Chapter 53

100 3 0
                                    

Third Person's POV

Natrack na kung saan nandoon ang mag-asawa. Pero dahil kailangan pang magplano ng mga Pulis ay pinili nitong ipagpapabukas na. Hanggang tingin lang din ang nangyayari sa pagitan ni Liana at Hanson hanggang sa magseparate na ito ng daan pauwi.

Iba ang pakiramdam ni Liana ngayon. Para na rin siyang nabunutan ng tinik kagaya ng naramdaman ni Hanson. Tahimik lang ang dalawa habang nasa byahe. Napapatingin lang minsan si Aron sa kanya pero hindi naman nagsasalita.

Ng makarating sila sa bahay ni Liana ay tahimik itong bumaba ng biglang sinalubong siya ng natataranta at naiiyak na si Betina. Hinawakan nito ang magkabilang braso ni Liana.

"L-liana.. S-si.. S-si.." Pautal-utal na sabi nito.

Bumaba na rin si Aron dahil parang hindi maganda ang pakiramdam niya sa reaksyong nakikita niya kay Betina.

"Calm down! Ano?" Parang natatakot na rin na tanong ni Liana.

Huminga ito ng malalim at agad na nagsalita. "Sabi niya sinabihan mo daw siya na kunin yung bata. Inutusan mo daw siya dahil busy ka pa daw. E, kilala ko yung tao Liana. Naniwala ako. Pero ng matext ako ni Vanessa na nagkagulo doon sa reception ng kasal at sa nalaman kong pumatay sa papa mo, nagtaka na ako at natakot... L-liana, naibigay ko yung anak mo sa Tito mo." Laking-gulat nalang ni Liana ng marinig ang sinasabi ni Betina.

Kung kanina nabawasan ito ng tinik dahil nga ipapawalang bisa ang kasal nila, ngayon ay doble-doble naman ang pumalit. Anak na niya ang nasa topic. Anak na niya ang pinag-uusapan. Anak na niya ang nawawala't kinuha.

"Let's go." Agad-agad ay sumakay na naman sila sa kotse at naiwan si Betina. Naiiyak na naman si Liana. Walang humpay na iyak.

Samantala ay dinukot ni Aron ang cellphone nito at tinawagan si Hanson.

"The fvdge, man! Your dad got Liana's daughter!" Sigaw nito.

Kakarating lang ni Hanson at Maquen sa bahay pero agad-agad na naman silang umalis at nagtungo sa Pulis.

---

"Well you have to think of it now!" Sigaw ni Aron.

"This is an emergency! Bakit kailangan ipagpabukas pa?! Damn it!" Galit naman na sabi ni Hanson.

"Natrack niyo na sila, bakit kailangan pang mag-isip?!" Aron.

"Ano pa bang ginagawa niyo?! Puntahan na natin sila!" Hanson.

"The fvdge!"Aron.

"F*ckin' hell!" Hanson.

Nasa office sila ng isa sa mga Pulis na nakausap nila doon sa reception at mismong boses ng dalawang lalaki ang umaalingaw-ngaw sa loob ng opisina dahil sa hindi mapakaling pagsasalita ng dalawa.

"Teka nga. Kaano-ano niyo ba yung bata?" Agad na tanong no'ng Pulis.

"It's her daughter!" Sabay na sabi ng dalawa sabay turo kay Liana. Nagkatinginan ang dalawa at agad naman itong ibinali.

"We are doing our best. Hindi naman ganoon kalala ito noon. But when we heard na kinuha ang anak niyo, ibang usapan na po ito. Kailangan na po ito ng agarang aksyon." Mahinahong sabi ng Pulis.

Agad-agad ay pinuntahan na nila ang natrack nilang lugar. Wala namang kaalam-alam ang mag-asawa na natrack pala sila.

Ng makarating si Tedy sa bahay na pinagtataguan nila ay agad itong pumasok, bitbit ang bata.

"Hon!" Tawag niya sa asawa. Bumaba naman si Messy sa mula sa loob ng kwarto at laking-gulat nito ng makita ang anak ni Liana.

"B-bakit siya.. Bakit--" Nauutal na tanong nito ng makalapit sa asawa.

ABNISM (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon