Third Person's POV
Ng makarinig si Ted ng kaguluhan ay hinila niya si Messy at hinigit paalis doon sa venue ng reception. Pumipiglas pa siya pero hindi siya pinansin nito.
"Ted, ano ba!" Inis na sabi niya ng ipinasok siya ni Ted sa kotse. Hindi na naman niya ito pinansin at pinaandar ang kotse.
"Ted! What are you doing?!" Sigaw niya but still, tahimik parin si Ted at ipinagpatuloy ang pagtakbo ng kotse.
Samantala ay nagkagulo na sa loob ng reception dahil sa nagdadatingang mga Pulis. Hindi naman nakaalis ng tuluyan si Liana at Aron ng dahil na rin sa gulo.
"Ano bang nangyayari?!" Tarantang tanong ni Hina na nilapitan ng ama't ina.
"I'm sorry Ma'am, Sir. Pero hinahanap po namin si Miss Messy Nilla." Agad na humarang si Hanson sa pagitan ni Hina at ng Pulis.
"Bakit niyo hinahanap si Mama?" Agad na tanong nito.
"Umamin po siyang siya ang pumatay kay Marlon Perez. Kung alam niyo po ang kinaroroonan ng ina niyo ngayon, pakialam po sa amin para matapos na po ito." Nag-iba ang reaksyon ni Hanson. Hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ng Pulis. Hindi rin nakaligtas ang reaksyon ng nasa likuran ni Hanson na si Hina at ang ama't ina nito at ang kakarating lang din na si Liana at Aron. Ang mga tao na rin sa reception ay paubos na.
"Search the place!" Sigaw no'ng Pulis na kumuusap kay Hanson. Hindi nakapagsalita si Hanson dahil hindi ito makapaniwala.Naiyak na rin si Liana dahil sa nalaman.
"Wait. Meron ba kayong warrant to search the place?" Agad na tanong ng kakarating lang ding si Maquen dahil busy ito sa pagpapaayos ng pag-alis ng mga tao.
"Yes sir." At ibinigay nito ang hinahanap.
"Damn it." Napaface-palm na sabi ni Maquen.
Nagpatuloy sa pagsearch sa lugar ang Pulis. Samantala ay may awkward naman na nagaganap sa pagitan ni Hanson at Liana na magkaharap. Naiiyak si Liana kaya inalalayan ito ni Aron. Napapatingin naman si Hanson sa kanya dahil nag-aalala ito.
"I'm imagining this as heaven as it was! Your mom was a killer?" Sigaw ni Hina kay Hanson.
"'Wag mong pagsalitaan ng ganyan si Mama. You don't know anything, you brat!" Turo-turo ni Hanson kay Hina na siyang ikinagulat ng ama't ina nito. Pumagitna naman ang ama nito sa pagitan nila at itinulak si Hanson ng bahagya.
"Ito ba? Ito ba ang pinakasalan mo?! I was thinking na ikakasaya mo ang pagpapakasal niyo. Dahil do'n, inalis ko na sa isip ko ang kasalanang ginawa ng hayop na 'to. Pero, sa pinapakita mo ngayon? Sa tingin mo papayagan pa kita Hina? Sa tingin niyo, papayagan ko pa kayo?!" Galit na sabi ng ama ni Hina. Hinawakan naman ni Hina ang braso ng ama para pigilan ito.
"Pa, wala ka ng magagawa. Kasal na kami." Kaawa-awang itsurang sabi ng anak. Inalis naman ng ama ang kamay nito na nakahawak sa braso.
"Ipapawalang bisa natin 'yan. And you can't do anything with it! Because my decision is final!" Sigaw nito sabay hila ng braso ni Hina at higit nito na umiiyak paalis ng reception venue.
Napahawak sa noo si Hanson dahil sa sakit sa ulo pero sa kabila ng lahat, nakaramdam ito ng ginhawa dahil parang nabunutan ito ng tinik.
"Hanson. Let's call them." Agad na sabi ni Maquen sabay kuha ng phone nito sa bulsa.
Samantala ay tumigil naman sa pag-iyak si Liana at naupo muna ito.
"Ma! Nasaan ka?" Agad na sabi ni Maquen ng makasagot ang ina. Mangiyak-ngiyak naman na sumagot si Messy.
"H-hindi ko alam. P-patawarin niyo ako. Nadala lang ako ng inggit. H-hindi ko sinasadya..." Sagot nito. At dahil nakaloudspeak yung phone ay dinig nilang apat ito.
"Ma! Umalis na yung mga Pulis. But, they're still searching for you." Saad naman ni Hanson.
"Anak, n...na-natatakot ako." Nanginginig na sabi ni Messy over the phone.
"Tita.."Mahinang sabi ni Liana. Natigilan si Messy sa pag-iyak ng marinig ang tinig ni Liana. Parang nakakita siya ng multo. Takot na takot ito. Takot na takot sa boses ng babaeng nagsalita sa kabilang linya.
"Tita, okay lang po ba kayo?" Mahinang tanong ni Liana na siyang ikinagulat ng tatlong lalaki sa paligid nito at ng nasa kabilang linya.
"Tita, please.. sumuko ka na. Magiging okay ang lahat. Magiging--"Hindi na naipagpatuloy ni Liana ang sasabihin ng biglang naputol ang linya.
"Ted, ano ba?!" Inis na sabi ni Messy sa asawa ng dahil sa pagdukot ng cellphone nito sa kanya at patay sa call.
"I can't let you go! I won't! I can't live without you, hon. Hindi ko kakayanin ang makulong ka't hindi makasama ng matagal!" Sagot ng asawa habang palipat-lipat ito ng tingin sa daan at sa kay Messy.
Nagpatuloy sa pagpapatakbo ng kotse si Tedy habang hindi naman mapakali ang katabi nito. Samantala ay hindi makapagdesisyon ang magkapatid ng may maadvice si Aron sa kanila na itrack ito gamit ang phone. Pero ng makita ni Hanson na hindi naman intensyon ni Liana ang saktan ang ina ay pumayag ito kung kaya't nakipagkita sila ulit sa mga Pulis sa reception venue.
Hindi naman makatigil sa kakaiyak si Hina sa kotse. Pinipilit nito ang ama pero walang salita lang ito. Ganoon rin ang ina niya na nasa passenger seat, tahimik lang ito at nakatingin sa malayo.
Tumigil sina Tedy sa isang bahay pa nila na mas malayo pa doon sa totoong bahay nila. Medyo malaki-laki rin ito at minsan lang sila dito nagpupupunta. Pumasok sila sa loob at naglock ng bahay.
"Hon, natatakot ako. Gusto ko ng sumuko." Takot na takot at nanginginig na sabi ni Messy sa asawa ng makapasok sila sa loob. Hinawakan ni Tedy ang magkabilang pisngi nito.
"Sssh. Nandito ako. 'Wag kang matakot, okay? Hindi ka makukulong." Tapos niyakap niya ito at sumeryoso ang itsura at patuloy naman na umiiyak ang asawa.
"Dito ka lang muna, okay? May kukunin lang ako. Please, 'wag kang umalis. Promise that, hon." Sabi ng asawa ng magkaakap parin ang dalawa.
"I promise."
-----
Ipagpapatuloy...Hi! Malapit na po itong matapos. I would like to apologize nga pala sa promise ko na tatapusin ko ito sa loob ng April. May reasons talaga kung bakit hindi natapos. Nagsummerjob kasi talaga ako. Hehe. 'Lam niyo na kapag college, need talaga ng money. Hehe. Eneweys. Salamat sa paghihintay at pagbabasa parin. Mahal ko po kayo. Haha!
Fb page: KrisetineWattpad
Facebook: Arvie Joy R. Mantong
Insta: Arvie joy
Skype: Arviedomo( Let's skype po if gusto niyo. Pa-add nalang para usap-usap din tayo.:D)

BINABASA MO ANG
ABNISM (Completed)
RandomSa buhay, dumadaan tayo sa pagkabata, binata at dalaga at hanggang sa makabuo tayo ng sarili nating pamilya. Pero sa buhay, hindi rin mawawala ang mga problema at pagsubok. Pero sa bawat problema at pagsubok, may mga paraan na mailalaan. Pero paano...