Careless 6
FLASHBACKHindi pa rin bumibitaw ang kamay ni Austine sa kamay ni Precious, para bang silang dalawa at hindi naman nagrereklamo si Precious. Sugat-sugat na ang kanyang labi dahil kanina pa niya ito kinakagat.
"Saan ba tayo kakain? Madaling araw na? Hindi ba't mga fastfood chains lang ang bukas at convenience stores?" mahina ang pananalita ng dalaga. Pakiramdam ni Austine, isa itong musika sa kanyang teynga.
"Malapit na, dito ako madalas kumain kapag hindi makatulog at maraming pinipinta," kalmado niyang pananalita.
Inangat ni Precious ang ulo niya at sinulyapan ang binata. Mula sa side features nito, mahahalata ang magandang panga nitong bumabagay sa built ng lalaki, ang ilong nitong napakatangos at pilikmata na parang pambabae.
"Grabe, maganda pa ang pilikmata ng mokong na ito," bulong ni Precious at pasimpleng ngumiti.
Narating nila ang isang mamihan, nagkalat din ang mga nagtitinda ng balot sa labas ng karinderya.
"Malinis ba rito?" aniya ni Precious.
"Oo naman, halika! Tuturuan kita pa'no maging simpleng babae."
Napangiwi siya dahil nakita ang nagliliparan na langaw sa paligid ng kainan.
"Sigurado ka ba?"
"Oo nga! Masarap dito! May special ingredient na hindi mo makakalimutan," aniya ng binata at nagsimulang mag-order.
"Talaga? Ano naman?" inosenteng pagtatanong ng dalaga.
"Mamaya ko sasabihin kapag natikman mo na," aniya nito.
Ilang minutong naghintay ang dalawa at naihapag na ang mami. Muling tumayo si Austine at sinundan ni Precious gamit ang mga mata ang binata. Nakita niya itong bumibili ng balot.
"You know this?" aniya ng binata.
"Wow, I love the accent!" pangaasar ni Precious.
"Alam mo ba ito?" asar na inulit ng binata.
"Balot malamang!"
"Kainin mo."
"E, ayoko. Paano ba kainin? Sabi ni Lola kadiri 'yan," maarteng sinabi ni Precious.
"Iyong matulis, 'yun ang masabaw."
Natawa si Precious at kinagat ang ibabang labi.
"What's funny?"
"That matulis and masabaw, I love that Austine," pilyang sinabi nito at ngumiti.
Napabuntong-hininga ang binata at basta na lang niya ibinaba ang balot sa tabi ng kinakain ni Precious.
"Hindi mabiro!" pangaasar ni Precious.
"Bakit ba affected ako sa biro niya? It's a dirty joke, your mind is dirty Austine," bulong niya sa sarili.
"Bakit ka kumakain dito? Hindi ba't mayaman ka? Lalo na 'yung pananamit mo, ang layo mo kay Arthur," pagkukumpara nito.
Kilala ni Precious ang binata, lalong may tago siyang pagtangin dito. Pero ngayon na kasama na niya ito, parang nagbago na ang isip niya dahil kung saan-saan siya dinadala nito, ngunit nananaig pa rin ang hindi maitatanggi na pag-eenjoy kasama ang binata, na halos hindi niya akalain na papansinin siya nito. Halos ang mga babae ni Austine ay matatanda sa kanya, nuknukan din ng kasungitan si Austine.
"Hindi naman porket may kaya ka sa buhay, hindi mo na kakainin ang mga ganitong pagkain? Pagkain din naman ito, isa pa ang pananamit ko, naaayon 'yan sa kagustuhan ko, hindi sa kagustuhan ng magulang ko," sagot ng binata at mabilis na naubos ang mami. "Besides, hindi mo kailangan i-brag na mayaman ka, stay lowkey," muling pagdagdag ng binata. Napatango lang si Precious at muling kumain. Sinubukan din niyang kumain ng balot.
"Ano ba iyan! Hindi ganyan!" Biglang bulyaw ng binata.
Tinulungan ni Austine si Precious sa pagbabalat ng balot. Nang makuha niya ang pulang parte ng balot, sinawsaw niya ito sa sukat at sinubo kay Precious. Napatigil si Austine at inilayo ang kamay.
"Ay ang sarap pala! Pasubo ulit!" Aniya ni Precious.
"Ayoko! Halika na!" Sigaw niya sa dalaga at naunang lumabas.
"Austine! Saglit!" Hinabol niya ito at tinapik ang balikat.
"What?" iritableng tanong nito habang hinuhugasan ang kamay gamit ang bottled water.
"Ito ang one thousand," sambit ni Precious.
"Hindi ba't nangungutang ka?"
"No, bibilhin kita nang sagayon ay ikaw na ang kakausapin ko palagi," inosenteng sinabi nito at isinuksok sa bulsa ni Austine.
"Halika na umuwi ka na, hahatid na kita," aniya ni Austine.
"Ayoko umuwi, I want to spend my last night," seryoso niyang sinabi.
"Why? Hindi ka na ba lalabas?" Tanong ni Austine.
"Totoo nito, tumakas lang ako sa bahay. Ilang araw na akong grounded, no gadgets and money. Sinampal pa nga ako ng Tiyahin ko dahil sa pinahiya ko ang pamilya namin. I was drunk at inuwi ako ng isang lalaking sanggano raw. Thank God at hindi daw ako ginahasa," paglalahad ni Precious.
"Sanggano? You are lucky, I saved you from my friend. Although kaibigan ko lang si Craig at Luke sa sarap buhay, hindi ko itotolerate na mambatos sila ng babae," bulong ni Austine at tumango na lang.
"I want to thank that guy! Wala na talaga akong maalala that night, alam ko lang, kasama ko si Luke. Pero sabi ni Lola, ibang lalaki ang nag-uwi sa akin. It's so sad dahil sinira ko ang tiwala ni Lola. Pinaghihinalaan na niya na akong kumakalantari sa iba't ibang lalaki," malungkot na pagkukwento nito.
"Bakit hindi ba?"
Nilingon ni Precious ang binata at binigyan ng masamang tingin.
"Naniniwala ka rin pala sa balita na pokpok, pa-walk, young slut ako? Hindi kita masisi, lalaki ka. Ang alam niyong birhen na babae ay mga Maria Clara," pagkukwento ng dalaga.Nanatiling tahimik si Austine at nakikinig lamang kay Precious. Tila naging palaisipan sa kanya ang mga sinasabi nito.
"Maniniwala ba ako sa batang ito?" bulong ng binata sa sarili
"I don't want to please you to believe in me," biglang sinabi Precious sa binata.
"Are you a mind reader? Nabasa mo ang nasa utak ko ha?" pagngiti ni Austine.
Ngumiti lang ang dalaga at muling humawak sa kamay ni Austine. Hindi nakapalag ang binata dahil sinandal pa ni Precious ang ulo sa braso niya.
"Thank you for today, I will surely miss this moment. Ilang oras akong nabuhay ng simple. Since birth, inaral ko pa kung paano maging fine woman. Pero in the end, being stubborn and dumb brat attitude ang umiral. But I like it! It makes me more comfortable," seryosong paglalahad Precious.
Nakatayo lang ang dalawa at ganoon pa rin ang puwesto, pinanood lamang nila ang sumasayaw na ilaw sa kalsada.
"Anyway, ano pala ang special ingredient sa mami kanina?"
"Ipis."
"Yuck! Ano ba?Bwisit ka ha!" Pinaghahampas ni Precious ang braso niya gamit ang right hand nito.
"Halika na umuwi ka na talaga! Hindi ka na tatangkad," pangaasar ni Austine.
"Babawiin ko ang isang libo! Magmo-motel na lang ako! Ayoko ngang umuwi!" Pilit niyang kinakalkal ang bulsa ni Austine pero hindi niya ito makuha dahil magkabilang kamay na hinawakan siya nito.
"Gusto mo pa bang maglibot?" muling tanong ni Austine.
"Oo!" nagliwanag ang mga mata ni Precious at ngumiti.
Awtomatikong binitiwan ni Austine ang kamay ng dalaga, pagkatapos ay hinaplos nito ang pisngi ni Precious.
"Let's go."
BINABASA MO ANG
Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)
Roman d'amourAt the age of sixteen, Precious experienced a bittersweet life. Sweet life because of fame as a pianist, money and her beauty. She falls in love with her part time music Professor, who is also a Painter. Austine Lavigne doesn't care if he is seven...