Chapter 39

86 4 0
                                    

Third Person's POV

Flashback

"Hon, okay ka lang?" Tanong ni Amanda sa asawa ng makapasok ito sa loob ng bahay na kakagaling lang sa trabaho.

"Oo, okay lang. 'Wag mo na akong alalahanin. Masakit lang ulo.." Hindi na nito naipagpatuloy pa ang sasabihin dahil natumba na ito.

"Marlon!" Sigaw ni Amanda.

Natinag naman si Liana na nasa kwarto at nag-aaral. Bumaba ito ng hagdan na patakbo at nagtungo doon sa sumigaw.

"Ma! Ma, a- ano pong--" Napatigil ito sa pagsasalita ng makita ang ama na nakahandusay sa sahig. Napatakip ito ng bibig.

"TUMAWAG KA NG AMBULANSYA!" Sigaw ni Amanda.

Dali-dali namang nagtungo si Liana sa telepono at tumawag ng ambulansya. Paiyak na siya habang tinatawagan ang ambulansya.

"Pa.. Pa.." Naluluhang sambit ng ama habang pinapasok na ito sa ambulansya.

"You have to stay here, Alyana." Sabi ng ina na naiiyak na rin.

"No, I want to go. Ma, please.. please tell me magiging okay lang siya." Sabi ni Liana kasabay ng nga hikbi at hagulgol niya mula sa pagluha.

"You stay here. You need to study. May exam ka pa bukas. Magvisit ka lang bukas after ng exam mo. He will be okay, Alyana." Niyakap ni Amanda ang anak at hinimas-himaa ito.

"Stay here." Sabi ng ina ng makapasok na ito sa ambulansya.

Naiwan naman si Liana na umiiyak nang paalis na ang ambulansya.

Napaupo siya sa harap ng kanilang gate at patuloy parin na umiiyak. Hindi parin siya makapaniwala sa nangyayari dahil malakas naman ang ama at hindi pa ito nagkakaganito noon.

Tulalang kaharap ni Liana ang study table niya kasama ang mga notebook at libro na pag-aaralan. Halos magiisang-oras na siyang ganoon mula ng isinugod ang ama sa hospital.

Hindi na niya ito makayanan. Tumayo siya at nagpalit ng damit at saglit na naghilamos. Kinuha niya ang kanyang maliit na bag na may lamang pera at sinarado ang bahay.

Nagtawag siya ng taxi at nagtungo sa hospital na malapit sa kanila.

Pagkarating doon ay patakbo siyang pumasok.
"Marlon Perez po?" Tanong niya doon sa isang nurse.

"2nd floor, room 7."

Agad-agad ay nagtungo siya doon. Nang nasa pinto na na siya ng room 7. Napatigil ito ng marinig na may nag-uusap sa loob.

"So lagnat lang po?" Tanong ni Amanda.

"Grabeng lagnat. Bukas magiging okay na siya pero kailangan parin niyang magstay dito for medications and check-ups." Sagot naman ng doctor.

"Salamat po, doc."

Aktong tumabi si Liana sa pinto ng maramdamang pabukas ito.

Lumabas ang doctor at hindi napansin si Liana.

Napabuntong-hininga naman siya dahil sa narinig. Akala niya mawawala na ang ama pero lagnat lang pala.

Hindi na siya pumasok pa sa loob at umuwi na rin at nag-aral.

Nais ng ama na makapagtapos siya ng kursong HRM dahil sa talento nito sa pagluluto kaya nagpuporsige siya para makapagtapos. Kaunti nalang at makakatapos na siya at matutupad ang pangarap niya at ng ama.
--
Nagtungo agad si Liana sa hospital pagkatapos ng exam. Nandoon din ang ina nito. Gising na rin ang ama at nadatnan itong kumakain.

"Kumain ka na, Aly?" Tanong ng ama. Ngumiti naman si Liana.

"Yes, pa. At tsaka malaki po ang kuha ko sa exam." Sagot nito.

Noon, nagkatalo pa ang mag-asawa sa itatawag nila sa anak. Alyana kasi ang pangalan nito. Gusto ng ina na Alyana parin ang nickname niya pero gusto naman ng ama na Aly. Pero yung ibang tao, Liana ang tinatawag sa kanya dahil mas madaling banggitin. Pero di kalaunan ay nagseparate sila ng naisip at ang gusto ang ipinantawag sa anak.

"Kailan pa po kayo lalabas?"

Nag-usap pa silang magpamilya hanggang sa makauwi na ang dalaga.

Kinagabihan, nag-aya ang mga kaklase nito na gumala sa bar. Nagpaalam si Liana sa ama at pumayag ito.

Habang ini-enjoy ni Liana ang gabi ay may nangyayari naman sa hospital.

Habang tulog si Marlon, may isang taong nagbukas ng pinto. Dahan-dahan siyang naglakad at lumapit sa lalaking tulog.

Tinignan niya muna ang natutulog na lalaki at kinuha ang kumot sa tabi nito at marahas na itinakip sa mukha nito.

Patingin-tingin ito sa pinto at sa monitor ng heart beat nito. Ng naging straight ito ay agad siya umalis.

Sa pagkakataong ito, hindi na humihing ang lalaki at tunog ng tunog ang monitor.

Nang makapasok ang doctor at nurse dahil nga narinig nila ang pagtunog ng emergency sa room 7, tsaka lang nagising si Amanda na kanina pa mahimbing ang tulog sa sofa sa loob ng hospital.
--
Shorg Update again. Sensya hihi.
Hi! Paki-like naman po ng page ko sa fb. Just search KrisetineWattpad. Salamat po

ABNISM (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon