Chapter 46

99 2 0
                                    

Messy Nilla's POV

He's walking towards me. He's holding something in his right hand and I think it's a knife.

I keep on running so that he can't follow me. But wherever I go, he's still there..

God, help me!

"Help me!"

"Hon!" Nakaramdam ako ng kamay na yumuyugyog sa akin kung kaya't napagising ako.

Agad akong napaupo mula sa pagkakahiga at niyakap ang asawa ko.

"It's just a nightmare." Mahinang sabi niya sabay himas ng likuran ko. Habol ko parin ang hininga ko. Para bang hinahabol ako ng aso.

Bakit ba ako binabangungot ng gano'n?

Hanson Nilla's POV

"Pa! You have to end this! Bakit ka ba ganyan? Before naman, botong-boto ka kay Liana. Gustong-gusto mo siya. You were like a father to her. But now, what happen? Nagiging demonyo ka sa kanya." Hinarap ako ni Papa na kanina ko pa sinusundan ng lakad dito sa bahay.

Pinasok ko siya sa kwarto niya kanina at nagmakaawang itigil na ang kalokohang pagkopya ng produkto ni Liana. Pero iniiwasan niya ako pero hindi ko naman siya tinatantanan.

"She did this to me. If only lang na pumayag siya do'n sa pagtrabaho niya sa atin. If only lang na hindi niya inalis ang tiwala ko sa kanya. Kasi akala ko iba siya sa papa niya, sa mama niya." Kumunot ang noo ko.

"Paanong nasama ang pamilya niya dito?" Hindi niya ako sinagot, bagkus ay umalis siya sa harap ko.

Nakareceive ako ng text mula kay Liana. Magkikita daw kami sa resto nila. Quite awkward pero kailangan kong tiisin at sanayin.

Nakarating na ako sa kanila at doon ay nakita ko si Liana at ang Aron na sinasabi niya. Napataas ang isang kilay ko pero bigla namang nawala ng makita nila ako at sumenyas na lumapit na ako.

"Thank you for your presence." Sabi ni Liana ng nangiti ng makarating ako.

"Have a seat." Sabi naman ni Aron. Umupo naman ako.

Sa table namin ay may SBD na nakalagay. Tig-iisang plate kami.

"So, 'wag na natin 'to ipaligoy-ligoy pa. Bakit niyo kinopya ang produkto namin?" Pareho kaming napatingin kay Aron. Siya kasi ang nagsimula.

"It's not my idea. Isang araw nagulat nalang ako na may bago na kami sa menu." I explained.

Nilagay ni Liana ang dalawa niyang braso sa lamesa at mas lumapit.

"It's impossible na hindi ka kasali sa plano nila. You're a fam--" Hindi ko na pinatapos si Aron at nagsalita na rin ako.

"Pinagdududahan mo ba ako? Yes, we are. But I don't think that's an enough reason para pagdudahan ako." I defended.

"Yeah. I trusted you, Hanson. He's right, Aron. " Bahagya akong nagulat sa sinabi niya pero agad ko namang inalis ang reaksyon kong iyun.

"Hanson, I don't think that's legal for us." Sabi pa ni Liana.

"I can help you, if you'll let me." I smiled.

"A help from our opponents? Sounds not good." Sabat ni Aron.

Binaliwala ni Liana ang sinabi ni Aron at nagsalita.

"What help? How our we going to stop them?" She asked.

"We? We ba 'yan na tayo lang o we na kasama siya?" Sabi ni Aron with hand gestures.

"Aron, please. I am solving a problem here." Pigil ni Liana kay Aron.

ABNISM (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon