Chapter 43

86 3 0
                                    

Hina's POV

Since that night then, hindi na ako masyadong nakapagconcentrate sa mga ginagawa ko. Ibang-iba na siya ngayon. I heard na nanggaling sila ng States at nagkaroon ng negosyo. So MaMeHaTe here in Philippines was another branch from States.

States guy? So freaking handsome! Mas gumwapo siya ng sobra. E diba noong nandoon kami sa probinsya, may mga galos siya at pilay? Pero gwapo parin siya no'n. E how much na kaya ngayon diba? Shits! 'Di ko na ata 'to kaya.

I pressed the doorbell and a maid opened it for me.

"Hi! Nasa loob ba si Hanson?" Agad na tanong ko sa maid with a hyper mode.

Tumigil siya saglit at tinignan ang relo niya.

"Ano pong sadya niyo, Ma'am?" Balik tanong niya sa akin.

"Alam mo yaya. Nagtatanong rin ako. Sagutin ba naman ako ng tanong rin? Ang hilig niyo sa ganyan, a." Inis na sabi ko. Tumaas naman kilay niya.

"Sorry, Ma'am. Pero hindi po oras ngayon para sa bisita. Alas sais palang po." Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"E ano ngayon? I--" Napatigil ako dahil sa dumating at nagsalita.

"Hina? What brought you here? Pasok ka." Excited na tanong ng Mama ni Hanson. Pinandilatan ko naman yung yaya at winave ang hair sa pagpasok ko. Ha! Ano ka ngayon yaya?! Hahaha!

Pinaupo niya ako sa salas at pinadalhan ng kape.

"Ma'am, I am here to visit your son. I like him." Agad na sabi ko. Medyo nagulat ata siya sa sinabi ko kasi hindi siya nakasagot agad.

"Gano'n ba? Uhm, ang aga ng bisita mo, ija. Pero tulog pa si--"

"No worries, Tita. I--" Hindi na naman ako natapos sa sinasabi ko dahil sa nagsalita. Napatingin si Tita dito..

"Excuse me, Ma'am. Miss Aly is here." Gulat akong napatingin kay Aly at ganoon rin naman ang Mama ni Hanson.

"Pasinsya na po sa maagang pagpunta. But, I have to discuss something with Hanson today. I am quite busy, so I think this time is the right time."

"Aly!" Nakangiti kong tawag sa kanya.

Alyana Perez's POV

Pagkatapos akong ihatid ni Aron ay nagpunta na agad ako sa higaan ko. Tulog na si Angel kaya hindi ko na ito dinisturbo.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Aron.

To: Aron
Sorry, I lied. Yeah, he's my ex. And I need you now to advice me whay to do. He wants to talk to me. I don't know when and what about but I am really nervous whenever I sees him. Yeah, you guess it right, I know. But I don't know what to do right now. I still love him. But you know what? I left him and I know it hurts him so much. So, I expected na magagalit siya sa akin but what you see lately isn't a mad Hanson. Aron, help me. What should I do? I don't know if I can face him with that confidence you see lately.

SENT.

Ilang saglit pa ay nagreply ito. Bilis niy magbasa at makaisip ng iaadvice ha. Siya na matalino.

From: Aron
Wow. That's a long message of yours. I see. Hmm.. wala ako ma-advice e.

Gago. Nagpakahirap pa ako magtype. Wala naman palang ma-a-advice.

Ilang saglit pa ay may text na naman mula sa kanya.

From: Aron
Advice? Talk to him as early as you can. U don't have to wait for his commands. Para mo lang siyang hinayaan na pumasok ulit sa buhay mo. Yes, of course. U can have that confidence again... I know, kaya mo yan. Go for it, Miss Aly. :) Fighting!

Napangiti ako sa huling text niya. Akala ko puro kagaguhan lang yung itetext niya. Pero puro lang ako akala. Haha.

Kinabukasan. Maaga akong gumising. 4:30 ata. Tapos nagready na ako ng sarili at agad na pumunta kina Hanson bandang 6-6:30.

Pagdating ko doon, pinagbuksan ako ng isang yaya.

"Hi. I'm Miss Aly. I'm looking for--"

"Miss Aly? Pasok po kayo! Oh my Gosh, Ma'am.. gustong-gusto ko po yung SBD niyo!" Excite at hyper na sabi ni Manang habang papasok kami sa loob.

"Talaga po? Wow! 'Di bale po, sa susunod na magkita tayo, it-treat kita ng SBD o kaya 'pag pupunta ako ulit dito." Napahinto siya at lumaki ang mata sa gulat at saya.

"Talaga po? Salamat po, Ma'am!" Patalon-talon na sabi niya.

Nag nakarating na kami sa salas. Napahinto nalang ako dahil nakita ko si Tita na may kausap. Hinayaan ko na rin lang si Manang na kausapin si Tita at magpaalam na nandito ako.

Pero, I wonder lang sino ang babaeng kausap niya?

Nang tawagin na ito ni Manang. Nagsalita na ako sabay ng paglingon ng babae na siyang ikinagulat ko.

"Pasinsya na po sa maagang pagpunta. But, I have to discuss something with Hanson today. I am quite busy, so I think this time is the right time." Sabi ko ng nakatingin kay Tita pero nagtataka parin ako kung bakit nandito si Hina. What is she doing here?

"Aly!" Nakangiting sabi niya sabay tayo at lapit sa akin.

"A-anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko.

"I'm here to visit Hanson. Well, nasabi ko naman sa'yo diba na naging kami? And I have my operation now." Excited na sabi niya.

"Operation?" Nagtataka ko paring tanong.

"Operation have him back! Gosh! I'm freaking excited!" Sabay ng pagtayo ni Tita ang paglaki ng mata ko sa gulat.

"Liana.. akala ko ba magtatrabaho ka sa amin? But, it's been a month since you've suggested that." Sabi ni Tita ng makalapit siya sa amin.

"Sorry, Ma'am. Pero nagbago po yung isip ko. I know you've heard na sa isang restaurant which is available yung SBD product ko. Well, may-ari po ako no'n" Bakas na naman sa itsura niya ang pagkagulat.

"Yes, Tita! She's really amazing! Wait. You what? Muntik ka na magwork sa kanila?" Ngumiti lang ako. Hindi naman siya pinansin ni Tita.

"Maghintay nalang kayo dito hanggang sa magising siya." Bagkos ay iniba ni Tita ang topic at umalia na ito sa pwesto namin.

Umupo naman kaming magkaharap ni Hina.

"Ano palang pag-uusapan niyo ni Hanson?" Agad na tanong niya sa akin.

"Uhm.. nothing important." Tipid na sagot ko.

"Aly, may nangyari sa amin." Napaangat ang ulo ko at napatingin sa kanya ng magkalapit ang kilay. Anong ibig niyang sabihin?

"Huh?" Nagtatakang tanong ko.

"Well, it's a long story. Pero sisimulan ko na para matapos. Actually kasi, nakita si Hanson ni Papa sa isang lugar, duguan, sugat-sugat kaya dinala niya ito sa hospital. Then, no'ng uuwi kami ng probinsya, dinala namin siya kasi hindi pa siya gising no'n at doon na namin siya pinahospital sa probinsya. Naging okay siya and all then ayun.. nagbonding kami at nagkagustuhan. Then, ayun.. nangyari yun. Yung alam mo na.."

Habang nagk-kwento siya, hindi ko mapigilan ang mamuo ang luha ko kaya pilit ko itong pinipigilan. Pilit kong huminga ng huminga para maibsan ang kabang nararamdaman ko.

"K-kelan yan n-nangyari?" Putol-putol na tanong ko na para bang may nagbabara sa lalamunan ko.

"Hmm.. 2 years ago pa iyun e. Pero I don't remember the date anymore." She answered.

Hindi sana tama ang iniisip ko. 2 years ago. That must be the time na nawala si Hanson ng matagal. At sa pagkakaalala ko, nagshare siya sa akin ng nangyari kung bakit siya nawala ng gano'n katagal. Hindi ko inaasahan na bukod sa nangyari sa kanya na pagkabugbog, pagkawala at pagkupkop sa kanya ng mga good samaritans, may iba pa palang nangyari.

"Aly, ba't ka umiiyak?" Nagtaka naman ako sa tanong niya at agad na pinunasan ang luhang pumatak sa mga mata ko. Sh*t! I'm crying?

"Nakakaiyak kasi ang kwento mo. Nagkainlovan kayo pagkatapos niyo siyang alagaan." Pagsisinungaling ko.

"Talaga? Oo nga e." Nakangiting sabi niya.

He is cheating on me.. No, scratch that. He was cheating on me!

ABNISM (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon