Tedy Nilla's POV
"Shit." Mura ko sabay tapon sa telepono sa sofa sa office ko.
Umupo ako sa chair ko at hinampas ang kamay ko sa table.
"I can't believe this. I just can't.." Napatigil ako sa pagsasalita ng may biglang pumasok sa office.
"Pa, sa labas palang, mura mo na narinig ko. Ano po bang problema?" Nagtatakang sabi niya.
Hindi ko siya sinagot at tinignan ko lang siya hanggang sa magform ng smirk ang labi ko.
"Can you do me a favor, son?" Agad na tanong ko sabay tayo at lapit sa kanya.
Gumalaw siya at ikinross-arms ang kamay.
"Sure thing, Pa."
Lumapit ako sa kanya. Yung tipong 5 inches nalang ang lapit at tinignan ko siya mata sa mata.
"But let me ask you one thing first. Mahal mo pa ba si Liana?" Lumaki ng bahagya ang mata niya at napababa ang kamay na kanina ay nakasarado sa katawan.
"I never stop loving her, Pa. Alam mo yan." And from there, another dashling smile formed my lips.
"Then help me get her back, Hanson."
Alyana Perez's POV
Habang nasa bahay ako, kinuha ko ang isang lumang pitaka ko. Sa pagkakaalam ko kasi, may litrato ako ni 'Nay Tasing doon.
Nang makuha ko na ito ay agad ko naman itong binuksan. Lumaki bahagya ang mata ko ng makita ko ang litrato ni Hanson.
Tinitigan ko ito. Kahit pala ngayon, namimiss ko parin siya. Kahit pala ngayon, mahal ko parin siya. Alam na kaya niyang ako si Miss Aly? Alam na kaya niyang, ako ang nakaaway niya sa door knob? Makikita ko pa kaya siya? Mahal pa kaya niya ako? May pag-asa pa ba kami?
Ang daming tanong sa utak ko pero lahat iyun hindi ko masagot. Haay.
Kinuha ko ang mga litrato na nasa pitaka at doon ay nakita ko na rin ang litrato ni 'Nay Tasing.
Napatingin ulit ako sa litrato ni Hanson. Ngumiti ako at kinuha na rin pati ito.
--
Pinalagyan na namin ng pangalan ang sa upper part at ang sa gilid naman nito ay ang drawing ng mukha ni 'Nay Tasing.
May mga nag-apply na rin na waiter at cooker. At sa cooker naman ay tinuruan ko sila sa specialty ko hanggang sa mamaster na nila ito.
And then, pinablessing muna namin yung resto at nagOPEN na rin kami.
For our first day. We serve free one serving of SBD if they have a bill worth 500 pesos.
Marami ang costumer, sobrang busy. Dahil sa busy, tumulong na rin ako sa pagw-waiter even Aron.
"Wait. SBD free?" Napatingin ako sa nasa labas na nagmention ng specialty ko. Lumapit ako sa kanila.
"Diba.."
"Lost here?" Agad na sabi ko sa kanila.
"Aly!" Sabay-sabay nila akong niyakap tatlo.
"Pa'nong napunta kayo dito? Medyo malayo ang sa atin a." Tanong ko ng makaalis sa akap nila.
"Hello?! Ang layo ng niliparan ng Flyers niyo a." Taray na sabi ni Cherry.
Gumawa kasi ako ng flyers. Pati na rin small sign sa street at ang kilometers nito.
"Gosh! Hindi mo sinabing may resto ka na. Kami sana yung first costumer mo." Saad naman ni Vanessa.
"Pwede tama na muna 'to? Please, takam na takam na ako sa SBD." Natawa naman kaming tatlo at pumasok na rin at pinaupo sila.
Mabilis kumalat ang balitang nag-open kami dahil nga sa flyers. Nilagay ko rin doon ang tungkol sa SBD at ang gumawa na mas nakilala ng iba na Miss Aly. At dahil nga doon, unang araw palang, dinumog na kami.
Tedy Nilla's POV
Dahan-dahan kong kinumpol ang flyer na nasa kamay ko at pinunit ito ng may inis at galit hanggang sa tinapon ko ito lahat.
"Aarg!" Sigaw ko.
Kaya pala ilang araw, linggo at buwan ko na siyang hindi naaabutan sa kanila. Abala pala siya sa pinatayo nilang resto.
He even got a help with a person. Sino ulit yun? Aron VillaPlaza?
Tss. Nagbago ba isip niya dahil doon lang sa nagtanong sa akin na hindi ko sinagot? Sh*t that Old lady. Mabuti nga at namatay siya. Mabuti nga!
Flashback
"What? Sa kanya ang malaking bahagi? Why Dad." Galit na tanong ni Messy sa nakahigang ama niya.
Nandito kami ngayon sa hospital at sinasabi na ni Tito kung kanino mapupunta ang mga ari niya.
"Wala kang pangarap. Wala kang patutunguhan sa buhay. You're brother have goals, different from you. Wala kang alam gawin kundi puro barkada." Mahinang sabi niya.
"This is insane. Nasaan ang equality doon, Dad? Pareho niyo kaming anak!" Parang naiiyak na sabi ni Messy.
Nasa gilid lang niya ako at inalalayan siya.
"You'r mom will take care of you. And you can also run to your brother if needed h-help." Tumahimik siya at naramdaman ko ang pagkamao ng kamay niya.
"You're a joke, Dad. Paanong naging anak mo ako kung papabayaan mo ako ng ganito? You're really a joke. Sana hindi nalang kita naging ama."
Tumalikod siya at lumakad."M-messy.." Napatigil kami sa pagalakad.
"Pa! Pa.." Napalingon ako dahil sa tunog ng room. Nanganganib ang buhay ng Papa niya.
"Messy.." Hindi niya ako pinakinggan at lumabas siya ng room.
Ng dahil sa galit ni Messy ay inayos niya ang sarili niya. Tinulungan ko siyang tumayo. Tinulungan ko siyang makapagtapos hanggang sa nag-isa na kami at nagkaanak.
Sobrang mahal na mahal ko ang asawa ko. Kahit hanggang ngayon na nagkaanak na kami at malalaki na ito ay hindi parin niya kinakausap ang kapatid niya.
Minsan ay natutulala ito at wala sa sarili. I hated myself from not giving her what she want. Gusto ko siyang sumaya. Ayaw ko na ganito siya.
Gusto niyang mapasakanya ang ilang bahagi ng ari na dapat ay sa kanya kaya pumaroon ako kay Marlon at nagmakaawang ibigay ito. Pero hindi siya nakinig. Hindi niya ako pinagbigyan. Hindi siya naawa. Sakim siya. Sakim.
Simula no'n, nagalit ako sa kanya... Galit na galit.
End of Flashback
---
Ipagpapatuloy...
BINABASA MO ANG
ABNISM (Completed)
RandomSa buhay, dumadaan tayo sa pagkabata, binata at dalaga at hanggang sa makabuo tayo ng sarili nating pamilya. Pero sa buhay, hindi rin mawawala ang mga problema at pagsubok. Pero sa bawat problema at pagsubok, may mga paraan na mailalaan. Pero paano...