Careless 23

860 69 28
                                    

Careless 23

FLASHBACK

Dumaan ang kaarawan ni Precious ng walang bago, ilang buwan na rin ang nakalipas, patuloy lang siya sa pagkayod. Kahit alam niyang imposible na mabawi niya ang kanyang grand piano, ito ang pinanghuhugutan niya ng lakas ng loob upang magpusirge siya. Napadaan si Precious sa simbahan ng Immaculada at pumasok upang lapitan ang keyboards sa simabahan.

Sa kanyang pagpasok tiningnan niya ang kanyang kamay at nakita niya ang kalyo at sugat. She's been employed as a caregiver and housemaid in one day. Inaalagaan niya ng half day ang isang matandang babae at pagdating hapon isa siyang housemaid sa isang boys dorm malapit sa unibersidad. Sinimulan niyang pumindot ng piyesa at ipinikit ang mga mata.

Sinasabayan niya ito ng may malalamig na paghimig. Ilang sandali at hindi niya maiwasan na maluha.   

Dali-dali siyang tumayo nang marinig ang hiyawan ng mga nasa labas.

"Baka ang mga choir 'to!"

Tumakbo siya papalayo sa simbahan at ayaw na niyang ipakita ang sarili. Nahihiya siya dahil hindi niya naituloy ang pag-aaral. Hindi rin niya kayang makapag-aral dahil sa pangangailangan.

Habang naglalakad ang dalaga, napasandal siya sa isang sasakyan na nakaparada at hindi niya napigilan na bumagsak sa kalsada.

******

Balisa, hindi mapalagay si Jobert at Nanay Luz dahil matapos ang ilang buwan, muling nahimatay ang dalaga. Natatakot sila sa kalagayan nito dahil sa palagi itong namumutla at nahihilo. Madalas na hindi rin ito nakakausap ng matino dahil sa sakit ng ulo.

"Precious Vega po," giit ni Jobert.

Narating nila ang hospital room nito. Mas lalong kinabahan si nanay Luz dahil sa private hospital dinala ang dalaga.

"Hija, huwag ka nang magtrabaho ng doble sa isang araw. Tingnan mo at namayat ka na! Nawala na ang ganda mo," pakikiusap ni nanay Luz.

"Kailangan po nating bayaran ang utang niyo sa 5'6. Mahirap na at baka makasuhan pa kayo nanay Luz."

Pinilit niyang bumangon at hinawakan ang kanyang sintido. Panay pa rin ang kirot nito kung kaya't inabutan siya ng tubig ni Jobert.

"Excuse me."

Napatingin silang tatlo at halos malaglag ang panga sa lalaki na pumasok.

"Kayo po ang guardian niya? Ako po pala ang tumawag sa inyo, sumandal po siya sa kotse ko at biglang bumagsak. Sumakto naman at nandoon po ako sa loob."

Lumapit ang binata sa kanila at nakipagkamay si nanay Luz at Jobert dito.

"Maraming salamat Hijo, sana at sa public hospital mo na lang dinala ang alaga ko. Wala po akong pambabayad dito," diretsong sinabi ng matanda.

"No don't worry, bayad na po lahat. And gusto ko lang po sabihin sa inyo misis."

Napatingin si Precious sa Doctor at ilang kurap bago niya intindihin ang sinabi nito.

"Buntis po kayo, kaya palagi kang nahihilo. Niresetahan na rin kita ng vitamins, at bawasan din ang sobrang pagpapagod. Masama po sa bata, lalo na't sa lagay mong 'yan ay maselan ang pagdadalang tao mo."

Lumabs si Jobert kasama ng Doctor upang kuhain pa ang resulta ni Precious. Hindi nakaimik si Precious atluha lang ang tumulo.

"Oh, bakit ka umiiyak? Tinakasan ka ba ng boyfriend mo?"

"Paano ko po ito palalakihin? I'm just seventeen years old. Wala po akong kaagapay, wala po ang tatay nito, kawawa po ang bata sa'kin."

Hinagkan ni nanay Luz ang si Precious upang kahit papaano ay maibsan ang kalungkutan na dinadala nito.

Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon