Hanson Nilla's POV
Dumating na ang panibagong araw pero hindi parin umuuwi si Liana. I really have a bad feeling. Tapos, I remember kahapon, tinawagan niya ako and suddenly, bigla nalang na-off then na-out of reach ang phone niya no'ng tinawagan ko ulit.
Hindi na ako nagdalawang-isip na tawagan sila Papa at ipaalam sa kanila ang ipinagtataka ko.Alyana Perez's POV
Pagkatapos ng nangyari ay nilocked nila ako sa loob ng kwarto. Wala akong maggawa para makalabas. Hindi rin ako makahingi ng tulong dahil nga sinira ni Gary yung phone ko. Ano ng gagawin ko ngayon? Nag-aalala na siguro si Hanson ngayon. Sinabi ko pa naman sa kanya na uuwi ako pero anong nangyari? Nagumaga na lang, wala parin ako doon.
Hanson Nillas's POV
Balak na sana naming hanapin si Liana pero biglang may nangyari. Papa called.
"What?!" I hopped on my car and went through the hospital. Agad kong tinanong kung saang room si Mama at agad tumakbo papunta doon.
"Ma! Okay ka lang? Anong nangyari, Pa?" Worried na tanong ko pagkarating ko sa room.
"Highblood lang 'to anak. Hindi grabe ito." Mahinang sagot ni Mama. Kumunot ang noo ko.
"Hindi grabe? Kahit anong sakit, grabe iyan. Ma naman e, ingatan mo kasi kalusugan mo. Lalabas lang ako at bibili ako ng prutas." Hindi na ako nagsalita pa at agad na lumabas. Palusot ko lang iyun kasi naiiyak ako. Unang beses may nahospital sa pamilya ko kaya nakakaiyak.
Sumunod naman si Papa sa akin tapos biglang tinap ang balikat ko."Go. I'll take care of your mom. You should find her." I smiled.
"Thank you, Pa."
Agad akong tumakbo palabas ng hospital at sumakay sa kotse at pinaandar ito. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya ang unang naisip ko ay ang bahay ni Gary. Baka may kinalaman siya sa pagkawala ni Liana.
"Excuse me." Tanong ko sa guard ng makarating ako sa bahay ni Gary. Iba na kasi ang guard. Lumapit naman siya sa akin.
"Nandiyan po ba si Liana?" Kumunot ang noo niya.
"Wala po akong Liana na kilala, Sir." Sagot niya.
"Papasok ako, buksan mo ang
gate." Sabi ko sa guard."Sir, sino po sila?" Tanong niya.
"Kaibigan niya ako!" Inis na sagot ko.
"Sorry po sir. Sabi kasi ni Sir Gary na walang papapasukin dito kahit kaibigan niya daw." What the?!
Liana might be in that F*cking House! How come na ayaw niyang magpapasok ng kahit na sino? Then, maybe nga may nangyayari dito. Maybe nga, may tinatago siya. That's possible though.***

BINABASA MO ANG
ABNISM (Completed)
RandomSa buhay, dumadaan tayo sa pagkabata, binata at dalaga at hanggang sa makabuo tayo ng sarili nating pamilya. Pero sa buhay, hindi rin mawawala ang mga problema at pagsubok. Pero sa bawat problema at pagsubok, may mga paraan na mailalaan. Pero paano...