Careless 29

862 75 31
                                    

Careless 29

FLASHBACK

Hawak ni Austine ang cellphone niya habang pinanunuod ang video ni Precious.

"Hindi ko akalain na hanggang ngayon, gusto mo pa rin ang kantang ito. Salamat sa taong nag-upload nito. Tama ang desisyon ko na balikan ka, may bagay lang tayo na hindi pinagkaintindihan," giit ng binata.

Pababa siya ng eroplano na lumapag sa Pilipinas. Sa nakalipas na panahon, napagtanto niyang hindi siya panahon sa buhay niya sa Los Angeles. Palaging may kulang sa tuwing paggising niya. Para bang may hinahanap siya, mula nakita niya ang video ni Precious. Hindi na siya nagdalawang isip na muling bumalik sa Pilipinas.

"Alam kong naging padalos-dalos tayo sa galit, kaya tayo naghiwalay. But this time, babalikan kita. Nandito na ako, I love you, my Precious."

Walang kaalam-alam ang kanyang Ama na siya'y bumalik sa Pilipinas. Iniwan din niya ang nobya niyang americana at pinay sa Los Angeles. Puro pampalipas oras lamang ang kanyang ginagawa. Tila isa itong gamot na hindi tumalab upang mapahilom ang puso niya.

Nanghingi siya ng anim na buwan na palugit sa eskwelahan na kanyang pinagtatrabahuhan. Napagdesisyonan niyang paggastusan ang dokumento ni Precious upang madala rin ito sa America.  Tumuloy ang binata sa isang hotel malapit sa airport. Sinimulan na muna niyang ipahinga ang sarili bago niya hanapin ang kanyang mahal.

******
Naghihintay pa rin si Nanay Luz at Precious sa paggising ni Jobert. Isang linggo na itong nakaratay sa ospital. Habang tumatagal, lalong lumalaki ang bayarin nila. Hindi na niya nakuhang mahiya kay Luke at muling nanghiram. Ilang gamutan pa ang kailangan ni Jobert upang umayos ito ng tuluyan.

Napatingin siya sa kanyang cellphone at nakita ang tawag mula kay Luke.

"Nanay, lalabas lang po ako ha? Dito na muna po kayo," pagpapaalam niya.

"Sige at mag-ingat ka ha?" hinalikan siya nito sa noo at hinagkan ni Precious ang matanda.

"Luke, napatawag ka?"

"Meet me now, wala akong kasama. Kailangan ko lang din ng kaibigan," maamo nitong sinabi.

"Ah osige, sa condo mo ba?"

"Yeah, Thank you Precious!" masaya ang tono nito.

"You are like a fish, madali kang hulihin."

A few moments later...

Sa kanyang pagpasok sa condo, sinalubong siya nito at may hawak na  isang paper bag.

"Ano ito?"

"Change your clothes, may party kami ng mga kaibigan ko sa trabaho. Please join me, wala akong maisama kung hindi ikaw."

Napakamot ng ulo si Precious at tumango na rin. Itinuro ng binata ang banyo at doon siya nagpalit ng damit. Kumpleto ito at may make-up rin na nakalagay sa loob ng paper bag. Hindi na siya tumanggi bilang kabayaran na rin sa pagtulong nito. Lalong ang pera na pinahiram nito ay hindi biro. Lalo na sa lagay niyang wala naman permanenteng trabaho.

Halos mapanganga si Precious nang isinoot niya ang gold silk dress. Ngayon lang siya ulit nagsoot ng ganito. Itinali niya ang mahabang buhok at kinapalan ang pulang lipstick. Tinago na lang niya ang eyeshadow make-up sa paper bag, tanging pulbos at lisptick lang ang kinailangan niya.

Napatayo si Luke nang makita niya si Precious, mas lalo niyang hinangaan ang dalaga.

"Let's go?" maamong sinabi ni Precious.

"O-okay," nautal ang binata at sumunod sa kanya.

Mula sa likuran niya na humuhubog ang ganda ng kanyang katawan. Hindi mawala ang mga mata ni Luke sa kanya, nag-iinit ang buong katawan ng binata dahil sa kanyang nakikita.

Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon