinig ang magandang balita?" aniya ni Precious. Itinaas niya ang dalawang kamay at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Austine.

"What? Tell me, I'm excited."

"Bumalik ka ba sa Pilipinas pagkatapos mong umalis? I mean binalak mo ba akong kitain noon?"

Yumuko si Austine at bumuntong-hininga, tila sumagi sa isip niya ang araw noon na nakita niya si Precious  kasama si Luke sa Bar.

"Y-yeah, but I saw you. You were with Luke again. I was mad, nilapitan kita gusto kitang saktan, I forced you to have a one night wit--"

Tinapos ni Precious ang pagsasalita ni Austine nang bigla siyang tumingkayad upang mahalikan ito.

"I love you, I love you Austine!"

"Why are you crying? Naguguluhan ako sa'yo."

"You are the father of Phoebe!"

"Ha? I d-don't understand?"

"'Yung araw na 'yon wala akong matandaan, ang alam ko lang kasama ko si Luke. Nagising ako sa  motel na mag-isa, pagkatapos no'n nabuo si Phoebe. Buong akala kong ginahasa ako, pero ikaw pa rin pala ang Tatay ng anak ko."

Pumatak ang luha ni Austine habang nakatitig ang mga magaganda nitong mga mata

"How did you discover? Tell me baby, I'm so happy! I can't believe this!" bulalas ni Austine.

Ipinakita ni Precious ang dokumento na pinasa ni Smith sa kanya.

"Kanino galing 'yan? Who gave you the idea?" tanong ni Austine.

"Hindi ka maniniwala, pero galing ito sa Daddy mo."

Kunot ang noo ni Austine at nagseryoso ang mukha nito.

"My Dad? Kailan siya nagkaroon ng interest kay Phoebe? Don't tell me nag-uusap kayo?"

"No, nilapitan lang niya ako. Huwag ka naman magalit sa Dad mo," aniya ni Precious.

Kumukubot lalo ang noo ni Austine at naninibago sa kinikilos nito.

"Is there something wrong?"

"Austine naman, wala! Hindi ka ba masaya na anak  mo si Phoebe? May doubt ka ba?"

"No, napapansin ko naman kasi. Kapag galit siya namumula rin ang teynga. May nunal pa sa ilong tulad ko. Inunahan lang ako ni Dad para ipa-DNA si Phoebe. Kapag may problema, sabihin mo agad sa'kin okay? Mahal kita at hindi na tayo kailanman maghihiwalay."

Para bang ulam na pinapak niya ng halik ang labi ni Austine. Pero sa kanyang kaloob-looban, kinukurot ang kanyang puso dahil sa kanyang sakit na iniinda.

"I will leave you  for me to live, magsasama tayong apat. Mahal na mahal kita, magpapagaling ako para sa'yo," she whispered.

Kinabukasan.

Nalingat na lamang si Austine dahil sa sobrang bango ng amoy. Dali-dali siyang bumangon at sinoot ang panjama. Habang siya'y naghihilamos, narinig niya ang tili ng dalawang bata. He's so excited, para sabihin kay Phoebe ang katotohanan.

"Good morning mga anak!" bati ni Austine at tumakbo si Archer sa kanya. Napansin ni Austine na nakatayo lang si Phoebe sa tabi ni Precious. Pinagmamasdan lang niya si Austine habang nakahawakak sa panjama ni Precious.

"Bakit nand'yan ka? Ayaw mo bang lumapit sa'kin?" he asked. Nagkatinginan si Precious at Austine, napangiti ang babae at hinawakan ang buhok ni Phoebe.

"Hindi ba't noon mo pa gustong makilala ang Daddy mo? Ito na siya, bakit ayaw mong lapitan?" wika ni Precious.

"You told her? Dapat ako! Precious naman!" Nangamot ng ulo si Austine at tumawa si Archer.

"We knew it Dad! Mom spilled the milk! And I'm happy, hindi lang po pala ako nag-iisa dahil may kapatid po ako!"

Tumakbo si Archer at hinatak si Phoebe papalapit kay Austine. nakuhang lumuhod ni Austine sa harapan ni Phoebe at hinawakan ang mukha ng bata.

"I'm so happy that I finally met you. My long lost daughter, hindi ka na iiyak dahil dalawang gwapo ang magtatanggol sa'yo."

Hindi kumibo ang bata at nilingon si Precious, para bang naga-alangan itong magsalita sa harapan ni Austine.

"Oh anak, hindi mo pa ba papansinin si Daddy? May kasama ka nang maglaro ng basketball!" masaya niyang sinabi sa bata.

"Masaya po ako, kasi may Daddy na ako!" Hiyaw ni Phoebe at sinunggaban ng yakap ang kanyang ama. Nagtatalon si Archer at pumapalakpak ito habang siya ay nakatingin sa kanyang kapatid.

"For today, let's have a date okay?" giit ni Austine.

"Dito na lang tayo sa bahay, pwede naman akong magluto para sa'tin. Imbitahan din natin sila Jobert, Babe at Nanay Luz. Isama mo kaya ang kapatid mong si Arthur ang asawa niya?"

"No, tayo na lang. Sasusunod na sila sumama, let's eat? Gutom na ako."

Habang nagluluto si Precious, hindi mawala sa kanya na patuloy sa paglingon kay Austine at dalawang bata. Kandong niya pa ito sa  magkabilang binti at parehong nilalambing.

"Mom! Are you okay?!" bulalas ni Archer nang makita nilang tumakbo si Precious habang nakatakip ang bibig. Inilapag ni Austine ang dalawang bata at sinundan si Precious. Ilang katok at hindi pa rin siya pinagbubuksan ng nobya.

"Hey? Are you okay? Buksan mo ang pinto, baby let me in."

Narinig niya ang ilang pagsusuka ni Precious at alam niyang nahihirapan ito.

"I'm okay Austine, asikasuhin mo na ang niluluto ko," pilit niyang pinanghawakan ang mga luha at paghagulgol. Nanginginig ang buong katawan niya nang makita ang bahid ng dugo sa kanyang isinuka. Dagdag pa ang pagkakahilo at sakit ng sikmura na nararamdamn.

"Please, let me live. I wanna spend my life with Austine and with our kids. Lola patnubayan niyo po ako."

Sa kanyang paglabas, sinalubong siya ng dalawang bata. Si Archer na may hawak na bimpo at si Phoebe na may hawak na isang basong tubig.

"Mama, bakit po kayo umiiyak?" nakasibi si Phoebe at nagtutubig na rin ang mga mata nito.

"Daddy umiiyak si Mama at Phoebe!" pagngawa ni Archer.

Napatakbo si Austine at nilapitan sila.

"What's the problem? Bakit kayo nagkakaganyan?"

"Na-touch lang ako Austine. Ganyan talaga si Phoebe, Archer. Kapag nakita niya akong umiiyak, gano'n din siya at iiyak din," paglalahad ni Precious.

"Don't cry okay? Nag-aalala ako sa'yo. Sigurado ka bang okay ka lang? Bubuhatin na kita para madala sa ospital."

"Don't over react in front of our kids. Baka anong isipin nila, okay lang ako. Halika ka na at kumain."

Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon