Gary Angara's POV
Nakita ko nang bumaba si Dianne mula sa kwarto na pinasukan nila. She's crying. Nilapitan ko naman agad siya.
"Here." Inabot ko sa kanya ang pera na nakapaloob sa isang white envelope.
"I don't need your money! I-- I just did this because I don't wanna loose my mom. Please, don't hurt her." Naiiyak paring sabi niya.
"We won't." I smirked then I let her left the house.
Hanson Nilla's POV
"Oh? Bakit umiiyak ka parin? You want mom? Huh? You want mom? Sssssh.. Sorry, baby but she left. " Pinapatahan ko siya kanina pa pero iyak parin siya ng iyak. I have a bad feeling right now. Bakit ayaw niya paring tumigil?
Alyana Perez's POV
Matapos kong manmanan ang buong kwarto ay tumayo ako at lumakad na para lumabas ng kwarto. Pero no'ng malapit na ako sa pinto ay bigla na lang itong sumarado. Agad akong lumapit dito at pinipilit buksan.
"It's locked." Pinilit ko parin itong buksan pero hindi ko magawa.
"Hello! May tao pa ba diyan?! HELLO! LET ME OUTTA HERE!" Patuloy na sigaw ko. Shit! Dianne locked me here? But why?
Tumalikod ako sa pinto at kinuha ang cellphone ko. Ipinunta ko ito sa contacts at sinubukang tawagan si Hanson. Kaharap ko ngayon ang bintana at nag-aalala ako ngayon sa nangyayari sa akin. Nagriring na at sinagot na rin ito ni Hanson."Hanso---" Naputol ang sasabihin ko dahil may kumuha ng cellphone mula sa likuran. Isang lalaki at may mga kasama siya. May pinindot siya sa phone ko at itinapon niya ito sa sahig at tinapak-tapakan hanggang sa masira. Hindi ko sila kilala pero I think I've seen them before. May pumasok naman sa loob at sobrang nagulat ako sa nakita ko. It's Gary
"Gary?"
"Gary.. Don't--Don't trust him."
Right. He said that last night.
"Liana. I have conditions for you. First, you have to leave Hanson. Second, cut your communications and third get out of his life." Sabi niya habang lumalakad sa kwarto. Kumunot ang noo ko. Ano bang pinagsasabi niya?
"A-ano bang pinagsasabi mo? Sino ka para sundin ko ang mga sinasabi mo?" Nagpalakad-lakad siyang muli sa paligid.
"Simple. Ako ang leader ng barkada namin. If you won't agree with my conditions, Hanson will get hurt, we'll punish him. We'll make his life a living hell." Sagot niya. Huminga ako ng malalim.
"Why are you doing this to him? Diba sabi mo magbarkada kayo? But, why?" Nagtatakang tanong ko. He's back stabbing his friend!
"He took my bar away and because of that, my girlfriend that I dreamed of for so many years was gone. It's all his fault. He ruined everything." So this must be a revenge.
Tinutukan ko siyang mabuti nang biglang may maalala ako.
"Where's Dianne? Bakit ka nandito sa bahay nila?" He then laughed.
"Hahahahaha! What?! Her house? Excuse me, this is my house. And that Dianne? She's a part of my plan." Kumunot ang noo ko. No, this isn't true.
"How dare you?! Nang dahil sa'yo halos masira ang buhay namin ni Hanson! You're too much!" Galit na sabi ko. Napakamao pa ako sa galit.
"I know right! It's fun! Hahahaha!" He's a devil! He's a devil!
Lumapit ako sa kanya at pinagsusuntok yung dibdib niya pero shit! Sinampal niya ako ng malakas at natumba ako dahil sa pwersang iyun.
"WHAT IS WRONG WITH YOU?!!!" Sigaw niya na parang inis na inis.
"Alam mo ba kung bakit kilala kita? Pati yung unang nakabuntis sa'yo? Dahil lahat yun kay Hanson. Hindi ako tumigil hanggang sa nalaman ko yung tungkol sa Terience na sinasabi mo. Hindi ko nga alam kung sino yan e. Pero laking pasalamat ko sa lalaking iyan at nakagawa ako ng paraan.. "
Hawak- hawak ko lang yung psingi ko na nasampal niya habang napatingin sa kanya. Halos umiyak na ako dito.
"Itali niyo nga yan." Utos niya sa mga body guards niya.
***
BINABASA MO ANG
ABNISM (Completed)
RandomSa buhay, dumadaan tayo sa pagkabata, binata at dalaga at hanggang sa makabuo tayo ng sarili nating pamilya. Pero sa buhay, hindi rin mawawala ang mga problema at pagsubok. Pero sa bawat problema at pagsubok, may mga paraan na mailalaan. Pero paano...