Chapter 37

116 4 0
                                    

Alyana Perez's POV

Flashback

Habang takam na takam ako sa kinakain kong mangga na may bagoong, may bolang biglang papalapit sa pwesto ko. Masyado itong mabilis kaya napapikit ako at napashield yung kamay. Ng hindi ako makaramdam ng sakit ay dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. Laking-gulat ko nalang na nagkalat na yung mangga at bagoong sa lupa.

Isang lalaki ang agad na papunta sa akin. Nakakamot siya sa kanyang batok at pilit na ngumingiti.

Tumayo ako at binigyan siya ng nanlilisik na mga tingin.

"Sorry.." Nahihiyang sabi niya.

"Peste ka Aron!" Sigaw ko.

End of Flashback

"Liana, you're spacing out." Nakangising sabi niya.

Napatingin na naman ako sa kanya. Ano kayang ginagawa niya? Bakit niya ako natunton? Bakit parang sakto yung pagdating niya? Superhero siya?

"Isa pang titig talagang iisipin kong may gusto ka na talaga sa akin." Nakangising sabi niya.

"Tumigil ka ha." Inis na sabi ko sabay iba ng tingin.

Flashback

"Potang-ina mo!" Sigaw ko ulit. Nakakainis talaga! Ang sarap na ng kinakain ko e.

"Sorry na talaga babe. Papalitan ko, promise." Nakadefensive na action na sabi niya.

"Hindi nga ako baboy! Nakakainis!" Pigil ko ng galit. Aarg! Hindi talaga ako makaget-over sa mangga ag bagoong ko.

"Sagutin mo na kasi ako babe. Dobleng mangga at bagoong ang ibibigay ko sa'yo." Nakangising sabi niya sabay taas-baba ng kilay.

Kumunot ang noo ko.
"Hindi nga pwede!" Inis na sabi ko. Nakakainis talaga. Huhu. Yung bagoong at mangga ko nga kasi e.

"Bakit nga kasi?" Nagtatakang tanong niya.

"Buntis ako!"

End of Flashback

"Babe, I said.."

"Hindi ako bingi. She's already two years old." Walang-buhay kong sabi.

"Nasaan ang papa niya, Babe?" Palipat-lipat ng tingin sa daan at sa akin niyang sabi.

"Hindi ako hanapan ng taong nawawala. At tsaka ano ba talaga ang nangyari? Sabihin mo nga sa akin, Aron. Totoo ba talaga yung nabalitaan ko? Feeling ko kasi panaginip 'to, miski ang pagsama ko sa'yo." Parang naiiyak na sabi ko.

Ewan talaga pero hindi talaga ako makapaniwala. Sana nga binabangungot ako ngayon.

"Matanda na siya. Alam mo yung kapag matanda ka na, bigla nalang tumitigil yung puso mo? Yun ang nangyari sa kanya." Sagot naman niya sa akin.

Tumahimik nalang ako at tinignan nalang ang mga bahay-bahay at kung ano-ano pa na nadadaanan namin.

Tulog si Angel kaya hindi niya ako masyadong naabala sa pag-iisip.

Nang makarating kami sa bahay niya, agad akong bumaba ng hindi man lang kinukuha ang gamit ko sa kotse niya.

"Liana.." Mahinang sabi ng babaeng nagngangalang Ara. Kasamahan ko siya sa trabaho noon at naging kaibigan ko na rin.

Lumapit siya sa akin at hindi nagsalita. Nakatitig parin ako sa kabaong. Isa-isa na ring nagsilabasan ang mga luha ko.

Binigay ko kay Ara si Angel. Hindi naman siya nagsalita.

ABNISM (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon