Whisper 69
Hindi mapakali si Arthur at pabalik-balik na ito kahihintay sa kuya niya.
"Ulopong talaga 'tong si kuya kahit kailan!" bulalas niya habang kausap si Aiden.
"Nagplano pero sinira, ano bang nangyari do'n? Iniwan lang natin kagabe sa hotel. Kasama ba niya si Precious?" tanong ni Aiden.
"Siguro? Ay ewan ko ba!" asar na sinabi n Arthur.
"Ano ka ba babe? Akala mo ikaw ang ikakasal, mas stress ka pa sa Kuya mo," suway ni Regine habang nakatanod sa dalawang magkapatid. Napangiti si Arthur at nagnakaw ng halik kay Regine. Nasulyapan ito ni Smith at natawa, hindi niya inaasahan na nakatingin din si Efinia sa paghalik ni Arthur kay Regine.
Ngayon na sila naman mag-asawa ang nagkatinginan. Inirapan ni Efinia si Smith at ganoon din si ang lalaki. Hindi siya nagpatalo at mas sinupladuhan niya pa si Efinia.
"Asan na ba ang kapatid niyo?" tanong ni Smith at hindi na makapaghintay.
"Ewan ko ba kay Kuya. Nakakaasar, gusto ko nang kumain sa reception!" asik ni Arthur.
"Excited na akong matikman ang okoy ni nanay Luz!" Saad ni Aiden at inakbayan ang matanda.
"Sigurado akong makakarami kayong lahat do'n!" Tugon ni nanay Luz.
"Kahit ako! Dahil sa okoy na 'yan natuto sa buhay si Precious!" pagsingit ni Jobert habang nakaakbay kay Babe.
"Yup, sobrang laki ng pinagbago ni Precious. The first time we met, napaka sama ng ugali. Pero ito pala at pusong mamon!" Saad ni Babe.
"Yup she's kind. Kaya nga kasundo ko agad! Hindi tulad ng iba diya'n, ang hilig magpahirap at napaka judgemental kasi," malditang sinabi ni Efinia at umirap kay Smith.
"Teka, baka muli kayong magkabati?" giit ni nanay Luz kay Efinia.
"Ay never!" Maarteng sinabi ni Efinia. Napailing si Smith at hindi kumibo.
"Dad, napailing ka na lang? Pero baka gustong ibalik ang tamis ng kamatis?" malokong sinabi ni Arthur at nagtawanan silang lahat habang hinihintay si Austine.
"Omg! Magkasama si Austine at Precious!" Bulalas ni Babe at pinakita ang mensahe mula kay Preicous.
"Mukhang nag-away pa ang dalawa ha? Si Austine talaga, hilig pa-stress-in si Precious," pagtawa ni Aiden at inayos ang kanyang damit.
"Nako anak, mag-ready ka na at unang ikakasal mo ang kapatid mo!"
Efinia is very proud, lalong successful ang kanyang mga anak. Wala na siyang gustong hilingin pa dahil sa kabila ng kalokohan na ginawa ni Smith. Malakas ang pananalig ng tatlong binata at pilit tinama ang maling tinatanim ni Smith.
"Goodluck son! I'm very proud of you," saad ni Smith at tinapik ang balikat ng anak.
"Eh kayo dad? Kailan kayo ulit ikakasal ni mama?" sagot ni Aiden."
"Baka gusto mong hindi ka tanggapin sa langit Aiden? Mangilabot ka anak!" suway niya at halos lumaki ang butas ng ilong ni Efinia sa tuwing inaasar siya kay Smith.
"You love me Efinia, masyado kang nagmamaang-maangan," pangaasar ni Smith.
"Over my dead body, old hot dog!"
Nalalapit na at mararating na nila ang venue, hindi pa rin niya kinikibuan si Austine dahil nagagalit siya rito. Habang si Austine na hindi alam kung paano magpapalit ng damit. Ilang sandali at narating na nila ang venue.
"Anak baka mada--" sigaw ni Preicous, hindi niya ito natapos nang makita ang ilang mukha niyang nakabalandra sa paligid.
Canvass made by Austine, mula sa stolen shots, nagpi-piano, nagluluto, nakangiti, nakasimangot, umiiyak at hanggang sa umiikli na ang buhok niya. It's her recent face after she suffered from cancer. Nilingon niya si Austine na nakangiti lang sa kanya, naglakad si Preicous kasama ang dalawang bata. Mas bumagsak ang luha niya nang makita ang painting kasama ang lola niya.
BINABASA MO ANG
Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)
RomanceAt the age of sixteen, Precious experienced a bittersweet life. Sweet life because of fame as a pianist, money and her beauty. She falls in love with her part time music Professor, who is also a Painter. Austine Lavigne doesn't care if he is seven...