Alas 3 na ng umaga at nagising ako sa ingay ng bata.
"Tahimik." Mahinang sabi ko habang nakatalukbong sa kumot pero ang ingay parin niya. Damn this!
"F*ck! Shut up!" Tumayo ako at kinuha ang bata at iniharap sa akin.
"Bakit ba ang ingay mo? Bakit ka ba ganyan? Bakit mo ba pinapahirapan ang pagtulog ko? Ang buhay ko? Alam mo ba kung gaano kasakit ang ilabas ka sa sinapupunan ko? Isipin mo naman iyun at papahingahin mo-"
"Liana." Umirap na naman ako. Ano na naman ang ginagawa niya dito?
"Akin nga.." Kinuha ni Hanson ang bata sa akin at pinatahan ito sa pag-iyak.
"Bakit mo ba siya sinsigawan? Bata pa siya, hindi niya maiintindihan ang mga sinasabi mo." Sabi niya habang niyuyugyog yung bata para tumahan ito. Tumalikod naman ako sa kanya.
"I never knew I would end up like this." At nagsimula na rin akong magseryoso.
Sa panahong ganito ako, nandiyan si Hanson lagi, siya yung nagiging tenga para pakinggan lahat ng sinasabi ko. Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako.
"It was just.. a party with friends.."
Flashback
"Dad, they're here. Can I go now?" Sabi ko kay Dad over the phone. Magkasama sila ni Mom ngayon sa hospital kasi nga nagkalagnat si Daddy.
"12am.." Mahinang sabi nito.
"Dad, that's too early. Please, I'll make it up at dawn. I'll behave, promise." Sabi ko habang inaayos ang sarili ko sa harap ng salamin.
May narinig naman akong busina sa labas.
"Shits.. ughm, Dad I need to go. Bye, I love you both." At inend ko na ang call.
Agad naman akong lumabas ng bahay at sumakay na sa van ng friend ko.
"Let the party begin!" Sigaw ng isa sa mga friends ko ng makarating kami sa bar.
Pumasok na kami sa loob at nagpunta sa isang table for groupies. Nagorder naman ang mga boys ng maiinom habang nagchechekahan naman kami.
BINABASA MO ANG
ABNISM (Completed)
AcakSa buhay, dumadaan tayo sa pagkabata, binata at dalaga at hanggang sa makabuo tayo ng sarili nating pamilya. Pero sa buhay, hindi rin mawawala ang mga problema at pagsubok. Pero sa bawat problema at pagsubok, may mga paraan na mailalaan. Pero paano...