Chapter 55 (Fin)

187 5 0
                                    

Alyana Perez's POV

All I was hoping ay magkaroon ng magandang buhay. But then, it turned out na baliktad. It was worst. At mas naging worst pa ng dumating ang isa pang buhay sa buhay ko. Isang buhay na nagawa ng hindi inaasahang pagkakataon. Isang bata.

No'ng una, nagtangka akong patayin siya pero pinipigilan nga talaga ako ng Diyos. Ng mabuhay ito, hindi ko siya magawang mahalin pero ng may mangyari ay narealize ko. Anak ko siya, nanggaling siya sa akin, halos isang taon ko siyang dinadala sa sinapupunan ko at halos buhay ko ang inalay ko mabuhay lang siya. Hindi ko siya kayang mawala.

Nagsikap ako para sa kanya. Ibinuhos ko lahat ng talentong meron ako para may maipakain ako sa kanya. Nag-iisa man ako, single mom man ako pero lahat kakayanin ko para lang sa nag-iisang anghel ko.

2 years later..

"Miss Aly, this are your schedule for tomorrow. You have a meeting with the Amayana R for the adoption of your product to the other country. Uhm.. 10am." My secretary said.

"Okay. Next?" I ordered as I was taking my seat here in my office.

"You have an upcoming interview with the Tv5 channel, 12pm. Also, with the Abs-Cbn, after the Tv5." Naghand gesture ako hudyat na magpatuloy siya.

"And uhm.. Mr. Aroganza added for the.." Pinigilan ko siya.

"Canceled. Diba sabi ko at 3pm hindi na pwede magpasched?" Tumayo na ako at kinuha ang jacket ko at nilagpasan siya but I turned my back.

"Arc, tatayo ka nalang ba? Oh c'mon, it's Angel's birthday. Tara na!" Lumapit ako sa kanya with glee tapos inakbayan ko siya. Then she smiled.

Lumabas ako sa office dito sa 'Nay Tasing's. Yup, I added an office. Sa labas ay nakita ko si Aron na naghihintay with his Americana attire. Gabi na rin kaya nagclose na kami. Kami nalang ata ang hinihintay sa birthday party ni Angel.

Humarap ako sa restaurant. Nag-improve na ito. May second floor na ito. Ngumiti ako. Parang kailan lang.

Flashback

"P-pa!" Lumaki ang mata ko sa nakita ko. Unti-unting natumba si Tito dahil sa tama nito. Agad naman akong tumakbo papalapit sa kanya at kinuha si Angel.

I can't believe it. Tita shoot him. She's crying. Nanginginig niyang binitawan ang baril at napatakip ito ng bibig. Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa si Maquen, Aron at ang mga Pulis. Siguro ay nagpasya na silang pumasok ng marinig nila ang putok ng baril.

Agad na kinuha ni Aron si Angel mula sa akin dahil parang nawawalan ako ng lakas. Hindi parin ako makaget over sa nakita ko.

Dinakip ng mga Pulis si Tita. Binuhat naman ng mga Pulis si Tito pababa para maisugod itp sa hospital. Mangiyak-ngiyak na sumunod si Hanson at Maquen at inalalayan rin ako ni Aron pababa ng bahay.
--
4 months later..

"Yes." Sagot ko sa Pulis na nagtanong sa akin.

Pumasok na ako sa visiting area nila at doon ay nakita ko ang dalawang tao. Lumapit ako sa kanila at naupo. Binigay ko sa kanila ang sulat na dala ko. Tinignan naman nila ito.

"Ipapasara ang Resto niyo dito. Decision iyan ni Hanson and Maquen para na rin daw walang gulo sa pagkopya niyo sa product ko." Eksplinasyon ko habang binabasa nila ang mensahe na galing kay Hanson. Wala pa rin kasing lakas ng loob ang dalawa na dalawin sila kaya mas minabuti nilang sumulat nalang.

"What?! Hindi pwede 'to!" Galit na sabi ni Tito.

"Tama kayo. So I stopped them. I convince them na huwag gawin. If they'll do that, bababa ang standard ng MaMeHaTe. Malaking pera ang ginasta niyo for that branch. And, glad to say na pumayag sila." Nakayukong sabi ko.

I know they're starring at me. Nailang akong tignan sila dahil hindi pa ako makamove on sa ginawa nila. But still, kahit ganoon ay tinulungan ko parin sila.

"Liana. I'm sorry." Sabi ni Tita sa akin. Napatingin ako sa kanya. Kitang-kita sa itsura niya ang pagsisisi. But kay Tito, he's blank. Hindi ko mabasa ang reaksyon niya.

Tumayo si Tito ng hindi nagsasalita. Tumalikod siya sa amin at aakmang aalis na. Pero isang salita lang hindi ko makalimutan mula sa kanya matapos siyang umalis. "Thank you." Napangiti ako ng bahagya matapos no'n. Hindi man kami tuluyang nagkaayos but I know, soon magkakaayos rin kami.

Nabalitaan ko na lumipad papuntang Canada si Hina at ang pamilya nito. Wala na rin akong balita sa kanya.

Nagresign ang secretary ni Tito at ng malaman ko ay hinire ko siya. Simula kasi ng malaman kong nagresign siya, inalam ko ang buhay niya. Then nalaman ko na siya lang ang bumubuhay sa pamilya niya, so I decided na ihire siya.

End of Flashback

Pinagbuksan niya kami ng pinto."Thank you." I said tapos pumasok na ako sa tabi ng driver's seat at doon naman si Arc sa passenger seat. Yup, Arc. Kung naaalala niyo, she was the secretary of Tito. Not now, of course.

Ng makarating kami sa bahay ay dinig na dinig ko na ingay ng musika at ng mga tao. Halata rin sa labas ang mga desinyo ng balloon.

Bumaba na kami sa kotse at sinalubong ako ni Mommy. I kissed her in the cheeks.

"You're so beautiful, Alyana. Ba't ang tagal niyo? Gusto ng hipan ni Angel yung candle e." Natawa naman ako at pumasok na rin kami sa loob.

Kasabay ng party na ito ay ang important announcement ko sa lahat. Yup! Ikakasal na kami. Akalain niyo yun? Haha! Ako na ang excited masyado.

"Hi baby Angel! Happy Birthday." Sabi ko kasabay ng pagakay sa kanya at halik sa labi.

Binaba ko naman siya at pintayo doon sa silya niya. Sinandya yan para abot niya yung mesa.

Sinimulan na ang pagbless ng food and Mom lead that. After no'n ay kumanta na ang lahat.

"Happy Birthday Baby Angel!" Then we clapped at hinipan na niya yung apat na candles niya.

Agad ay inakap ko siya at nilabas ang regalo ko sa kanya. It's a necklace. A heart shape necklace. Isinuot ko ito sa kanya at hinalikan ko ulit siya.

"Aly! Of course may gift rin kami para kay Angel." Excited na sabi ni Ara.

Isa-isa naman nilang nilabas yung mga regalo nila. Marami pang mga regalong natanggap si Angel. Yung iba ay galing sa mga may-ari ng mga sikat na restaurant sa lugar namin. Yung iba ay sa mga kaibigan, kapit-bahay at mga kakilala ko sa trabaho.

Kumain na ang lahat. May mga bata ring umattend sa party ni Angel. Pagkatapos nilang kumain ay pumagitna ako at tinawag lahat ng atensyon nila.

"Hi, guys. Salamat sa pagpunta niyo dito. Ang saya ni Angel oh." Tinuro ko naman si Angel na ngingiti-ngiti. Buhat siya ngayon ni Aron.

"Gusto ko pong igrab ang chance na ito para mag-anunsyo ng napakaimportanteng bagay..." Lahat sila ay nagtaka sa sasabihin ko. Pwera nalanh sa mga bata kasi naglukulitan ang mga ito.

"Hindi ko alam na dadating ang araw na aayain niya ako. Well, most of you know na single mom ako. But, guys! Hindi na ako magiging single mom!" Excited na sabi ko. Nagulat naman ang iba at naexcite rin. Masaya sila para sa akin.

"And of course, hindi pwedeng ako lang ang mag-anunsyo ng napakaimportanteng bagay na ito."

Lumapit siya sa akin ng nakangiti at niyapos ang bewang ko.

"We're getting married!" Excited na sabi naming dalawa.

"Wooo! Congrats!" Sigaw ng iba. Masayang-masaya sila para sa amin. Hinalikan naman niya ako sa lips.

"Miss Aly, picture kayo with Angel para whole family." Mira suggested.

"Yes why not. Uhm, Hanson pakikuha naman si Angel kay Aron." Umalis siya sa tabi ko at pinuntahan si Aron. Nakangiti itong ibinigay si Angel kay Hanson.

Lumapit siya sa akin with baby Angel. Hinalikan ko naman si Angel.

"Wait, lemme take the picture." Aron suggested at tumakbo ito papunta kay Mira at kinuha ang cam.

"Okay. 1..2..3, say cheese!"

And then we, as a family, smiled.

The end.

ABNISM (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon