Alyana Perez's POV
"Are we going, Miss Aly?" Tanong ni Jacky. Hindi ko siya pinansin at patuloy parin na tinititigan yung invitation card na galing sa MaMeHaTe. Nandito kami lahat ngayon sa loob ng kusina.
"Baka may pinaplano sila?" Sabi ni Mira.
"Oo nga. Kinopya pa naman nila yung specialty natin." Saad naman ni Ara.
"Liana." Tawag sa akin ni Aron but still nakatuon parin ako sa invitation card ng seryoso.
"We're going." Sabi ko ng nakatuon parin sa invitation card.
"Ha?/Ano?/Uh-oh." Dinig kong reaction ng iba.
Tumayo ako at nagpunta sa harapan nila.
"It's their anniversary at nakasulat doon na they invited famous resto's and that includes us. Hindi natin alam ang balak nila kung meron man pero bakit natin kailangang magtago? They copied it! I'm impress nga kasi naisipan nilang imbitahin tayo sa kabila ng ginawa nila. We should be proud going there. Taas-noo tayong pupunta doon, let us show them that they won't let us down because we are the original. And if there's original?.." I prolonged.
"There's a photocopy!" Sagot ng lahat except kay Aron na nakangiti lang.
"Let's do this!"
Pinauwi ko sila ng maaga para makapaghanda. I told them na dito kami magkikita sa resto. Merong van sina Aron kaya iyun ang gagamitin namin.
Tedy Nilla's POV
"You invited them?! Hon, I know what you're doing. I know you copied their product! But, why invite them? Hindi ka ba nahihiya? Natatakot?" Nandito kami ngayon sa isang kwarto sa venue ng party. Habang nag-aayos si Messy ay pinasok ko siya dito at sinabing
inimbita ko si Liana.
"It's Hina's choice. Don't worry, everything will be alright." Sabi ko sa kanya sabat lapit at halik sa noo nito.
Bumaba na kami sa kwarto na pinagstayan namin.
"Ready?" I asked them three. Nasa taas kami ng hagdan.
"Sure/ As always, Dad." Tahimik lang si Messy at parang kabado.
"Please help me welcome. The MaMeHaTe owners on its first anniversary!" The emcee started.
Bumaba kami ng hagdan kasama ang palakpakan ng mga tao.
Ng makatapak na kami sa huling step ng hagdan..
"Thank you for coming here tonight. Please enjoy the party and I have an important announcement later." Sabi ko sabay taas ng glass of wine na bigay sa amin ng waiter.
"Happy Anniversary!" Sigaw ko at itinaas ang glass of wine.
"Happy Anniversary!" Sigaw rin ng lahat then they clapped.
Alyana Perez's POV
"You look amazing." Nakangiting sabi ni Aron ng makalabas ako ng bahay.
"Let's just go." Baling ko sa sinabi niya. Feeling ko kasi namula ako.
Nandito na ang lahat sa van at papunta na kami sa venue ng party.
Nang makarating kami, ang daming tao. They looked amazing and beautiful as they wore their suit and tie.
Lumabas na kami at marami ring nakapansin sa aming pagdating.
"It's Miss Aly."
"Yeah.. Ang ganda niya pala sa personal. Sa dyaryo at magazines ko lang siya nakikita e." Bahagya ay napangiti ako sa tinuran ng mga tao.
BINABASA MO ANG
ABNISM (Completed)
RandomSa buhay, dumadaan tayo sa pagkabata, binata at dalaga at hanggang sa makabuo tayo ng sarili nating pamilya. Pero sa buhay, hindi rin mawawala ang mga problema at pagsubok. Pero sa bawat problema at pagsubok, may mga paraan na mailalaan. Pero paano...