Chapter 18

300 7 0
                                    

Tumayo ako at binuksan ang pinto dahil kanina pa may nagdodorbell.

“Dianne.” Siya yung nakausap ko sa daan noong isang araw. Sa kanila yung katabi ng bahay ko.

“Hi! I brought mango float.” Ngumiti ako at pinapasok siya. This is the first time, huh.

“Naisipan ko lang gumawa kasi wala akong maggawa sa bahay. Tapos, feeling ko, hindi ko naman mauubos ito kaya ish-share ko nalang sa iyo.” Sabi niya no’ng makaupo na siya.

“Sige, kukuha muna ako ng plate.” Pumunta ako sa kusina at kumuha ng dalawang plato at tinidor.

“Bakit pala ako? E diba, marami naman tayong kapit-bahay?” Nagtatakang tanong ko.
“Syempre, gusto ko magkakilala tayo ng husto kasi bago ka palang dito.” Oo nga naman. Ba’t ‘di ko yun naisip agad.

“Nasa’n ang baby mo?” Tanong niya sabay subo ng mango float.

“Natutulog sa taas e.” Sagot ko.

“Alam mo? Hindi talaga ako makapaniwala. Akala ko kasi talaga, kapatid mo iyun. Kasama ka pala doon sa maagang nagbubuntis ano?” Hindi ko alam kung maiinis ba ako o ano sa sinabi niya.

“Sorry ha, pero alam naman natin ang henerasyon natin ngayon. Marami na talagang mga ganoon. Naku, kapag ako, nabuntis sa edad ko ngayon? Baka pinalayas na ako ng mga magulang ko.” Ngumiti ako.

“.. kaya nga, mas gugustuhin ko na lang magpakasaya sa meron kami ngayon kaysa magpabuntis no.” Napalunok ako ng laway. Sobra na ba? O ano?

“Nasaan nga pala mga magulang mo? Laging ikaw lang kasi nakikita ko diyan sa inyo sa tuwing dumadaan ako.” Pag-iiba ko ng usapan.

“Busy sa trabaho. My step-mom is really great. Alam mo bang dahil sa kanya yumaman kami ng ganito? Sinabi ko nga sa kanya na mamasyal kami dito sa inyo para kilalanin ka kaso ayaw niya kasi daw busy siya. Pero ang pinagtataka ko, kilala ka niya. Alyana nga lang ang sinabi—“

“Yup, it’s me.”

“Yun nga Alyana. Nagkakilala na pala kayo ng step-mom ko?” Tanong niya na siyang ipinagtaka ko ng husto.

“No.” Isa lang naman kasi ang tumatawag ng ganyan sa akin, si mommy.

“Can I visit you? Yung nandoon sana ang mommy mo. I just want to clarify if kilala ko nga ba talaga siya kasi nga diba alam niya yung name ko e hindi ko pa naman siya nakikita. Gusto ko sana kunin mo number ko tapos itext mo ako kung nandoon ba ang mommy mo sa inyo para makapunta ako agad.” Kinuha naman niya ang phone ko na ibinigay ko tapos tinype na number niya.

By any chance, si mommy ba talaga ang step-mom niya? Pero that's too impossble.

Messy Nilla’s POV

Hindi ko na kaya ito, kailangan ko ng makita si Angel. Iba pala talaga ang feeling kapag kapamilya mo yung bata, yung gusto mo siyang makasama kahit sandali lang? At isa pa, gusto ko rin makita ang bahay nila.

Tumigil lang ako sa subdivision na sinasabi ni Tedy sa akin. Naglakad lang ako kasi hindi ko naman alam kung nasaan nga ang bahay nila kaya magtatanong-tanong nalang ako.

“Excuse me po, may kakilala po ba kayong bagong lipat dito?” Tanong ko sa taong nakatagpo ko sa daan.

“Hindi e.” Nagpasalamat na lang ako at nagpatuloy sa paglakad.
Hindi ko na rin inabala si Ted kasi may pupntahan iyun ngayon kaya hindi na ako nagpaalam.
Tumigil ako sa isang bahay at nagdoorbell.

Third Person’s POV

Kinuha agad ni Dianne ang cellphone niya ng malamang mamayang gabi pa aalis ang step-mom niya. Itinext niya agad si Liana para malaman nito na andoon nga ito.

Agad na napatayo si Liana at bumaba ng kwarto.
Samantala ay lumabas ang step-mom ni Dianne at pinagbuksan ang tao sa labas.

“Messy?/Tita?/Amanda?”
Gulat na napatingin ang step-mom ni Dianne na si Amanda kay Messy at napalingon naman si Messy sa tumawag sa kanya na si Liana at napatingin agad ulit kay Amanda.

“You!” Galit na sigaw ni Messy at sinugod si Amanda ng sabunot sa buhok.

“TITA!” Napatakbo si Liana sa gawi ng dalawa at laking gulat niya ng makitang ang mommy nito ang sinasabunutan ni Messy.

“Mom!” Sigaw naman ni Dianne ng makalabas ito ng bahay.
Inawat ng dalawa ang dalawa.

“Tita!/Mom!”
Hinila ni Liana si Messy palayo kay Amanda.

“MAGNANAKAW!” Sigaw ni Messy.

“Messy, please.. let’s talk about this. Don’t make a scene.” Pagmamakaawa ni Amanda.

Napatingin ang mag-ina sa isa’t-isa. Galit ang mga mata ni Liana pero awa naman ang kay Amanda.

“Talk about this?! Bakit?! Kinausap mo ba kami noon na nanakawin mo ang mga ari ng kapatid ko?! Diba, umalis ka lang bigla?! Iniwan mo pa nga ang anak mo! Alam mo ba kung anong pinagdadaanan ng anak mo?! Alam mo ba?! HA?! Hindi diba?! Kasi, sakim ka! Pera lang ang inuuna mo at hindi ang maiiwan mo!” Sigaw ni Messy na puno ng galit.

Naalarma naman ang mga kapit-bahay nito kaya medyo napapatingin sa kung saan nanggaling ang sigaw.

“Please, Messy. Calm down.” Hindi na rin napigilan ni Amanda ang umiyak dahil sa mga masasakit na salitang sinabi ni Messy.

“Bakit?! Umiyak ba ako noong ninakaw mo ang pera ng kapatid ko?! Hindi! Kasi, galit ang naiwan dito! Minsan nga, naisip ko kung ikaw ba ang pumatay kay Kuya kasi lagnat lang naman ang sakit na meron siya pero hindi kapani-paniwalang namatay siya dahil doon!” Huminga ng malalim si Amanda.

“Mali ka ng akala, hindi ko siya pinatay! Mahal ko ang asawa ko. Hindi ko iyun magagawa.”

“Mahal? E nasaan na yung pagmamahal mo? Napunta sa pera? Hindi mo man lang binigay sa anak mo!”

“Tita, please.. tama na.” Mahinang sabi ni Liana.

“Lahat nga pala ng makasalanang tao, nakikita. Lalo na yung magnanakaw na tulad mo!”

“TAMA NA!” Sigaw ni Liana.

“I—I thought, I will never gonna see you again. But, I think, it’s a destiny na makita kita ngayon..” Napangiti si Amanda.

“I can forgive you from all you’ve done. Ano naman kasing silbi sa galit. Bibigyan lang tayo niyan ng sama ng loob… Pinapatawad na kita.” Kumunot ang noo ni Messy habang wala namang kaalam-alam si Dianne sa pinag-uusapan.

Napangiti si Amanda, “Salamat, Alyana.” Sambit nito kasabay ng mga luhang umaagos sa pisngi.

“But, I will never call you mom, again. Never. “ At umalis ito.

“Alyana!” Sigaw ni Amanda. Hindi naman nito mapigilan ang umiyak.

“How nice, pinanganak mo talagang mabait ang anak mo at nagawa pa niyang patawarin ka. Tama na yung nadaanan niya, Amanda. Okay na kami ngayon e. Okay na ang buhay namin. Sana huling beses ka na naming makikita ngayon.” At ito naman ang sumunod na umalis.
Napa-upo si Amanda at napahagulgol ng iyak samantalang nakatayo lang si Dianne at seryosong nakatingin sa likuran ng ina.

Alyana Perez’s POV

Bakit ba ganito? Akala ko sa wattpad ko lang nababasa ang mga ganito, akala ko sa mga drama lang sa TV ko nakikita ang mga ganito. Yung lumalayo na ang isa, makikita mo parin pala. Napakasakit! Lalo na no’ng malaman kong malapit lang pala siya sa akin at lalo na no’ng malaman kong siya pala ang sinasabi ni Dianne na step-mom niya. Ewan. Madali namang magpatawad e. Pero yung isiping ina mo parin siya sa kabila ng ginawa niya? Ewan, hindi ko alam.

***

ABNISM (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon