Chapter 15

445 6 1
                                    

"I'm sorry. Sorry sa kahapon."

Nakaharap ako ngayon sa bintana at nakatingin sa mga bahay sa labas. Kanina pa humihingi ng patawad si Hanson pero walang salitang lumalabas sa bibig ko, ni isa.

"You're going late. Umalis ka na." Mahinang sabi ko.

"Fine. But I'm really sorry. Please, 'wag kang magpakita kay Terience." Tapos ay umalis na siya. Kitang-kita ko pa ang pag-alis niya mula dito sa taas. Nang masigurado ko na ang pag-alis niya ay agad akong bumaba.

"Terience, why are you here?"
Actually, kaya hindi ako gumalaw kanina dahil nakita ko siya. Sinenyasan ko pa siya na magtago kaya ginawa naman niya. Hindi ko magawang gumalaw dahil sinisigurado ko na hanggang doon lamang si Hanson sa likuran ko.

"Napag-usapan na natin iyan kahapon. May I come in?" Agad naman akong tumabi at pinapasok siya. Say what? Pinapasok ko siya? Hell, I did.

"Hmmm. He has a taste." Komento niya ng tinitignan ang buong paligid habang ako naman itong sunod ng sunod sa kanya.

"Liana." Agad siyang humarap sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko na siyang ikinalaki ng mata ko.

"I really missed you." Hindi ako makapagsalita. And please tell me I am not blushing.

"I really have no idea if you're wearing a blush on or it's just that you're blushing." No! Why am I bushing? Why do I feel like my heart was on a race? Why didn't I felt this with Hanson? Why am I feeling this right now?

"Liana, I've been looking for you before. I am thinking that, maybe may naging bunga sa ginawa natin. And I guess I was right!" Excited na sabi niya. He really was.. looking for me? I can't believe.. no, I don't believe.

Agad ko siyang itinulak.

"I don't believe you." Sabi ko ng makatalikod ako sa kanya pero laking gulat ko nalang ng bigla niya akong niyakap sa likod.

"What are you doing? Let go.."

"I love you." Agad naman akong kumalas sa pagkakayakap niya.

"What? How?! Isang gabi lang iyun at hindi pa nga tayo nagkakakilala ng sobra tapos sasabihin mong mahal mo ako? It's nonsense." Gulat na sabi ko.

"It's true! Please, give me a chance." Hindi ako makasagot. Agad akong lumakad palayo sa kanya.

"I thought mag-vivisit ka lang kay Angel. Nasa itaas siya, why don't you go up there."


Kinabukasan,
"Picnic?" Gulat na sabi ko matapos na sabihin ni Hanson na magpipicnic kami today. Sabado kasi ngayon kaya hindi na ako nagtaka kung bakit niya naisip iyun.

"Yup. Para naman may oras tayo sa isa't-isa. Namimiss na kita e."

"Parang kagabi lang e sabay naman tayong kumain." Hindi kami sabay natulog kasi hindi naman kami natulog sa iisang kwarto. May respeto din naman kasi itong lalaking ito.

"Okay.." Umuo na rin lang ako dahil tama rin naman siya. I need time to feel what I felt yesterday.

Honestly, hanggang ngayon, parang kapatid, kapamilya at kaibigan parin ang tingin ko sa kanya. Pero hindi ko naman mareject ang feelings niya sa akin dahil sa dami ng ginawa niya sa akin. Oo, pwede niyo rin masabing awa ang nararamdaman ko ngayon but I don't want this dahil baka dumating ang araw na masaktan ko lang siya kaya habang maaga pa, gagawan ko na ito ng paraan.

Habang busy kami sa paglalagay ng mga dadalhin namin sa Picnic sa kotse ay pareho kaming natigilan ng biglang nagpakita si Terience.

"Anong ginagawa mo dito?" Saad ni Hanson sabay lapit sa akin.

ABNISM (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon