Chapter 1

1.1K 14 16
                                    

Ano na ba ang tamang gawin ngayon? Bakit pa kasi lumubo ito? Ang naaalala ko, may pamilya pa ako, may ina at ama akong nag-aalaga sa akin, nagpoprotekta sa akin, nagpapasaya sa akin, nagpapafeeling prinsesa sa akin pero ano na ang nangyrai ngayon? Bakit nila ako iniwan? Bakit nila ako hinayaang magkaganito sa huli?
Paano kung, patayin ko nalang kaya itong bata? Magpa-abort nalang kaya ako? Total, 6 months palang naman ito. Pero teka..


"Nagugutom na ako." Sabi ko habang hawak-hawak yung tiyan ko.


"Nay Tasing. Gutom na po--"


"Jusko, Alyana! Tarik na tarik ang araw! Bakit ka nasa labas? Hala, pasok!" Tarantang sabi ni 'Nay Tasing habang inalalayan ako papasok sa karenderya niya at paupo sa isang bakanteng upuan doon.


"Mira! Isang ulam at pagkain! Tsaka tubig na rin!" Sigaw ni 'Nay Tasing doon sa katulong niya dito sa karenderya niya.


Tinignan ko ng malungkot si 'Nay Tasing. Siya yung kumupkop sa akin ng pansamantala noong napadpad ako dito. No'ng una ay nagtrabaho lang ako dito ng tigi-hugas ng plato kasi hindi ako marunong magluto dahil nga nabuhay ako bilang prinsesa, tipong yung wala akong trabaho sa bahay. Hindi pa nila alam noon na buntis ako, miski ako. Kaya no'ng lumabas na ang sintumas ay nagpregnancy test ako agad at doon na nalaman na buntis nga ako. Pagkatapos nilang malaman ay hindi na ako pinagtrabaho ni 'Nay Tasing.


Hindi malaman ang kadahilanan ng pagkamatay ni Papa. Nagkasakit lang naman siya ng lagnat na grabe tapos no'ng nasa hospital na siya ay hindi na siya humihinga. Ilang araw naman ay bigla namang nawala si Mama ng parang bula. Akala ko umalis lang siya para sa trabaho pero hindi na talaga siya bumalik. Ako nalang mag-isa sa bahay at ang mga kasambahay. May ATM naman ako kaya lang hindi ganoon kalaki para ipampasweldo sa kanilang lahat kaya pinaalis ko nalang sila. Nalugi naman ang grocery store namin dahil sa wala ng nagmamanage kaya ibinenta ko nalang ito. Ibinenta ko rin ang bahay at umalis ako, hindi alam kung saan pupunta.


Sumakay lang ako ng bus at bumili ng simpleng damit sa ukay-ukayan at yun ang isinuot. Kaya sa itsura ko noon, simple lang ako at parang naghahanap ng trabaho at matutuluyan kung kaya't doon na ako napansin ni 'Nay Tasing.


"Alyana! Hindi ka sumasagot. Okay ka lang ba?" Nabalik ako sa pag-iisip ng magsalita si 'Nay Tasing.

"Opo." Marahang sagot ko.


Pinakain na niya ako at talagang halata sa itsura niya ang pag-aalala ng sobra pero isa lang ang hindi nag-aalala sa akin, si Jacky. Ewan, no'ng unang beses ko palang dito, hindi na talaga maganda ang aura niya sa akin. Pinagalitan pa nga niya ako no'ng nabasag ko ang isang baso, e mismong si 'Nay Tasing hindi naman nagalit na may-ari.


Naglalakad-lakad ako sa Malaya Park malapit sa karenderya ni 'Nay Tasing. Nakita ko ang mga batang naglalaro doon kasama ang mga pamilya nila. Naaalala ko na ganyan rin kami noon, noong kumpleto pa kami.


May biglang pumasok sa utak ko, paano kaya kung ipa-abort ko nalang ito? Baka, nahanap ko pa si Mommy, baka napuntahan ko pa ang mga kamag-anak ko sa Maynila.


"Manong, itatapon niyo na po?" Tanong ko sa isang matandang lalaki na magtatapon sana ng pintura.


"Pwede akin nalang yung isa?" Tanong ko sa kanya ulit at binigay rin naman niya.
Parang may tumulak sa akin na inumin ang pintura. Wala ako sa isip at aakmang itataas na ito malapit sa bibig ko.


"Ate! Kulay puti po ba iyan? Ateeee! Akin nalang. Pipinturahan po kasi namin yung kotse namin." Sabi ng isang cute na bata kung kaya't napababa ko ang balde ng pintura sa pag-aalsa.


"Salamat po!" At umalis narin sila na masaya.
Tumayo ulit ako at naglakad. Nakakita ako ng botika.


"Kuya, may expired kayo na gamot?" Tanong ko sa isang bakla na nagbabantay sa botika.


"Yes! But, hindi namin ipinapamigay.." Tapos tinignan niya ako sa bilog na tiyan ko.


"Lalo na sa mga katulad mong buntis. Nakuuu! 'Wag kang magbalak! Dapat makita ni baby ang earthlings! " Inirapan ko lang siya at umalis na sa botika.


Naglakad na naman ako at nagpunta sa isang tulay at doon tumambay sa gilid ng tulay.


"Miss! Umalis ka diyaaan!" Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko. Isang lalaki na oa kung makareact.


"'Wag kang tumalon! Naku! Magiging Nanay ka pa!" Pinandilatan ko naman siya at tinulak ng mahina.


"Hindi ako tatalon!" Bumaba naman yung balikat niya at parang nakampante.


"Sige." Ngumiti siya at umalis nalang bigla. Gago yun a.


Lumakad na naman ako at nagbalik na sa karenderya ni 'Nay Tasing.

3 months later


"'Nay.. 'Nay.. Tasing.. a.. Tasi-a.."


Umupo ako sa isang tabi hawak-hawak ang malaking tiyan ko.


"Ate..T-tulo-"


Napahawak naman sa balikat ng kasama niyang lalaki yung babaeng tinawag ko.


"Jusko! Andro! Manganakay na siya! Pastilan, pangita ug tabang, Andro!" Sabi ng babae.
Hindi ko naman siya maintindihan kasi bisaya siya pero halata ko sa itsura niya na nag-aalala siya sa akin.

"Aaaaaa--! 'Nay-Tasiiing!"



***

ABNISM (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon