Whisper 65
"How are you?" isang mahiyain na tanong na paanimula ni Smith kay Efinia.
Nakaupo sila sa labas ng ICU. Magkalayo at hindi nagtitinginan, sinubukan man tingnan ang isa't isa ngunit parehong napapaso ang kanilang mga mata.
"Better," maikling sagot ni Efinia at hindi pa rin nakatingin sa kanyang asawa.
Iniwan sila ni Arthur at Regine dahil sinundo ng mag-asawa ang Kuya nitong si Aiden sa monisteryo. Walang ka alam-alam si Aiden sa nangyari kay Austine.
"That's good, good for you."
"But you ruined my son's life."
"I know. Alam ko naman ang mga kasalanan na ginawa ko," seryoso niyang sinagot. Ngumisi si Efinia at hinubad ang isang pares ng kanyang wedge sandals pagkatapos ay binato kay Smith.
"Ouch! What the hell Efinia? Hindi ka pa rin nagbabago!"
"You fucked up! You fuck my Austine's life! Hindi sapat ang wedge ko at itong upuan ang ibabato ko sa'yo!" sigaw ni Efinia at akmang bubuhatin ang upuan sa gilid ng ICU.
Tumayo si Smith at hinawakan ang kamay ni Efinia upang pigilan ito.
"Bitiwan mo ako! Kadiri ka!" Sigaw ni Efinia at nagpumilit na nagpumiglas. Hindi siya binitiwan ni Smith at hinablot ang braso niya upang hagkan.
"Bitiwan mo nga ako! Nangingilabot ako sa'yo!" pagpupumiglas ni Efinia. Mas hinigpitan ni Smith ang pagkakayakap sa kanya at inamoy nito ang kanyang buhok.
"I miss your scent wife," natigilan si Efinia sa pagpupumiglas at hindi maiwasan na mapalunok. Ilang segundong nakayakap si Smith sa kanya.
"Just like the old times, I still love your scent," he gently whispered to his wife.
Biglang tinapakan ni Efinia ang paa ni Smith at hindi mapinta ang mukha nito sa sobrang sakit.
"Demonyo! Anong scent? Ask your mistress's scent, stupid dick head! Mahilig ka sa melon, puro ka big boobs. E kung subsob kita sa taniman ng melon?!" sigaw ni Efinia.
Hinalungkat nito ang bag at kinalkal ang alcohol pagkatapos ay ini-spray sa katawan na dumikit kay Smith.
"Ang arte mo! Wala naman akong sakit! Mistress? Wala na ako no'n! "
"Pero meron no'n!" pabalang na sagot ni Efinia.
"Anong big boobs ang sinasabi mo?" asik ni Smith.
"Wow ulyanin ka na nga, matandang hukluban!"
"Kung hindi ka pa menopause, bibigyan pa kita ng anak!"
"Over my dead sexy and delicious body, Smith! Baka akala mong nakakalimutan ko lahat ng katarantaduhan mo?"
"E'di mahal mo pa ako, kasi hindi ka pa nakakalimot."
"Whoa? Makapal pa sa adobe 'yang mukha mo? Oh my gosh, I can't imagine na nakikipag usap ako sa isang tikling na tulad mo," napairap si Efinia.
"Tikling? Kahit buhatin kita ngayon ng isang kamay kaya ko. Sa tikling na ito ka nga na in love," pagtawa ni Smith dahil nakikita na niyang namumula ang mukha ni Efinia sa sobrang galit.
"Son of a gun!"
Natigilan sa pagtatalo ang dalawang mag-asawa nang makitang lumabas si Precious. Pinagmasdan ni Efinia ang itsura nito at hindi niya maiwasan na maawa rito. Pale skin, haggard and she looks sick. Dagdag pa rito ang namamagang mga mata ni Precious.
"Pupuntahan ko lang ang anak ko, I ordered food na sa loob ng ward nila Phoebe at Archer, anak," giit ni Efinia at napatingin si Precious dahil tinawag siya nitong anak.
BINABASA MO ANG
Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)
RomanceAt the age of sixteen, Precious experienced a bittersweet life. Sweet life because of fame as a pianist, money and her beauty. She falls in love with her part time music Professor, who is also a Painter. Austine Lavigne doesn't care if he is seven...