Alyana Perez's POV
Hindi ko parin tanggap na wala na ang anak ko. Pero wala akong magagawa. I have to move on.
Habang nagd-drive si Hanson, biglang may tumawag sa kanya.
"Ma?.. Bakit po?.. Okay, okay, chill. Papunta na... okay, bye." Then the call ended.
"Si mama. Sa bahay daw tayo umuwi ngayon." Sabi niya habang nakatuon sa daan.
Hindi naman ako sumagot sa kanya at tumahimik nalang hanggang sa makarating kami sa bahay.
Gulat kami pareho ni Hanson ng makarating kami. Nasa labas si Maquen kasama ang mga bagahe.
"Ma! Anong nangyayari?" Tanong ni Hanson kay Tita ng mababa ni Tita ang isa pang bagahe.
Si Tito naman ay nakaupo lang sa upuan na nasa labas ng bahay at umiinom ng tubig.
Nagulat at napatakip agad ako ng bibig ng biglang sampalin ni Tita si Hanson.
"Tita.." Mahinang sabi ko.
"Why do you need to lie? Why do you have to lie? I knew it! I kew it!" Turo-turo niyang sabi kay Hanson. Si Maquen naman ngayon ay nilapitan niya at sinuntok-suntok ang dibdib nito.
"Pinalaki kita ng maayos! Bakit ganyan ka?! BAKIT?!" Sigaw ni Tita kay Maquen.
Nakatayo parin ako sa kinatatayuan ko kanina habang iniisip kung ano ang nangyayari.
Bigla naman tumayo si Tito at pinigilan si Tita.
"Tama na. Maha-highblood ka na naman." Sabi ni Tito habang pilit paring kumakalas si Tita sa pagkahawak nito.
"Lumayas ka! Lumayas ka!" Sigaw ni Tita.
"Ma, ano po bang nangyayari?" Nagtatakang tanong ko.
" Ikaw! Bakit mo inako na ikaw ang ama ng dinadala ni Liana? BAKIT?! Bakit mo inako ang kasalang nagawa ng kuya mo?!"
Lumaki ang mata ko sa sinabi ni Tita. Paano niya nalaman?
"Ma, I'm sorry.." Mahinang sabi ni Hanson.
"Umalis ka na." Sabi ni Tito kay Maquen.
Hindi ako makapaniwala sa tinuran ni Tito ngayon. Nakaya niyang palayasin ang anak niya.
"Umalis ka na!" Galit na sabi ni Tito.
Tumalikod naman si Maquen ng walang salita.
Agad akong lumapit kina Tito at Tito.
"No, Maquen. Wait..." Tumigil ako saglit.
"I should be the one leaving." Nakita ko ang reaction ni Tito at Tita. Pareho silang gulat.
" I have money Tito. I can start a new life. I should be the one leaving.. H-hindi niya kasalanan. A-ako ang lumapit sa kanya. A-ako ang gumawa.." I need to lie. I have to.
Masaya ang pamilya nila noon.. noong hindi pa ako dumating. Tapos masisira lang ng dahil sa akin? Mali e. Mali.
Dahan-dahan ay binitawan ni Tito si Tita at dahan-dahan ay lumapit si Tita sa akin at isang sampal ang agad na natanggap ko.
Naiyak na rin ako.
"What are you doing?!" Galit na sabi ni Hanson habang niyuyog-yog ang balikat ko.
"Don't hold me. Ginamit lang kita, Hanson. Bakit? Akala mo mamahalin kita? Get a grip, man! We were friends since then at kaibigan lang ang tingin ko sa'yo. 'Wag ka ng mag-assume, masasaktan ka lang." Sabi ko na parang nandidiri ako sa kanya.
"You're... kidding." Mahinang sabi niya na parang wala sa utak. I'm so sorry. This is the best thing that I can do.
" I am.. t-telling the truth. I'm sorry Ti--" Hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko dahil nalasap ko na naman ang sampal ni Tita.
At sa pagkakataong ito, naiyak na ako ng todo.
"I'm sorry, but it's the truth. I'm sorry, Tito. "
Napailing lang sa Tito at nagwalk out na.
"Umalis ka. 'Wag ka ng bumalik pa." Galit na sabi ni Tita at sumunod na rin kay Tito.
Tinignan ko si Hanson at ganoon rin siya kagaya ni Tito, napailing at parang anytime, iiyak na rin.
"You're funny." Mahinang sabi niya sabay alis.
He's leaving.. He's leaving me forever. Hanson, I'm so sorry pero ito ang sa tingin ko ay tama.
Nakatitig lang ako sa lumalayong si Hanson at napaupo sa pag-iyak. Hindi ko kaya, hindi ko ata kakayanin.
"What are you doing? Why are you doing this?" Napalingon ako kay Maquen at tumayo.
"Sorry." Yun lang ang nasabi ko tapos lumakad na ako palayo sa bahay nila, sa kanila ng may maalala ako.
"Angel." Mahinang sabi ko tapos ay bumalik ako sa loob ng bahay at umakyat sa kwarto.
"Liana! Please, I can't do it. I can't leave without you." Sabi ni Hanson habang dala-dala si Angel.
"Give her back, Hanson. It's over already. Totoo ang mga sinasabi ko." Seryosong sabi ko. I'm so sorry.
I maybe that strong outside but inside, I'm dying.
"Liana, please.." Pagmamakaawa ni Hanson.
"Giver her back." Hindi ko na siya hinintay na lumapit pa sa akin at ibigay si Angel. Ngayon, ako na mismo ang lumapit at kinuha siya.
Tumalikod na ako at naglakad na..
"Liana, I love you. Please.. " Napatigil ako, napa-isip. Gusto kong tumalikod at sabihing mali lahat ng sinabi ko. Pero lumakad na ako palayo sa kanya.
"Liana.."
Yun ang huling salitang nabitawan niya bago ako tuluyang makaalis. Lumakad ako palayo habang patuloy na umaagos ang mga luha ko.
Wala akong magawa. Ayaw kong makasira ng buhay ng may buhay. Dapat kasi, hindi na ako pumayag no'ng una pero bakit ko pa ito sinasabi? E nangyari na ang nangyari.
Ganito naman ang mga tao e, sa huli na nagsisisi.
I'm sorry, Hanson. But, in the short time that I tried myself to fall for you, it really did happen pero hindi inexpect na ganito ang mangyayari. Kung kailan, kaya na kitang mahalin tsaka ka naman mawawala sa akin.
----

BINABASA MO ANG
ABNISM (Completed)
RandomSa buhay, dumadaan tayo sa pagkabata, binata at dalaga at hanggang sa makabuo tayo ng sarili nating pamilya. Pero sa buhay, hindi rin mawawala ang mga problema at pagsubok. Pero sa bawat problema at pagsubok, may mga paraan na mailalaan. Pero paano...