Whisper 57

826 72 13
                                    

Whisper 57

"Son!" wika ni Smith at tinapik ang balikat ni Austine.

"What do you want Dad? Ipagpipilitan mo na naman ba si Eve? Kailan ba matatapos ang kahibangan mo sa fix marriage?" usad ni Austine sa ama.

Hindi siya sinagot ni Smith at hinugot sa kanyang attache case ang isang envelope. Inabot niya ito kay Austine at nagdadalawang isip pa na buksan ito.

"What's this? Suhol?" iritableng tanong niya.

"Open it. I know, you can use that for your family. You deserve that money, wala akong karapatan na ipitin ang pera mong pinaghiarapan sa iyong ipinanalo sa ipininta mong mukha ni Efinia," dali-daling binuksan ni Austine ang envelope at nakita ang tseke na naglalaman ng buong pera niya.

Tinignan niya ang ama na nakangiti at maluha-luha ang mga mata nito. Hindi napigilan ni Austine na hagkan ang ama nang napaka higpit.

"I'm sorry son for being so selfish. Sa ilang taon na nakalipas, ngayon ko lang nakita ang napaka ganda mong ipininta. Lalo na ang mukha niyong tatlong magkakapatid!"

"Thank you Dad! Sana wala itong kapalit na kalungkutan! You made me so happy Dad!" ngumiti na lamang si Smith at pinilit na maging maayos ang reaksyon sa kanyang anak. Gustong-gusto niyang sabihin kay Austine ang sitwasyon ni Precious, ngunit ayaw niyang makialam sa desisyon ni Preicous. Ito na lamang ang maitutulong niya sa lahat ng kasalanan niyang nagawa sa anak at mismong kay Precious.

Para bang sinampal ng katotohanan si Smith nang malaman niyang may sakit si Precious at nasa alanganin ang dalawa niyang apo sa sinapupunan nito. Deep down his heart, he's suffering too. Pinapatay siya ng konsensya dahil sa sobrang kasamaan na paghiwalayin ang dalawa. Nakuha pa niyang idamay ang inosenteng dinadala ni Precious. Hindi niya makuhang harapin si Archer at matingnan sa mga mata pati na rin si Phoebe dahil sa sobrang guilt na nararamdaman.

Nais na muna niyang pahupain ang lahat at patuloy na bumawi sa mga taong kanyang binunggo.

'I can marry Precious now! Dad, hindi ko alam kung hanggang kailan ka mabait sa akin, thank you for this!"

"Do what you want son, as long as you are happy. I will support you. I'll go ahead, kikitain ko pa ang Kuya Aiden mo," tinapik muli ni Smith ang balikat niya bago tumalikod.

"Dad, wait! How about Mr. Del Monte and Mijares? Hindi ba't kasama mo sila para suportahan ka sa politika? About our marriage with Eve?"

"I can handle everything, Austine. Umuwi ka na at baka hanapin ka ni Archer."

Bakas sa mukha ni Precious ang sobrang pagkakagalak habang siya ay nakikipaglaro sa dalawa niyang anak. Ngunit hindi pa rin mawala sa kanyang isipan ang sakit na bumabagabag sa kanya.

"Ayokong iwan ko kayo ng sobrang aga. Ni hindi pa tayo nagtatagal na magkakasama, hindi ko rin alam kung mahal ba talaga ako ng daddy niyo. Bakit kailangan niyang magtago ng sikreto sa'kin? Bakit hindi na lang niya sabihin ang totoo na si Eve ang kinita niya?" bulong niya habang pinagmamasdan ang dalawang anak.

"Mama bakit po kayo umiiyak?" biglang tanong ni Archer at kumandong sa kanya ang bata, lumingon naman si Pheobe at hinawakan ang kamay niya.

"Masaya lang ako mga anak. Alam mo bang Agustus ang unang pangalan mo?" aniya ni Precious.

"Pwede po bang idagdag 'yon sa pangalan ko?" inosente niyang tanong kay Precious.

"Hindi na pwede. Gwapong-gwapo naman ang pangalan na Archer ha?" sagot niya at nakitango naman si Phoebe.

"Sige po, sasabihin ko po ito kay mama girlfriend Regine at tito Arthur!" bulalas niya at pumalakpak ang bata.

"Sino sila? Gusto ko rin silang makilala Archer!" pagsingit ni Phoebe.

"Sige ba! Nakilala na rin siya ni mama, kaso bad pa ako noong araw na 'yon," nahihiyang sinagot ni Archer.

"Nako, hindi ka bad boy. Ang bait mo kaya anak. Kapag wala si mama, dapat sumusunod pa rin kayo kay daddy ha? Mas mabuting sumusunod sa mga matatanda at nakikinig sa payo nila okay?" giit ni Precious.

Tumango naman ang dalawang bata at hinagkan siya nito. Biglang napabitaw si Precious at dali-daling tumakbo papunta sa banyo.

"Mama!" sigaw ng dalawang bata at kinakatok ang pintuan niya.

Muli siyang sumuka at may bahid pa rin ito ng dugo. Mas lalong pinunit ang puso niya nang pira-piraso habang naririnig ang dalawang bata na halos umiyak dahil sa simple niyang pagkukulong sa banyo. Hindi niya napigilan na umiyak habang naatakip ang bibig.

"Phoebe! Kunin natin ang susi!" sambit ni Archer at sumunod ang kanyang kapatid. Tumakbo ang dalawa upang makabalik agad at binuksan ang pinto. Nagulat si Precious dahil nakatingin ang dalawa sa kanya kung kaya't agad niyang finlush ang suka.

"Bakit po may blood?" Phoebe asked.

"Hindi blood 'yon, iyon lang ang kinain ko kanina. Halika na baka dumating na ang daddy niyo."

"Mama you are not okay, blood po ang nakita ko," pagpupumilit naman ni Phoebe sa kanya.

"Anak, hindi naman liar si Mama. halika na."

Abot langit ang ngiti ni Austine habang siya ay namimili ng wedding ring para sa kanilang dalawa ni Precious.

"I know she fits this. Excuse, I'll buy this one."

"Cash, cheque or card transaction po?"

"Cash," maikli niyang sinagot.

A white gold diamond  wedding ring for Precious. Wala siyang pakialam kahit inabot pa siya ng two hundred eighty three thousand para sa ganitong klaseng wedding ring. Tanging nasa isip lamang niya, walang sayang pagdating kay Precious. Everything about her is worth it. Sa tagal ng proseso sa loob ng jewerly shop. Nakuha niyang makita ang email mula sa unibersidad na kanyang pinagtrabahuhan. Hindi maiwasan ni Austine na matawa habang binabasa ang email na kanyang natanggap.

"Another offer from Los Angeles, I will grab the chance to win again. And this time lahat ay naka-credits sa akin."

Pinipinta niya sa kanyang isipan ang mukha ni Precious. Ngayon at hindi na halo ang mukha ng kanyang ina sa ipipinta para sa Los Angeles Art Museum.

"Sir here's the wedding ring po."

Tumayo si Austine at muling tinignan ang kanyang binili.
"Your fiance is very lucky sir. Maraming salamat po sa pagbili."

"Thank you too!" hindi mawala sa kanyang mukha ang magagandang ngiti na umuukit. Ngiti na bumabakas at tumatagos hanggang puso niya.

"Her body is an art. I should've repect her since day one. Pero hinayaan kong bastusin siya dahil sa maling akala at pagiging makasarili. You will be mine forever Precious. I promise, magiging masaya at kompletong pamilya tayo."

Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon