Alyana Perez's POV
(Pagkatapos mangutang)Hindi ko magawang buksan ang bahay. Wala akong ideya kung nasaan na si Hanson. Kaya ang ginawa ko ay nagpatulong ako sa kapit-bahay ko na buksan ang bahay kahit walang susi. Sinira nila ang lock.
"Salamat." Aniko matapos mabuksan ang bahay.
Pumaroon ako sa telepono at tinawagan ang papa ni Hanson. Kukumustahin ko lang si Angel. Iniwan kasi namin siya doon simula ng napunta ako sa kamay ni Gary.
Sinagot na iyung tawag ko.
"Tito.. " Paninimula ko sa sasabihin ko sa kanya."Liana? Nandiyan ba si Hanson? Hindi na kasi siya nagbalik dito sa hospital." Nagtaka naman ako kung pano'ng napunta sa hospital ang usapan.
"Sino pong nahospital?" Tanong ko agad na nagtataka.
"Ang mama niya, inatake ng highblood." Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko inakalang may highblood pala sa Tita kung sa gayong hindi naman siya katabaan.
"Baka nahighblood po siya dahil sa dagdag na kunsimisyon kay Angel?" Tanong ko. Pwede ring mangyari iyun. Diba ayaw ni auntie sa akin noon?
"Hindi. Wala siyang kinalaman doon. Ng dahil kay Maquen ang nangyari. 'Wag kang mag-alala, nasa mabuti si Angel sa amin." Nakahinga naman ako ng maluwag doon.
"Pero, hindi niyo rin po ba nakita si Hanson? Wala po siya sa bahay e." Balak ko sanang ikwento sa kanya ang nangyari sa akin pero nag-aalala ako na baka maidagdag pa sa isipan niya ang pag-aalala kay Tita.
"Hindi nga e. Nasaan na kasi ang batang iyun?" Naisipan ko agad na wala akong pera dahil si Hanson ang nakahawak lang nito kaya naisipan ko ng manghiram kay Tito. Pumayag naman siya at walang problema iyun sa kanya.
Mag-iisang linggo ng wala si Hanson. Naitanong ko na rin sa kay Tito araw-araw kung umuwi ba ito sa kanila pero parating wala naman siya doon. Namimiss na kita, Hanson. Biglang pumasok sa isip ko. Oo, namimiss ko na siya. Kung kailan ay nandito na ako, tsaka naman siya nawala.
Naisipan kong pumaroon sa kina Tito para makasama ko si Angel.
"Wala parin ba si Hanson?" Tanong ni Tita."Wala pa po. Nag-aalala na nga ako." Sagot ko kay Tita habang kalong ko si Angel sa akin.
"Hindi ba kayo nag-away dalawa?" Inis na tanong niya.
"Baka naghanap na iyun ng iba, Ma." Pagbibiro ni Maquen. Tinapunan naman siya ng masamang tingin nito.
"Tumigil ka, Maquen ha! Malilintikan ka sa akin. Hindi kayo magkapareho ng kapatid mo. Kaya isara mo iyang bibig mo." Inis na saad ni Tito. Galit ito kay Maquen dahil nga doon sa nangyari kay Tita. Dahil sa pagdadala ni Maquen ng kung sino-sinong babae dito sa bahay ay nangyari iyun kay Tita. Natahimik naman si Maquen.
"Hindi po kami nag-away. Sa katunayan nga---" Napatigil ako no'ng maisip ko na muntik ko ng maikwento sa kanila ang nangyari sa akin.
"Ano?" Tanong ni Tita Messy.
"Wala po." Nakayukong sabi ko. Haay~ hayaan ko ng kami na ni Hanson ang mamroblema nito pero paano? Hindi ko na siya kapiling ngayon. Nasaan ka na kasi?
Hina's POV
Hindi pa maganda ang kondisyon ni Hanson kung kaya't sa amin muna siya ipinatuloy. Nais niyang umuwi pero hindi siya pinayagan ng Nanay. No'ng una naisip ko pa na mali na ipilit ni Nanay na pumarito muna siya sa amin dahil wala naman talaga kaming karapatang diktahan siya kaso pumayag din naman si Hanson.
Tsaka lang nalaman ni Hanson na nasa probinsya na hospital siya no'ng magising na siya. Napakalayo niya sa lugar nila kung kaya't nagalit ito ng kaunti. No'ng isinugod kasi namin siya sa hospital doon sa Bayabason ay sa sumunod na araw ay ang saktong balak naming pagpunta ng probinsya. Kaso hindi pa mulat si Hanson kung kaya't isinama namin siyang walang malay at inilipat ng hospital dito.

BINABASA MO ANG
ABNISM (Completed)
RandomSa buhay, dumadaan tayo sa pagkabata, binata at dalaga at hanggang sa makabuo tayo ng sarili nating pamilya. Pero sa buhay, hindi rin mawawala ang mga problema at pagsubok. Pero sa bawat problema at pagsubok, may mga paraan na mailalaan. Pero paano...