Tedy Nilla's POV
"I already told you, they're safe. There is nothing to worry about. We can visit them there." Iyak na iyak parin si Messy dahil sa sinabi ko na umalis na ang dalawa kagabi.
"But, Hon. Hindi pa tapos ang anak natin sa pag-aaral niya. Baka maging hadlang si Liana sa mga pangarap niya." Agad ko naman siyang niyakap.
"No. I know he'll do the right thing. We'll visit them later okay?" Then I kissed her forehead.
Alyana Perez's POV
Inihakbang ko ang paa ko sa labas ng bahay. Maagang umalis si Hanson dahil may aasikasuhin pa siya sa pag-aaral niya. Hindi ko naman balak ang pigilan siya o kaya'y maging pabigat sa kanya dahil alam kong may panagarap siyang inuuna.
Naglakad-lakad ako kasama si Angel. Ang ganda dito, feeling ko umuwi ako ng bahay sa lagay na ito.
"Hi, bagong lipat ka?" Tanong ng isang babaeng nakatagpo ko na nagjojogging.
"Yup. Hi, I'm Liana Perez. Diyan yung sa amin." Tinuro ko naman yung bahay na nilipatan namin.
"So, we're neighbors then. I'm Dianne." Nakipaghandshake naman siya sa akin.
"Kapatid mo?" Tanong niya sabay kurot sa pisngi ni Angel.
"Uh, anak ko." Nagulat ata siya sa sinabi ko.
"Oh. Hindi halata." Ngumiti nalang ako tapos nagpatuloy na rin siya sa pagjojogging niya.
Naglakad na ulit ako at marami akong namemeet na tao. Buti at winewelcome nila ako dito."ALYANA PEREZ!" Agad akong napalingon sa tumawag sa akin. Isang lalaki, isang lalaking kaaya-aya ang itsura at parang minsan ko nang nakita.
"Yes?" Sagot ko ng makalapit na siya.
"Hi. I'm Terience."
"Terience, one of the bartenders here. He has a broad muscle, fine chin, so kissable lips. Uh! That damn guy. You know what, Liana? This bar is really different. You can table the bartender."
Agad akong napaatras nang may maalala ako sa pangalan niya. Agad akong tumalikod at lumakad pero agad naman niyang binlock ang nilalakaran ko.
"Why are you walking away from me? Aren't you gonna let me carry my child?" Seryosong sabi niya. Lumaki ang mata ko at umatras ulit.
"No. Hindi mo anak 'to." Lumakad na naman ako palayo at agad na naman niyang binlock ang dinadaanan ko.
"Please! Stop this! I'm already happy and convince now. 'Wag mo na akong guluhin." Pagmamakaawa ko.
"No, I won't. I just want to carry her. " Bigla naman akong natigilan. May part sa akin na nagsasabing umayaw ako pero may part rin naman na dapat kasi anak niya ito. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin but I let him carry the child.
"1 minute." Sabi ko ng nakatingin sa malayo.
"That's pretty short, Liana.. Oooh, hey there baby, I'm your daddy. Wow! You've got my eyes there. Chinito and chinita." Napatingin ako ng saglit sa kanila. God! Please, stop me from doing this. Ang dami ko ng dinaanan na pagsubok, please..
"I want to see her everyday. So that means, araw-araw akong pupunta sa inyo." Sabi niya habang nakatuon parin ang atensyon sa bata.
"What?/No!" Agad akong napalingon sa nakasabay ko sa pagsasalita. It was Hanson.
Lumapit siya kay Terience at kinuha ang bata."I am her father. I have the right to carry her. And Hanson, I meant every word. I will be visiting here, everyday." Tapos umalis na siya.
"What's got into you? Bakit mo siya hinayaang kalungin si Angel? Liana, alam mo ang dapat gawin, but why?!" Galit na sabi niya.
"Hanson.. I don't know but he's right. He's the fathe-"
"No! Alam mo namang siya ang nakapahamak sa'yo. Tapos.. tapos ngayon? Madadatnan ko nalang na hinahayaan mo siya? Oh my God, Liana.. napakabait mo naman. Sana naman bawasan mo ng kunti at isipin mo kung ano yung mas tama. 'Wag ka namang magpakatanga ulit. Tanga ka na nga noon, pati ba naman ngayon?!" Tinamaan ako sa sinabi niya. Lahat iyun tama pero tama bang ipamukha sa akin ang mga bagay na iyan sa harap ng mga nagdadaanang tao dito?
"That's it. Gagawin ko ang sa tingin ko ay tama and that's giving Terience his rights." Tapos ay tinalikuran ko na siya.
Nakakahiya. Para akong kaawa-awang tao doon na sinisigawan niya. Hindi ko lubos maisip na kaya niya yung gawin sa akin.. ang ipahiya ako. Kabago-bago pa lang namin dito, negatives na agad ang tingin sa akin ng mga tao. Napaka-immature niya! Sa mga ganitong bagay, dapat pinag-uusapan ng masinsinan, ng personalan, yung walang nakekealam o nagtitinginan.
Gary Angara's POV
"I am really impressed with your acting skills" Sabi ko sa kanya sa loob ng private room dito sa bar.
"Thank you. But how long are you planning me to do this?" Ngumisi ako.
"As long as I'm satisfied." Seryoso kong hinawakan ang glass of wine at tinitigan ito ng masinsinan.
"So, can I have my first pay for my perfect acting today?" Kinuha ko ang wallet ko sa bulsa.
"2,000 for today, Terience."
***
BINABASA MO ANG
ABNISM (Completed)
RandomSa buhay, dumadaan tayo sa pagkabata, binata at dalaga at hanggang sa makabuo tayo ng sarili nating pamilya. Pero sa buhay, hindi rin mawawala ang mga problema at pagsubok. Pero sa bawat problema at pagsubok, may mga paraan na mailalaan. Pero paano...