Isang napakagandang wedding gown ang nakikita ko. It was white like a dove. Habang tinititigan ko ito, napapasaya ako, napapaexcite. 'Tis the day, 'Tis the day.
"You look beautiful today, Hina." I smiled as she praised me.
"Thank you." I responded.
Nakaupo ako sa harapan ng salamin dito sa dressing room ko sa bahay. Isa-isang dumadating ang mga taong kakilala ko na gusto akong makita.
"Hina." Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin at nakita ang dalawang babae sa buhay ko. I smiled pero biglang nawala ito ng makitang hindi sila masaya. Nilingon ko sila.
"Pa'no nangyaring ikakasal kayo? Alam mo bang ikinagulat ko ng sobra yung innanounce sa party na engage na pala kayo? C'mon. What did you do?" Inis na sabi ni Cherry sa akin. Si Vanessa naman, pareho ring nakatagpo ang kilay.
"Pwede bang maging masaya nalang kayo sa akin? This is what I want. I badly want him." Asik ko sa kanila.
"That's it! You want this. You want us to be happy for you. Pero hindi mo man lang inisip na may taong hindi magiging masaya sa ginagawa mo? May taong maiiwan. We already knew about Hanson and Liana and yet you ruined their love story." Dagdag pa niya na sobrang tinamaan ako pero I ignored it.
"I don't care. I love him." Iwas-tingin kong sabi.
"E mahal ka ba?" She said in a harsh tone. Napatayo ako at sinampal siya. Bigla akong nagulat sa ginawa ko. Oh my God! I slapped her!
"S-so-sorry." Tarantang sabi ko.
"I don't deserve a slap, Hina. I think you do. But not from me, from Liana." Then they turned their back from me.
Bigla akong napaupo at napatakip ng bibig. Unang beses. Unang beses akong nagalit sa kaibigan ko. Unang beses ko silang sinaktan ng dahil sa kagustuhan ko. Masama na ba ako? Nagmahal lang naman ako.
Alyana Perez's POV
"You may now kiss the bride." The Father said. Tumingin sa akin ng saglit si Hanson then he kissed Hina without looking at her eyes.
Nabingi ang loob ng simbahan ng palakpakan at sigawan ng mga tao. It's done. Kasal na sila. It's not like what we saw from movies and dramas na may pipigil sa kasalan. This is reality and thus, no one can stop it.
Lahat na kami ay nagpunta na sa reception. Nagkakatuwaan ang lahat but I don't see a smile from Hanson's face.
"Kiss! Kiss! Kiss!" Sigaw ng lahat. Napatigil si Hanson sa ginagawang pag-inom ng whine at napangiti lang si Hina.
"Aron, I want to see Mom."
Hanson Nilla's POV
They were asking for a kiss and yet my eyes was just on her. She whispered something to Aron and then they stood up and left the place.
"Hanson.. they were asking for a kiss." That's right. They should leave now. Dapat pala talaga hindi ko nalang sila inimbita. But it's Hina's want and I cam't ignore that.
"Hanson." Nabalik ako sa diwa ko ng kalabitin ako ni Hina sa braso.
"Uhm. Kailangan kong magCr." I made an excuse.
Dali-dali ay umalis ako sa harapan ng maraming tao at nagpunta sa Cr. Ng malapit na ako dito ay may narinig akong away.
"What are you doing? Stop it!" Sigaw ng isang... wait, that's Papa's voice. Agad-agad ay nagpunta ako doon sa kinaroroonan nila.
Messy Nilla's POV
Umalis ako sa kinauupuan ko at nagpunta sa may CR. Kahit anobg gawin ko, kinakain parin ako ng konsensya. Kahit anong gawin ko, dinadalaw parin ako sa panaginip. At kahit anong gawin ko , lagi paring sumasagi sa isip ko na pumatay ako ng tao, na pinatay ko si Marlon.
I hurriedly get my phone on my purse and dialled the police.
"Hello? This is Messy Nilla. Please pumunta kayo sa ****** at dakpin ako. I killed a man, I killed marlon my brothe--"
"What are you doing?! Stop it!" Pilit na inagaw sa akin ni Tedy ang phone ko pero binawi ko ito.
"Don't do this, Messy." A worried emotion was on him. Hindi ko alam kung bakit.
"What do you mean?" Nagtatakang tanong ko.
Third Person's POV
Flashback
Gabing-gabi na at umalis ng bahay si Messy. Ginamit nito ang kotse at nasa tabi nito ang kutsilyo. Nagising naman si Marlon dahil sa ingay ng kotse sa labas. Ng mapansing wala ang asawa sa tabi ay agad itong tumayo at umalis. Nadatnan pa niya ang kotse nito kung kaya't nasundan niya.
Tumigil si Messy sa hospital na kung saan naadmit si Marlon. Nagtago naman si Tedy para hindi siya nito makita. Nagtataka rin ito kung bakit des oras ng gabi ay nagpunta ito rito.
Pumasok si Messy ng nakatago ang kutsilyo sa kanyang bewang na nakaipit sa gitna ng bewang at short niya.
Ng makaakyat ito ay nanginginig ito. Parang hindi niya kayang gaein ang bagay na ito pero sa kabila ng lahat ay lumalabas naman ang galit sa dibdib niya kaya ay nagawa nitong magpatuloy.
Dahan-dahan nitong binuksan ang pinto at inoff ang lights dahil paniguradong may CCTV sa loob. Hindi naman siya nahagip ng CCTV dahil nasa may pintuan lang ang switch kaya inuna niyang ipasok ang kamay at pinatay ang ilaw.
Sinarado niya ng mahina ang pinto at nalimutang ilock kung kaya't nagawang sumilip ni Tedy sa loob.
Dahan-dahan ay kinuha niya ang kitsilyo sa may bewang niya pero ng maramdamang manginig ang kamay ay hindi niya ito kinuha ng tuluyan bagkos ay ang unan na nasa katawan ni Marlon nakapatong at agad itong itinakip sa mukha hanggang sa mawalan ito ng hininga.
Gulat na gulat ang asawa sa ginawa niya. Ng malamang palabas na ito ay agad siyang umalis doon at nagtago. Habol pa niya ang hininga sa kaba.
Agad na lumabas si Messy ag bumaba ng hagdan at umalis sa hospital.
End of Flashback
"Hindi ko kayang makulong ka. Messy, please. Hindi ko kaya." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Tedy.
"Alam mo--" Napatakip ng bibig si Messy. Lumapit naman si Tedy sa kanya at agad itong niyakap.
"Hindi na kaya ng konsensya ko, Ted. Pumatay ako ng tao. At ang masaklap pa do'n.. k-kapatid ko yun. Ted, h-hindi ko na kaya. A-ayaw ko na." Naiiyak rin na sabi ni Messy.
Sa kabilang banda, nagulat si Hanson sa narinig. Hindi niya inakalang magagawa iyun ng ina. At higit sa lahat, hindi niya inakalang ito pala ang pumatay sa ama ni Liana.
Hindi pa nakakalabas ng reception venue sina Liana ay nagulat sila na may pulis na paparating.
"Sino po si Miss Messy Nilla?" Tanong ng Pulis sa kanila ni Aron.
"Uhm.. bakit po?" Nagtatakang tanong ni Liana.
"Tumawag siya sa amin. Sabi niya ay may pinatay daw siya." The Police explained.
"Ha? Impossible." Hindi makapaniwalang sabi ko.
"Pwede po bang pakituro nalang siya sa amin? Ang mga ganitong case po kasi Ma'am, ay yung taong mismong tumatawag sa amin at umaamin ay yun sila ang kinakain na ng konsensya. She told us na pinatay niya si Marlon. And When we search for a Marlon she was talking about, Marlon Perez yung lumabas. Namatay ito sa isang lagnat but merong duda doon na hindi naman talaga lagnat kasi nga hindi naman grabe yun at nakakamatay." Lumaki ang mata ko sa eksplinasyon ng Pulis. Napahawak ako bigla kay Aron.
"No." Hindi makapaniwalang sabi ko.
No. This isn't true. Hindi magagawa ni Tita yun. Paano? Bakit? I thought, it was Mom. No.
---
Ipagpapatuloy...

BINABASA MO ANG
ABNISM (Completed)
RandomSa buhay, dumadaan tayo sa pagkabata, binata at dalaga at hanggang sa makabuo tayo ng sarili nating pamilya. Pero sa buhay, hindi rin mawawala ang mga problema at pagsubok. Pero sa bawat problema at pagsubok, may mga paraan na mailalaan. Pero paano...