Maquen Nilla's POV
Lumabas ako ng kwarto bandang 1am. Tulog na ang lahat for sure at ang gandang pagkakataon na naman nito.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kwarto ni Liana. Medyo nag-ingat talaga ako kasi madadaanan ko ang kwarto ni Hanson. Nasa tapat na ako ng kwarto ni Liana nang biglang may dumating na siyang ikinagulat ko.
"Kuya, sa'n ka pupunta? Madaling araw palang." Si Hanson na kusot-kusot ang mata.
Buti hindi ako nakaharap sa pintuan ng kwarto ni Liana."Baba lang. Ikaw?" Tanong ko ng nakatalikod sa kanya.
"Ganun rin. Kuya, sa kwarto mo ako matutulog ngayon ha? I had a nightmare again." Napatampal ako ng noo. Crap that nightmare.
"Okay."
Hanson Nilla's POV
I heard Maquen's door open and at this point of time, I know he's planning of something. I really thought he was just kidding at that time.
"Kuya! May picture ka ni Liana sa phone mo?" Tanong ko kay Kuya habang hindi makapaniwala sa nakikita ko. Siya naman ay nakatuon sa paglalaro ng Place Station. Non-working holidays ngayon kaya wala siyang trabaho at wala rin kaming klasi kaya andito kami ngayon sa sala.
"Nakakagulat ba? Saan na nga ba nagsusut-sot ang babaeng yun?" Matagal na kasing hindi nagpapakita si Liana. Ewan ko nga ba kung paanong ibang tao na ang nakatira sa kanila.
"Bakit ka nga may picture niya?" Gulat parin na tanong ko. Lahat ng profile picture ni Liana nasa phone niya at may mga pictures din naman silang dalawa.
"I like her." Napatingin agad ako sa kanya.
"Ano?! May sira ka? E kamag-anak mo 'to e." Parang hindi makapaniwalang sabi ko.
"What?! There's nothing wrong with that. In fact, I really thought of having her in bed one day." Mas lumaki lalo ang mata ko.
"Hahahahaha. Kidding!" Napabuntong hininga naman ako. Siraulo 'to oh. Hindi nakakatawa ang joke niya a.
I hurriedly pulled myself up. Lumabas agad ako ng kwarto at nagpunta sa likuran niya. Shits! He's about to do something. He stopped in front of Alyana's door. I have to do something.
"Kuya, sa'n ka pupunta? Madaling araw palang." Sabi ko habang kusot-kusot ang mga mata ko. Painocente epek.
"Baba lang. Ikaw?" Tanong niya nang nakatalikod sa akin. Hindi naman kasi siya nakaharap sa kwarto ni Liana but that's where he stopped.
"Ganun rin. Kuya, sa kwarto mo ako matutulog ngayon ha? I had a nightmare again." Palusot ko. I have to be with him para hindi na niya ito maulit.
"Okay." Sagot naman niya.
Sabay naman kaming bumaba at kumuha ng tubig.***

BINABASA MO ANG
ABNISM (Completed)
RandomSa buhay, dumadaan tayo sa pagkabata, binata at dalaga at hanggang sa makabuo tayo ng sarili nating pamilya. Pero sa buhay, hindi rin mawawala ang mga problema at pagsubok. Pero sa bawat problema at pagsubok, may mga paraan na mailalaan. Pero paano...