Careless 24
FLASHBACK
"Thank you so much Ms. Del Monte, malaking tulong ang ginawa niyo sa kumpanya namin," aniya ni Valdo at nakipagkamay sa dalaga.
"Thanks to you Mr. Vega, maganda ang simula ko sa Pilipinas dahil dito," sagot ng dalaga.
Ibinenta lahat ni Valdo ang ari-arian sa pamilyang Del Monte. Napagdesisyonan ni Valdo na manirahan na lang sila sa ibang bansa kung saan dating nakatira si Vanessa. Isang malaking kahihiyan ang nangyari sa pamilyang Vega dahil sa pamamahiyang ginawa ng pamilyang Lavigne.
Masakit man para kay Valdo na tuluyang makamkam ni Smith ang mga na sanlang titolo dahil sa sugal ng kanyang kapatid, wala na siyang magagawa rito. Malaki ang pera na nalikom niya sa pagbebenta ng ari-arian.
"I want to stay here," pag-iyak ni Vanessa.
"Are you stupid? Tinatawanan ka nga ng mga tao dahil mukha kang tanga sa simbahan! Halika na at mahuhuli pa tayo sa flight!" sigaw ni Valdo sa dalawa niyang anak.
Ang maliwanag at maingay na mansyon ni Donya Fanny ay unti-unti ng naglaho. Tanging memorya na lamang ang natira sa bahay na ito. Lalo ang masayang memorya kay Precious. Araw-araw na ginawa ng Diyos, palagi siyang sumisingit sa simbahan upang tumugtog ng keyboards. Pinagbawalan na siyang mag-caregiver ni nanay Luz at Jobert. Lumalaki na ang tiyan niya pero ni minsan, hindi niya pa nakuhang malapitan si Smith Lavigne. Takot o pangangamba ang nauuna sa kanya. Tanging natira sa kanyang tinatrabaho ang pagiging housemaid sa dorm. Pilit na rin siyang pinaaalis ng may-ari dahil naaawa sa kanyang sitwasyon.
******
Months later...
Mas pumayat pa si Precious at nangalumata. Lalong humapis din ang mukha niya dahil sa pagod. Walang bumali sa katigasan ng ulo niya. Hindi niya nakuhang bumili ng bitamina at inuuna niyang bayaran ang pinagkakautangan ni Nanay Luz.Naglalakad ang dalaga papalabas ng simbahan nang bigla niyang makasalubong si Smith. Pinagmasdan siya nito at parang sinusukat ang pagkatao niya.
"Sir Smith!" Tawag niya rito.
Nilingon siya ng matanda at hinihintay ang kanyang sasabihin.
"Si Austine po? Gusto ko po sana siyang balita--"
"Anak niyo? Binuntis ka ng anak ko?" tumawa ang matanda at halatang insulto ito para kay Precious. "Look at you young lady, sarap lang ang binigay ng anak ko. Masaya na siya sa ibang bansa with other girls. Not you, isang sampid na Vega. Sa palagay mo at ire-recognize 'yan ni Austine?" umiling ito at tumawa.
"Anak po namin 'to. Gusto ko lang po ng sustento para sa bata, hindi po ako nakapag-aral at walang matinong trabaho. Dugo't laman po ito ni Austine," tumulo ang luha niya at tinawanan pa lalo siya ng matanda.
"Pathetic young girl," bulong nito at tinalikuran siya.
"Kung ayaw niyo pong sabihin, ako na ang hahanap kay Austine. Anak namin 'to! Alam kong mahal niya ako, nagkataon lang na hindi kami nagkaintindihan!" sigaw ni Precious.
Natakot siya nang dali-daling lumapit si Smith sa kanya at hinawakan ang braso niya.
"Do not ruin my son's life! Isa kang hampas lupa! Hindi ka nababagay sa anak ko! Ganda lang ang meron sa'yo, wala kang utak!" sigaw nito sa kanya.
"Wala kang awa! He's your grandson, ia-abanduna mo lang? Anong klase kang lolo? Kaya ganyan ang anak mo sa'yo dahil wala kang tinanim na pagmamahal sa kanila, kung hindi puro pera!" sigaw ni Precious.
Hindi napigilan ni Smith na masampal ang babae. Humagulgol siya dahil hindi lang pisngi niya ang masakit, kung hindi ang puso.
Tinalikuran siya ni Smith upang pumasok sa simbahan.
BINABASA MO ANG
Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)
RomanceAt the age of sixteen, Precious experienced a bittersweet life. Sweet life because of fame as a pianist, money and her beauty. She falls in love with her part time music Professor, who is also a Painter. Austine Lavigne doesn't care if he is seven...