Alyana Perez's POV
This might be just a night but I don't see myself a 'just' tonight. I looked.. amazing.
"There. Perfect! So punta ka na sa kitchen? Andoon na kasi yung mga magluluto at yung cheif. Tsaka, yung owner ng MaMeHaTe Resto." Kinikilig na sabi niya.
"Oh my Gosh, Aly. Hindi ka ba familiar sa kanila? Alam mo bang 2 years palang yung resto nila? Pero sobrang dinadayo dahil sa sarap ng mga foods nila at ano pang nakakamangha doon? Yung dalawang anak na may-ari rin. Shemay! Ang popogi kasi nila. Kaya nga maaga tayo diba? Kasi excited akong mameet sila." Kinikilig parin na sabi niya.
"Tsk. I'm done na sa shoes. Nakuuu, kailangan ko ba talaga ang heels? Parang anytime kasi, matutumba ako." Alanganing sabi ko habang naglalakad-lakad para matry yung shoes na suot ko.
"Sus! Kung babae ka nga, kaya mo yan kahit wala pang practise o kahit hindi ka sanay." Nakangiting sabi nito.
"E si Vanessa ba? Nandito siya?" Lumapit siya sa akin tapos hinawakan ako sa kaliwang balikat with her both hands.
"Yups! At bababa na tayo kasi nagtext na si Hina. Baba na daw tayo." I just nodded tapos bumaba na nga rin kami.
Bakit ba kasi ang haba ng hagdan nila? Tsk.
"Uhm, Cr muna ako, Cher. Kinakabahan ako humarap sa sosyal at matataas na tao e." Alanganing sabi ko ulit pagkababa namin ng hagdan.
"O sige. Follow mo lang yung way na yan. Yung sa kabilang side ang kitchen tapos sa kabila naman yung CR. At tsaka yung front door, palabas na yun. Pwede na yun shortchut." I nodded tapos naglakad na rin papunta doon sa sinasabi niya.
Bakit ba kasi ang laki ng Hallway na 'to? At bakit ba kasi ang laki ng bahay? Haay.
Nakarating na rin ako sa edge ng hallway. Sa harapan ko ngayon ay isang pinto palabas. Sa left side ko naman isang pinto which is the kitchen ata. Tapos sa right ko naman yung pinto sa Cr.
Pumasok na ako sa Cr at syempre doon sa girls.
Pagkatapos kong magCr ay tumingin ulit ako sa salamin.
I looked amazing. Napangiti ako sa sinabi ng utak ko.
Agad ay naghugas ako ng kamay at binuksan na ang pinto.
Wala na akong balak lakarin pa ang hallway na 'to. Kaya I decided na dito nalang ako sa pinto palabas.
Habang hawak ko yung doorknob, may nakahawak rin sa doorknob sa labas. Pero feeling ko nauna ako sa paghawak kaya mas hinila ko pa yung doorknob. Hindi naman nagpatalo yung nasa labas at mas hinila naman niya. Tss. Siraulo pala 'to e. O edi sa kanya na.
Binitiwan ko yung door knob at nakarinig ako ng kalabog. Hala! Natumba ata siya! Sabi ng utak ko.
Kaya lumabas ako at tinulungan ang lalaking...
"Hans--" Napatakip ako ng bibig at agad na bumalik sa loob at sinarado ang pinto at sumandal dito.
Totoo ba yung nakikita ko? Si--
"Miss, ano ba! Naiihi na ako." Inis na sabi niya.
Hala! Anong gagawin ko! Oh, Lord!
Naghysterical na ako. Hindi alam kung saan pupunta.
"Miss, nakaharang ka sa pinto." Sabi niya.
Kita kasi ang small part ng nasa tao sa labas o sa loob kasi may salamin na kaunti sa pinto.
Oh noees! What to do?!
Hanson Nilla's POV
Halos hindi ako makapaniwala sa nakita ko. It's Hina. Pero no'ng nakita ko siya, wala namang bakas ng takot o gulat ang nakita ko sa kanya. Oo, nagulat siya pero may saya sa gulat na iyun.

BINABASA MO ANG
ABNISM (Completed)
RandomSa buhay, dumadaan tayo sa pagkabata, binata at dalaga at hanggang sa makabuo tayo ng sarili nating pamilya. Pero sa buhay, hindi rin mawawala ang mga problema at pagsubok. Pero sa bawat problema at pagsubok, may mga paraan na mailalaan. Pero paano...