Iniiwasan kong magkatagpo kami ni Maquen matapos mangyari ang ginawa niya kahapon. It's been a week since I was avoiding him and thank God, hindi na naulit ang ginawa niya. But still, I can't believe what he did at hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya.
Bumaba na ako ng kwarto para kunin na yung niluto ni Tita. Sa t'wing kaharap ko si Tita o kaya ay malapit siya sa akin, hindi nalang ako nagsasalita at lagi akong nag-iingat para hindi na niya ulit ako masigawan at masampal ulit.
Habang hawak ko na ang isang bowl ng kanin, bigla akong nakaramdam ng pagsusuka kaya agad ko itong binitiwan at nilapag sa mesa at tumakbo papunta sa sink.
"What the?!" Biglang sabi ni Tita ng magawa ko yun.
Sumuka ako."Hey?! Anong nangyayari sa'yo ha?!" It would be better if sa magandang tono niya iyan sinabi baka maisip ko pa na nag-aalala rin siya sa akin.
"It's nothing serious, Tita." Mahinang sabi ko at tsaka pinunasan ang bibig ko.
"What's wrong?!" Gulat na tanong ni Tito. Pumunta siguro sila agad dito ng marinig ang sigaw ni Tita.
"Wala po, Tito. Nasuka lang po ako. Balik na po kayo sa hapagkainan." Pilit na ngiti kong sabi.
Nauna na sila doon at sumunod naman si Tita para ilapag na doon ang isa pang ulam na naiwan. Hinawakan ko na ang bowl ng pagkain ng biglang hawakan ako ni Maquen sa pulso ng mahigpit.
"What's the meaning of that?" Mariin na tanong niya sa akin.
"Masakit..Bitiw-"
"Bakit ka nasuka?!" Nag-aalala ba siya o baka natatakot siyang malamang nabuntis niya ako?
Inutusan ako ni Tita na mag-grocery, bumili na rin ako ng Pregnancy kit. Sumuka kasi ako no'ng isang araw. At hindi ko gusto ang kutob ko.
Pagkauwi ko, agad akong pumasok sa Cr at sinubukang alamin kung totoo nga ba ang kutob ko."No"
"Bakit ka ganyan? Takot kang malaman kung may nagbunga ba sa kalapastangang ginawa mo? E paano kung sabihin kong buntis ako?" Matapang na sabi ko.
"Your joke makes me laugh." Tapos ngumisi siya at binitiwan ako at nagpunta sa likuran ko.
"Is this some kind of a joke? Isang gabi lang yun Liana. This isn't right." Parang nagsisisi na sabi niya. Napakagat labi naman ako at humarap sa kanya.
"Bakit? Takot ka? Takot ka na malaman nila?" Mariin pero mahinang sabi ko.
"YES. Yes, I am, Liana." Mahinang sabi niya pero puno ng galit. Sinisiguro rin niya na walang paparating sa pwesto namin para walang makarinig ng pinag-uusapan namin.
"Sana inisip mo yan noong una. Bakit? Akala mo, walang mangyayari sa isang gabi lang? Damn it! Anong gagawin ko sa bata?" Halos maiiyak na sabi ko.
"Abortion. Yup, you do that." Nagtagpo ang dalawang kilay ko pagkasabi niya no'n.
"What? No!"
"Anong 'no'?" Sabay kaming napalingon kay Tita na nasa pinto.
"Uhm, ako na kasi magdadala nito." Palusot ni Maquen at tsaka kinuha ang bowl ng rice at nauna na sa table. Nagkatinginan naman kami ni Tita kaya napayuko ako.
Halos maiyak na ako sa kusina.
--
"Liana" Agad akong hinila ni Hanson papasok sa kwarto ko.
"Buntis ka?" Lumaki agad ang mata ko sa sinabi ni Hanson.
"What?! H-how.."
"At takot si Kuya sa ginawa niya?"
"H-how.."
"He really did that? How? When? Why? How dare he?!"
"Hanson.."
"Liana, we better tell my parents about this."
"What?! No." Tumalikod ako at lumakad papunta kay Angel.
"I can't. They won't believe me for sure."
"There are ways to know if you really had sex." Humarap ako sa kanya ng nakakunot ang mga noo. Oo hindi na bago sa pandinig ko ang sex pero paanong--
"How did you know that he did this?
"I-I was stopping him from going into your room. Liana, he wants you! I-I thought, napigilan ko na siya pero paanong nagawa niya ito?" Huminga ako ng malalim at tinignan si Angel.
"Ayaw ko na siyang sundan. Napakasakit na e. Single mom na nga ako, nahihirapan na nga ako, may darating pang isa. Hanson, ayaw ko na." Humarap naman ako sa kanya. Lumapit siya sa akin at pinunasan ang luha sa pisngi ko.
"No. Masama ang magpaabort. Kailangan niyang makita ang mundo, kailangan niyang maranasan ang maging masaya at masaktan." Niyakap ko siya agad.
"Hindi ko na alam ang gagawin! Siguradong lalaki din itong tiyan ko. Malalaman din nila ito." Kumalas siya sa pagkakayakap ko at ngumiti.
"I have a plan. But please, trust me on this."
Maniwala? Kaya ko bang ibigay yon?
***
BINABASA MO ANG
ABNISM (Completed)
De TodoSa buhay, dumadaan tayo sa pagkabata, binata at dalaga at hanggang sa makabuo tayo ng sarili nating pamilya. Pero sa buhay, hindi rin mawawala ang mga problema at pagsubok. Pero sa bawat problema at pagsubok, may mga paraan na mailalaan. Pero paano...