Chapter 23

198 5 0
                                    

I missed my baby. How is angel? Nagpunta ako sa pinto at kumatok. I need to get out here, asap! I hope Hanson knew that I'm in danger. Almost tatlong araw na ako dito. Buti nalang at may konsensya pa silang pakainin ako sa tamang oras.




"Ano ba! Ang ingay mo!" Naiinis na sabi ng lalaki sa likod ng pinto.




"Naiihi ako." Palusot ko which is bad idea. Hello? May cr din sa kwartong ito, Liana.




"Siraulo ka? Idi umihi ka diyan!" Galit na sabi ng lalaki. Sabi ko nga diba.




"P-pero, may ano kasi sa Cr. Natatakot ako. Tignan mo nga kasi e." Palusot ko. Sana kumagat ka. Hindi talaga ako sanay sa pagsisinungaling.


Napangiti ako dahil parang pabukas na yung pinto. Hawak ko naman ngayon yung vase at nag-antay sa gilid. Sobrang kinakabahan ako pero kaialangan kong gumawa ng paraan.




No'ng makapasok siya ay binasag ko yung vase sa ulo niya at sinipa ko siya mula sa likod hanggang sa natumba siya. Sinarado ko naman yung pinto bago umalis.
Dahan-dahan akong naglalakad at alertong nagpatingin-tingin sa paligid. Agad akong napatago ng may makita akong tatlong lalaki na naglalaro ng baraha sa baba ng hagdanan. Aish! Bakit diyan pa sila naglalaro sa baba? Paano ako makakababa kung nandiyan sila sa baba mismo ng hagdan?
Nakakita ako ng vase na naman sa isang mesa. Kinuha ko ito at nagpunta sa kabilang side at itinapon doon ang vase. Napayuko ako ng biglang tumayo yung tatlo at nagtungo doon sa itinapon kong vase. Kinuha ko na ang pagkakataon. Agad akong bumaba at lumabas ng bahay. Napatago na naman ako ng biglang nakita ko ang guard. Ibang guard. Inayos ko naman ang sarili ko at nagtungo agad doon sa gate.




"Alis na ako. Antagal ni Gary e." Binuksan naman niya ang gate. Nakalimutan ata ni Gary na sabihing walang palalabasin. Hindi ako nakilala e. Agad akong tumakbo ng makalabas ako sa bahay ni Gary. Naiwan pa yung isang tsinelas ko kaya hinayaan ko nalang iyun at tumakbo ako ng tumakbo. Aish! Hindi na pamilyar sa akin ang lugar. Nasaan na ba ako?






Gary's POV


Pumasok na ako ng bahay at umakyat sa 2nd floor at nagtungo sa kwarto ni Liana. Hawak-hawak ko na ang susi pero nagulat ako na bukas na pala ito. Kumunot na ang noo ko. Binuksan ko ito at hindi pa nabuksan ng todo yung pinto kasi may nakaharang.
Pumasok ako ng pilit kahit ang kunti ng daanan. Nakahandusay na sa sahig ang isang tauhan ko katabi nito ang mga bubog. Inilibot ko ang tingin sa kwarto at hindi ko na maaninag si Liana. Binuksan ko ang cr at wala din siya doon.





Kumuha ako ng tubig sa cr  at itinapon doon sa tauhan ko. Agad itong napatayo.



"BOSS!" Agad na sagot niya nang matama sa kanya ang tubig.




"Nasaan na si Liana?" Tinuro ko yung kama. Napatingin siya doon.






"Amm-- boss." Tatanga-tanga! Sinuntok ko siya. Bwisit!




"Babae? Natakasan ka?! Tumayo ka diyan at HANAPIN MO!" Bumaba ako at pinagtamaan ang mga ulo ng nagbabaraha.





"MGA WALA KAYONG SILBI! NATAKASAN KAYO!" Sigaw ko sa kanila.





"Y-yung vase.. " Sabi ng isa na para pang may iniisip. Nagsitinginan naman silang tatlo at parang may narealize.





"Anong vase?" Nagtatakhang tanong ko.





"May vase po kasi na nabasag kanina mula sa itaas." Sagot ng isa. Matalino rin pala ang babaeng iyun. Hindi pwede 'to.





"Mga walang silbi. HANAPIN NIYO!"



***
Pasinsya na po sa short update.

ABNISM (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon