Alyana Perez' s POV
Isang linggo ang lumipas, sobrang bumenta kami. Naging sikat ang specialty ng resto at tumatak ito sa panlasa ng mga tao.
Nagleave ako ng isang araw para sa amin dalawa ni Angel. Gusto ko kasing ipasyal siya.
Nasa mall kami ngayon at nagtitingin sa mga barbie dolls.
"Maa.." Sabi ni Angel sabay turo doon sa isang barbie doll na nasa isang box with her clothes and bags.
"You want this, huh?" Kinuha ko ito at pinahawak sa kanya. Mukhang gusto nga niya kaya binili ko na ito.
Habang papalakad ako papunta sa cashier ay may biglang lumabas sa isang tabi na siyang ikinagulat ko.
"Aron!" He giggled.
--
"Masarap ba?" Tanong niya kay Angel. Hindi naman ito sumagot.
Nandito kami ngayon sa labas ng arcade nakaupo lang sa isang bench at kumakain ng ice cream. Nasa paanan ni Aron si Angel habanv hawak niya ito sa bewang.
"Sinusundan mo ba kami? Dapat nagsabi ka nalang na gusto mo pala ng barbie doll." Tinignan niya ko ng nakakunot ang noo. Nagpeace sign naman ako at ngumisi.
"Haha! Joke lang. Siraulo ka kasi. Sulpoy ng sulpot. Bakit ka nga nandito?" Tanong ko habang patuloy na dinidilaan ang ice cream ko na cookies and cream.
"Hindi ka kasi nag-invite. Nagtampo ako kaya sinundan ko kayo." Nakangising sabi niya habang patuloy din sa pagkain ng ice cream niya na chocolate at nakatingin aa malayo.
"Wow. Iba ka talaga magtampo. Psh." Inirapan ko siya.
"Maaaa.." Turo-turo ni Angel yung loob ng arcade.
"You wanna play, baby?" Tanong ni Aron sa kanya.
"Hindi mo anak iyan!" Sabay batok ko sa kanya.
"Aray ha! Huy, baby, ang sama ng mama mo. Pagalitan mo 'to mamaya ha." Nakapout na reklamo niya.
"Maaa.." Binaliwala ni Angel ang sinabi ni Aron, wala naman kasi itong maintindihan. Duh, 2 years old pa nga. Patuloy parin ito sa pagturo doon sa arcade.
"Dahil sinundan mo kami dito, libre mo kami." Tumayo ako at una ng lumakad.
"Aba'y.." Napangisi ako.
---
Napakaganda ng pamamasyal namin. Laro lang kami ng laro. Nagmukha na kaming magpamilya sa ginagawa namin. Ako ang ina, si Aron ang ama at si Angel ang anak. Pero hindi ko na inisip yun, ang mahalaga masaya kami sa mga oras na ito.
Ilang linggo pa ang lumipas ay nagkapangalan kami sa telebisyon. Lumabas kami sa TV Patrol at pinakilala ang specialty ng resto.
"Wow! Ang galing. Ibang klase talaga yung produkto mo, Ma'am!" Tinignan ko ng may nandidiring itsura si Ara.
"Seriously, Ara? Ma'am? Pwede na akong masuka." Napakamot ito sa batok.
"E ang high mo na kasi. Kaya dapat itawag ka sa ganoon." Dagdag pa niya.
Lumakad ako at nagpunta sa harapan nila. Nasa Resto kami ngayong lahat at nanunuod ng TV Patrol. May TV rin kasi kami dito.
"Alam niyo guys. Lahat ito ay pinaghirapan natin. Walang mataas at mababa dito. Sa bawat paghihirap, hindi dapat nilalagyan ng rango. Kung lumago ka man at feeling ng iba mataas ka na, 'wag magpalaki ng ulo kasi ikaw parin ang taong yun." Paalala ko sa kanila.
"A clap for a good speaker!" Sabat ni Aron at ginawa naman nila ang sinabi niya.
"Tss. Ewan ko sa'yo. Basta guys, please, call me Aly. Okay?" Then they nod.
BINABASA MO ANG
ABNISM (Completed)
RandomSa buhay, dumadaan tayo sa pagkabata, binata at dalaga at hanggang sa makabuo tayo ng sarili nating pamilya. Pero sa buhay, hindi rin mawawala ang mga problema at pagsubok. Pero sa bawat problema at pagsubok, may mga paraan na mailalaan. Pero paano...