Careless Whisper OSTPlease listen nang maramdaman niyo.
https://youtu.be/NXSDtkUmeVEWhisper 61
A few weeks ago, hindi mapakali si Austine dahil wala pa siyang nakukuhang balita kay Detective Harry. He keeps on searching names na related kay Akio Nakamura. Ngayon umaga na papunta siya sa ospital kung saan ang clinic ni Akio.
Natigilan si Austine sa kanto nang makita ang maagang pagtitinda ng balot."Manong isang balot po. Matanong ko lang, kilala ba rito si Akio Nakamura?"
"Ay opo! Doktor po 'yon ng anak ko," masayang sinabi ng nagtitinda."
"Ah kilala pala siya rito?" sambit ni Austine.
"Opo, kilala po siya. Hindi po nagpapabayad si sir Akio sa mga taong tulad namin. Ganyan po siya kabait, laking ampunan daw po kasi si sir kung kaya't ganito siya kabait."
Napatango si Austine at nakikinig pa sa mga sinasabi ng matandang magabbalot sa kanya.
"Bakit laking ampunan? Inabanduna rin ng magulang?"
"Ay ang alam ko po malungkot ang buhay no'n ni sir. Sa tagal ko na pong nagbabalot dito sa tabi ng ospital, noong ojt student pa po siya. Napaka pursigido niya po, 'yong panganay ko pong anak ay pinapaaral ni Sir Akio."
"Talaga? Mabait pala ang kumag na 'yon," bulong ni Austine at tinapos ang pagkain.
Pumukaw ang atensyon ni Austine sa kanyang cellphone na walang humpay sa pagtunog. Nakita niyang si Detective Harry, agad naman niya itong sinagot.
"Sir, I have a news about Akio Nakamura."
"Okay let's meet now at Stellar coffee shop."
Kabado at hindi mapakali si Smith sa loob ng kanyang opisina. Hindi niya matagpuan si Detective Harry, naghanap siya ng imbestigador na pwedeng makausap patungkol sa taong tumutulong kay Austine para mahanap si Precious. He's scared about his deep secrets about Akio Nakamura.
"Call him! Find him!" sigaw ni Smith sa kanyang utusan na wala rin magawa dahil masyadong mailap si Detective Harry.
"Sir, ginawa po naman ang lahat. Pero masyadong puno ang schedule niya, kilalang detective si Mr. Harry. At hindi po siya basta-bastang nakikipag usap sa isang tao without a further research. Lalo na po sa tulad namin na hindi naman tulad niyang kilala," paglalahad ng kanyang tao.
"Then, I will call him!" bulalas ni Smith at bastang inagaw ang dokumento na hawak ng kanyang tauhan.
"I will not let anyone knows about my past!" he whispered.
Nakayuko si Austine at binabasa ang mga dokumentong binigay ni Detective Harry sa kanya. Isang folder ito at patungkol lahat kay Akio Nakamura.
"Then, where's Precious? Hindi ko kailangan 'to kung puro si Akio lang ang nandito," masungit niyang sinabi."
"Iyon ang hindi ko magawa, I can't find your wife sir. But are you sure about what you have said? Hindi ka interesado na malaman ang pagkatao ni Akio?" nakangising sinabi ni Dectective Harry.
Lukot ang noo ni Austine at muling kinuha ang folder. Detalyado ang tungkol sa buhay ni Akio Nakamura. Sa bawat detalyeng kanyang na basa, bigla siyang napatingin kay Detective Harry. Napailing siya at halos hindi maniwala sa kanyang nabasa.
"Seriously? Baka nagkakamali ka lang dito."
"I never make mistake, Austine Lavigne."
"So you're telling me that he's my brother? I can't believe this, Harry."
BINABASA MO ANG
Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)
RomanceAt the age of sixteen, Precious experienced a bittersweet life. Sweet life because of fame as a pianist, money and her beauty. She falls in love with her part time music Professor, who is also a Painter. Austine Lavigne doesn't care if he is seven...