Kinuha ko ang phone ko pagkagising.
[Hi, Liana. I want to talk to you. Please go at this place now ************]
Agad akong napatingin kay Hanson na tulog na tulog. Ginising ko muna siya.
“Hey, Hanson. Aalis muna ako ha? This is an important matter. Hindi ko pa alam kung anong oras ako uuwi but I’ll just text you.” Sabi ko.
“’Wag kang magtagal ha?” Sabi niya sa tonong inaantok pa. The sexiest thing ever!
“Yeah, I will.” Then, I kissed him in the lips.
Agad akong nagpunta sa lugar na tinext ni Dianne. No’ng lumabas ako sa taxi, isang bahay ang nadatnan ko. Isang magarang bahay. Sa kanila ba ito? Well, hindi na ata ako magtataka kasi nga ang daming pera ni Amanda.
I pressed the doorbell then waited for someone to open it.
“Alyana Perez?” Tanong ng guard na nagbukas ng gate. I just nodded tapos pinapasok na rin niya ako. Panay tingin ako sa paligid. Napakaganda ng bahay. Bigla naman nagbeep ang phone ko.
[Meet me at my room. Second floor, malapit sa table na may picture ko.]
Nagtaka naman ako. E bakit hindi nalang siya bumaba dito? Anyway, baka may ginagawa siya doong importante.
Ginawa ko na lang rin ang sinabi niya. Kumatok ako sa pinto no’ng matunton ko na ang kinaroroonan niya.
“Please, get in.” Sabi ng tao sa loob.
Binuksan ko ang pinto at nadatnan ko ang babaeng nakaupo at nakayuko sa kama. She then looked at me with her worried expression and a little bit tears in her face. Agad ko siyang nilapitan.
“Are you okay?” Worried na tanong ko. Bigla naman niya akong niyakap.
“I’m sorry.” Naiiyak na sabi niya. I understand. Siguro ay nagsosorry siya dahil naging mommy niya si Amanda.
“It’s okay. Hindi mo kasalanan.” Humihikbi parin siya.
“I’m sorry.. I’m sorry.”Paulit-ulit niya. Hinimas-himas ko yung likod niya pero bigla na lang ay kumawala siya sa akin at tumayo.
“I’m really sorry.” Tapos bigla siyang umalis ng kwarto.
Napalingon naman agad ako sa loob ng kwarto. This doesn’t looked like a girl’s room.***
BINABASA MO ANG
ABNISM (Completed)
RandomSa buhay, dumadaan tayo sa pagkabata, binata at dalaga at hanggang sa makabuo tayo ng sarili nating pamilya. Pero sa buhay, hindi rin mawawala ang mga problema at pagsubok. Pero sa bawat problema at pagsubok, may mga paraan na mailalaan. Pero paano...