Whisper 66

993 90 35
                                    

Whisper 66

"Its been one month since Austine got car accident. There's still no improvement. Hindi pa rin siya nagigising, patuloy pa rin kaming naghihintay sa kanya. Lalo na ako, nakuha nang gumaling ni Phoebe at Archer. Nasa puder siya ngayon ni Efinia. Funny how dad Smith and mama Efina fought about my children. Pinaga-agawan nilang dalawa kung kanino sasama ang mga anak namin ni Regine. Para silang aso't pusa kung mag-away. I miss you Austine, sa tuwing nakikita ko ang magulang mo. Para bang tayong dalawa kung mag-away. You are like your dad, sa tuwing galit namumula rin. I love you, please wake up."

Patuloy siyang umaasa at buong oras niyang ginugugol ang pagbabantay kay Austine. Sa pagtapos niyang ayusin ang bagong bulaklak na binili niya kay Asutine. Laking gulat niyang nakatingin na ito sa kanya.

"Austine!" tili niya at biglang sinunggaban ng halik ang nobyo.

"Wait, w-ho are you?"

Napaatras si Precious at kinagat ang ibabang labi.

"Asawa mo! Babatukan kita para maalala mo ako!"

"I don't know you. I don't have a wife, I may have kids, but not a wife, Miss."

Sinubukan pigilan ni Preicous ang luha pero kusa itong bumuhos sa harapan ni Austine. Binato niya ng sanga ng rosas si Austine.

"Hey! Why are you throwing me stems? Hindi nga kita kilala."

"I'm your wife! You will never forget me! Ako 'to, Austine."

Napalabas ng wala sa oras si Precious at tinawag ang Doctor. Nasalubong siya ni Smith na umiiyak, dali-dali nilang binalikan si Austine na tahimik at nakatingin lamang kay Precious.

"Why are you here?! Get out!" sigaw ni Austine kay Smith.

"Son! I'm glad you are awake!"

Nagsisulputan si Efinia pati ang dalawa niyang anak na si Aiden at Arthur. Sobrang galak nila na gumising  ito pagkatapos ng mahabang panahon na ito'y hindi nagigising.

"Son, I miss you!"

"Mama! Buhay ka!"

"Yes son, I'm sorry. I'm happy that you are okay now!" paghagulgol ni Efinia.

"Kumpleto na ba tayo? Kailan ka pa nandito? I-I miss you mom," pagdagdag ni Austine at ngumiti ang dalawa niyang kapatid.

"Matagal na akong nagnamatyag and yes, lalo na at nandito ang asawa mong si Precious!" wika ni Efinia.

"I don't know her. I don't have a wife mom, niloloko niyo ba ako?" asik ni Austine at tumingin kay Precious.

"Kuya, kinakabaliwan mo si Preicous tapos hindi mo kilala?!" singhal ni Arthur at halos tumaas ang prisyon nito.

"Excuse lang po, kailangan niya ng test. He might get a memory loss epekto ito ng aksidente."

"Is it permanent na hindi niya ako makikilala?" pag singit naman ni Precious.

"E hindi naman nga kita kilala, kaya hindi ka na kailangan pang dumagdag sa iisipin ko," giit ni Austine.

Nagkatinginan ang magpamilya at nabigla silang tumakbo si Precious.

"Lagot ka Kuya!" Bulalas ni Arthur kay Austine na nakataas ang kilay.

Patuloy na umiiyak si Precious habang siya ay tumatakbo. Para bang pinunit ng harapan ang puso niya dahil sa panibagong pagsubok na kinahaharap niya sa pagitan ni Austine.

"Bakit naman ganito? Bakit hindi niya ako maalala? Ako ang mahal niya, his heart should remember me. Hindi niya pwedeng kalimutan ang mga panahon na kasama ko siya. Ang mga masasayang araw, kung paano kami nagsimula."

Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon